Chapter 14

7 2 0
                                    


Lunes na naman at kelangang harapin ang  sandali kung saan magkikita kami ni simang na sobrang napikon sakin nung huling pagkikita namin.

Pero sa totoo lang,di naman talaga ako kabado sa lahat ng pinaggagagawa at pinagsasasabi ko sa kanya. Ako kasi yung tipo ng tao na pag may ginawa ako normal,matino o kaabnormalan man yan eh pinagisipan ko yang mabuti bago gawin. At hinding hindi ko pinagsisisihan kung ano man ang nagawa ko.

Ngunit sa pagkakataong to,hindi ba dapat ako magsisi?

Pagkapasok ko pa lang ng opisina ay may mga nakatambak ng mga reports sa table ko at kelangan ko daw tapusin at aralin ngayong araw ayon sa boss naming walang kasing sama.

Sumakit bigla na lang ang ulo ko nung puro numbers na lang ang nakita ko na ewan kung saan pinagdadampot ni simang ang mga to. Muntikan ko na nga ihagis yung mga papel nagpigil lang ako.

Kaya minabuti ko na lang lumapit kay miss Vicky at magtanong "Ma'am, regarding po dito sa reports na pinapagawa niyo sakin,ano po bang gagawin ko dito at para saan po ba eto? Pasensiya na po wala po akong maintindihan maliban sa mga numbers na parang galit na galit sumakit po ulo ko sa dami."

"Ahhh yan ang mga reports galing sa accounting na kelangan icheck mabuti if may pagbabago sa sales ng company from last two years up to now. Alam mo naman bago pa lang hinahawakan ni sir Clyde ang company at kelangan niya ng help from us to clarify our sales for him to understand more the company's strength and weaknesses and also kung may dapat bang baguhin sa mga strategies or stay in our old ways.  You just encode that and learn it as well. Medyo madami nga lang yan but I know you can do it." Nakangiting paliwanag niya sakin kahit wala naman ako masyado naintindihan.

"Eh,Ma'am from two years talaga?at saka nagtataka lang po ako hindi niya ba kayang intindihin to ng magisa at kelangan pa niya ng tulong natin? Juice colored,siguro po nakita niya sa background ko na weakness ko ang numbers kaya tinambakan niya ako ng sangkatutak na ganitong reports ma'am." Lakas loob Kong paghihimutok sa kanya.

Sanay na yan sakin sa araw araw ba naman na pa aalburoto ko sa lahat ng paghihirap ko sa kamay ng hari ng kasamaan,sa kanya ako naglalabas ng sama ng loob. Minsan pinagsasabihan din naman niya si simang kung sa tingin niya sobra na pero mas madalas na pinapalakas nya na lang ang loob ko pag wala na siyang magagawa pa tulad ngayon.

"I also said that but he just said that he also needs our advice  about this so we also should learn about it. I know it's not your line of work,but he insisted so we don't have a choice but to follow. You can ask me or the accounting department if you not understand anything." Naawang mukhang paliwanag niya sakin.

Tumango na lang ako at lulugo-lugong bumalik sa workstation ko. Oo, ako na kahabag-habag sa pangyayari na to. Grabe naman kasi mas masaya pa ko kung paglilinisin ako ng buong building kesa iharap sa pagmumukha ko ang maraming numbers,di talaga kami magkasundo niyan.

Parang kami lang ni simang. Never ng magkakasundo itaga niyo sa 6 pack chocolate abs ni Siwon my loves yummy... Hihihi

Ayan na kung saan saan na napupunta utak ko,maumpisahan na nga tong mga reports itapon, chos!

At inumpisahan ko na nga makipagbuno sa mga tinambak na reports sakin. Matinding pagkabusy at concentration ang kinailangan ko para maintindihan ang mga nakasulat,at pabalik balik ako sa accounting at Kay ma'am Vicky kakatanong.

Kaya nung tumunog na ang bell para sa uwian ay para akong nakarinig ng mga anghel na nagaawitan sa saya. This is it pahinga is life... Haaayyy!!!

Pero parang may sinabugang bomba akong narinig bigla ng may magsalita sa likod ko
"Where do you think you are going lady? You're not yet done with the reports. Stay till you finish it before you can go."

"Sir,parang awa mo na po,maawa ka sa katawang lupa at braincells ko. Pagod na pagod na sila,kelangan na nila ng tender,love and care from me. Ayyy alam mo sir,makakatulong ka sa ekonomiya kung bibigyan mo rin sila ng tlc diba..." With matching beautiful pang paglilitanya ko. Baka sakaling may onting awa sa katawan at pagbigyan ako kaya lang mukhang wala ata ang salitang kabaitan sa bukabolaryo ng hudyo.

"Ang dami mong sinasabi walang kwenta naman. Sino ba ang boss dito?ako ba dapat ang susunod sa tauhan ko,ridiculous! Finish your work then go. Are we clear? Good!" Sabay layas ng impakto.

Grabe ang kaimpaktuhan ng hudyo. Walang awa,walang puso,walang kaluluwa,walang atay, walang balunbalunan walang tadyang sarap tadyakan,kaimbyernaa...

Habang nagdadrama ang lola mo,biglang nag ring ang cellphone ko. Sinagot ko to ng walang pake sa inis. "Hello sino to?scam ba to?wag ngayon badtrip ako,sa ibang araw ka na lang mangscam baka sakaling patulan kita,geh ciao!"

"Hoy panget si Ackie to,mukha ba akong scammer sa gwapo kong to? At saka di ko kelangan ng pera mo,mayaman ako eh bwahahaha" pagyayabang ng unggoy.

"Eh di wow ikaw na mayaman,ishare mo naman yang yaman mo. Ayoko ng magtrabaho eh, nakakapagod magpaalipin sa isang impakto. Nakakahawa ang bad vibes ng boss ko." nakasimangot ko pang sinasabi yan.

"Hahaha balita ko nga daw na assistant ka ni Clyde,kwento sakin ni misis. Grabe parang tinadhana ang pagkikita niyong muli. Baka yan na ang hinihintay mong soulmate nget. Naku ang swerte mo kung magkaganun,ang gwapo niyan mayaman pa. Di ka lugi,siya pa ang lugi. Hahaha"

"Hahaha tatlong tawa para sayo. Soulmate pampatay lang yon at kung sya lang din naman ang tinadhana sakin,ay wag na unggoy ayoko sa hari ng kabwisitan. Magpapakantandang dalaga na lang ako noh"

"Hay naku nget di natin masasabi ang mga bagay bagay. May kasabihan nga na the more you hate the more you love diba. Malay niyo para sa inyo talaga ang kasabihan na yun ayieee..."

"Letse ang dami mong sinasabi walang kwenta lahat. Bakit ka nga pala napatawag?wag mong sabihin para mangasar lang kasi ganda ng timing mo mas lalo akong naasara kausap ka."

"Galing ko talaga sakto pala tawag ko hahaha. Isa na rin yon para asarin ka pero gusto ni Chloe makita kayo sa linggo,mag papaparty daw sya get together daw ganun. Punta ka ha,isama mo na din mga kaibigan mo para masaya."

"Sabihin mo bored  yang jusawa mo naghahanap ng tigaaliw niya. Ano oras ba at saka teka baka nandun si bosaboss na Clyde ah,nakakaumay na pati linggo ko siya pa din makikita ko."

"Hindi ata makakapunta si Clyde may lakad ata siya eh. Basta pumunta kayo hah,asahan namin kayo. Text ko na lang sayo address namin mamaya at sinisitsitan na ako ni misis,gusto na naman ata makaisa... lakas talaga ng alindog ko.bwahahaha"

"Kadiri putek sige na humayo at magpakarami, paki hi na lang ako sa misis mong nabulag sa aalindog mo kuno. Bye!" Hindi ko na pinagsalita pa ang kumag at magyayabang na naman yan.

Bumalik na ulit ako sa aking ginagawang trabaho para makauwi na at gusto ko na talagang magpahinga. Hayyy what a life!

Hate More, Love MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon