Trip

9 0 0
                                    


Song: You- Oscar Lang

ᡕᠵ᠊ᡃ່࡚ࠢ࠘ ⸝່ࠡࠣ᠊߯᠆ࠣ࠘ᡁࠣ࠘᠊᠊ࠢ࠘𐡏~♡
𓏲 ˖.  ♡̷̸    It's you◞  🍶 ⟠ ࣪ .

ᡕᠵ᠊ᡃ່࡚ࠢ࠘ ⸝່ࠡࠣ᠊߯᠆ࠣ࠘ᡁࠣ࠘᠊᠊ࠢ࠘𐡏~♡

"Calli halika na!" Pagtatawag saakin ni Kuya habang gumagawa sila ng sand castle.
Napa irap naman ako at nakasimangot na sumisipsip sa buko shake ko.

A trip must be exciting yet I'm here at our table sulking not enjoying this damn trip. Unang araw palang namin ay iritable na ako pero hindi ko lang pinapakita. Tamang irap lang kapag naka talikod na si Kuya at lalong lalo na si Hades. Siya ang puno't dulo ng lahat ng kasakiman ko ngayon.

Wala pa akong magawa dahil kinuha nilang lahat ang mga gadget na sana ay dapat may ipopost na ako ngayong araw.

Mabilis akong ngumiti ng lumapit bigla si Hera. She's so cute in her bikini that i bought! Buti na lang ay kasya sakanya para nag matchy matchy kami parehas.

"Kuya Hades said that you should play with us" Punyeta, naririnig ko palang ang pangalan ay kumukulo na ang dugo ko. Ginamit pa ang bata para lang mapapunta ako.

Tumango naman ako kahit may sama ng luob. Hinawakan niya ang kamay ko at kumirpas ng takbo buti na lang ay hindi pa ako subsob.

"O san kayo pupunta?" Bigla kong tanong ng tumayo sina Kuya at Poseidon.  Hindi pa nga ako nakakaupo ay aalis na pala sila.

"Bibili ng pagkain," tumango naman ako na lamang ako at umupo sa tabi ni Hera. Kumuha ng mga kagamitan para makisamang makipaglaro, hindi pinapansin ang lalaking nagsasalita.

We're at Batangas, hindi kami nag stay sa isang hotel dahil may penthouse naman na sila Hades na pagtutulugan namin. May sariling swimming pool at paglabas ay mayroong public beach. Hindi na rin namin problema ang pagkain dahil namili na raw ang caretaker nila Hades na kasya saaming lahat.

There penthouse was nice. So spacious and modernized. Ofcourse, there father was a engineer and also architect kaya ay sobrang ganda na lamang ang binuong konsepto ni tito sa penthouse nila. May dalawang palabag, ang una ay mayroong living room, kitchen, atsaka dining room. May mga magagara pang aquarium, mga carved statue ng greek gods, at mga vase na mamahalin.

Sa pangalawang palapag naman ay may limang kwarto. Kada kwarto ay may isang queen size bed at maliit na kitchen. Ang nakakamangha ay  nasa labas ng banyo ang bathtub. Paniguradong gagamitin ko ng isang gabi kapag naisipan ko.

Kaninang madaling araw kami naka rating, kahit kompleto ang tulog ko ay bumababa baba ang talukap ng mata ko hinahanap ang kutson na gustong magpahinga.

"Tata, what type of prince do you like?" Pagtatanong saakin ni Hera. Natawa naman ako.

"I don't need a prince" I can live by my own without a man supporting me. Im strong and independent woman who doesn't need a man.

"But I saw you with a boy kissing inside a car?" Bumilog ang mata ko sa kanyang sinabi. Jusko kang bata ka, apaka talim naman ng mata mo na kahit tinted ang kotse ni Adonis ay nakita mo parin. Ikaw yata telescope ni Hades kaya nalalaman niya kung ano pinag gagawa namin.

"Silly! I kissed him because he was frog!" Pagrarason ko naman.

"You kisses him every night should he already change into a prince?" napa sapul naman na ako sa noo dahil naubusan na ng pagrarason.
She didn't see us once but every day, saan ba siya nagtatago at hindi ko makita? Daig pa niya ang cctv kung makakuha ng krimen.

It's You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon