Kabanata 1

289 8 1
                                    

Warning: This chapter contains disturbing scenes, read at your own risk.

***

"So anong plano mo?" Sa lubong na tanong agad sa kaniya ng kaibigan nakakapasok lang sa loob ng opisina niya.
Gabi na pero hindi pa rin siya umuuwi, kaya pinapunta niya ang kaibigan sa restaurant para may makausap siya, hindi rin alam no Christina sa sarili kung anong gagawin niya.

"Hindi ko nga alam eh." 'Yun nalang ang nasagot niya tsaka ito bumuntonghininga.
Gulong-gulo siya at hindi niya inaasahan ang bagay na iyon. Kung kailan ayos at tahimik na ang buhay niya tsaka naman siya pinuntahan ng Mama niya.

"Hmm... Pumunta ka kaya pero, wait free ka ba sa dadating na dalawang buwan?" Tanong ng kaibigan niyang si Danice.

"Pwede naman, iiwan ko nalang muna ang resto kay Mira, nagpaalam naman ako sa kanya kung okay lang magpahinga ako or mag-quit muna ako rito sa Restaurant, pumayag naman siya... Kailangan ko rin kasi ng sariwang hangin talaga," seryoso niyang kwento. "Why pala?" Balik niyang tanong sa kaibigan.

"Well... Mayroon special guest si Daddy sa hacienda, yeah special guest talaga, para sa 'kin hindi siya special talaga, cousin ko lang siya 'no. Like mag-stay siya ng one to three months gawa pinapagawa pa 'yung house niya rito lang din sa Batangas, pero hindi ko alam why siya papatirahin ni Daddy eh doon eh pwede naman doon sa apartment namin sa Lipa." Kwento ni Danice sa kaniya, kumunot naman ang noo ni Christina dahil hindi niya maintindihin ang pinupunto ng kaibigan.

"So?" Tanong niya sa kaibigan, malaki naman ngumiti ang kaibigan saka lumakad palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Need ko ng isang magaling na chef at ikaw ang naisip ko, since sabi mo free ka sa loob ng dalawang buwan baka... Pwede ka muna sumama sa 'kin mag-stay sa hacienda para may magluto sa special guest or whatever ni Daddy." Umirap ang kaibigan niya kung kaya't bahagya siyang napailing. "Gusto pa kasi ni Daddy na maghanap pa sa ibang bansa eh kung alam ko naman may kaibigan akong mas masarap pa magluto sa 'kin, bakit pa siya lalayo, 'di ba?."

Hindi umimik si Christina dahil sa narinig.

Gusto siya i-sama ng kaibigan sa hacienda pero... Masyado siyang takot sa mga tao lalo na sa mga bagong tao sa paningin niya, buwan ang nagdaan bago siya na sanay na kasama ang mga staff at mga customer sa resto niya paano pa kaya ang mga bagong makikilala niya pa lang?

"Danice, sure ka talaga? Want mo 'ko isama sa hacienda niyo? Hindi ba nakakahiya na may kasama kang ma—"

"Hep! Girl maganda ka! Kaya shut up, maganda sa hacienda ni Daddy makakapahinga ka rin doon." Pagputol sa kaniya ng kaibigan, wala naman siyang nagawa kundi tumungo nalang bilang pagsang-ayon.

Ipinaliwanag sa kaniya ni Danice kung ano ang gagawin nila sa hacienda, ikwinento rin ni Danice sa kanya na medyo masungit at may galit sa mga babae ang special guest or ang cousin na tinutukoy ng Ama ni Danice kaya medyo kinabahan siya.

Ala-una na nang umaga nang makauwi siya sa bahay na tinutuluyan niya, hinatid lang siya ng kaibigan dahil wala naman siyang sariling sasakyan.

Pilit napangiti si christina habang dahan-dahan naglakad sa kama at ibinagsak ang katawan doon.

Sana hindi ako managinip ngayon... Sabi sa sarili bago tuluyan ipinikit ang mata ng dahil na rin sa sobrang pagod.

Mabilis napaupo si Christina sa kama saka mabilis niyakap ang sarili at sunod-sunod na humibik.

Bakit ba ganto nalang lagi? Ayoko naman ng ganto... Sabi niya sa sariling isip habang umiiling.

Gusto man niya bumalik sa Doctor niya ay natatakot na siya, pakiramdam niya ay hindi naman siya nagagamot ng Doctor niya at mas lumalala pa ang condition niya maski ang mga gamot na ibinigay ng Doctor niya noon ay hindi na niya iniinom, alam niyang mga simpleng gamot lang 'yun na makakatulong sa kaniya pero, ayaw na niya.

Lola niya kasi ang nagpatingin sa kaniya dati pero, ngayon malayo na siya sa Lola niya walang may pakialam sa kaniya kaya sinasarili niya ang lahat.

"Papa tama na po!" Sigaw ng labing-limang taong gulang na si Christina habang sinasangga ang mga braso sa malalakas na hampas ng sinturon ng kaniyang ama.

"Ilang beses ko sinabi sa 'yo?! 'Wag kang lalandi! Ang pangit at ang taba mo pero ang kapal ng mukha mo lumandi! At talaga sa kapatid pa ng girlfriend ng Kuya mo ha!" Galit na galit na sigaw sa kaniya ng ama niya habang patuloy sa pagpalo sa kanya ng sinturon.

"Papa, wala p— aray! Papa tama na p-papa..." Pagmamakaawa ni Christina sa ama pero tila isa itong bingi at hindi siya pinapansin at tuloy lang sa pagpalo sa kanya. Tumuloy lang siya sa pag-iyak at tinatanggap nalang ang masasakit na palo ng ama, wala naman siyang ginagawang masama, kinausap lang naman niya ang kapatid ng girlfriend ng Kuya niya, at nang nakita iyon ng ama niya ay mabilis siya nitong sinigawan at hinila papasok ng budega.

"Kakahiyan ka sa pamilya namin! Isa kang malaking kakahiyan! Wala akong anak na katulad mo, malandi,mataba, at pangit!" Sigaw ng kaniyang ama sa kaniya kadalihanan mas lumakas ang iyak niya. Wala na siyang boses para sumigaw kaya bawat palo ay tinatanggap nalang niya.

"P-Papa...T-Tama n-na p-po, h-hindi kona p-po k-kaya, p-papa..." Sabi ni Christina bago siya tuluyan mawalan ng malay.

"Ah!" Sigaw ni christina saka ginanutan ang sarili! "Hindi pwede ayoko... Ayoko gawin ang ginawa ko noon! Nangako ako sa sarili ko hindi ko na gagawin 'yun..." Pilit niya pinapasok sa utak 'yun.

Malakas siyang sumigaw habang umiiyak, itinaas niya ang suot na longsleeve saka tinignan ang maraming peklat doon, marka ng paglaslas niya at ilang beses niya na tinangkan ang sariling patayin.

"Christina, I know pain make you okay! Pero please lumayo ka sa tukso christina masama 'yan!" Sigaw niya sa sarili.

Tahimik at umiiyak na nakatingin si Christina sa pulso habang patuloy ang pagdaloy ang dugo na lumalabas doon, napangiti siya habang pinapanood ang pagdaloy ng dugo sa pulsuhan niya.

"Matatapos na rin ang paghihirap ko..." Nauubusan ang hininga sabi sa sarili.

Kahit kaunti ay hindi siya nakaramdam ng sakit, pakiramdam niya ay mas gumaan pa ang pakiramdam niya sa ginawa niya.

Kinuha niya muli ang blade na nabili niya lang sa tindahan at akmang hihiwain niya muli ang pulsuhan nang mas malalim at  mariin nang,malakas na bumalibag ang pinto ng kwarto niya.

"Francheska! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha?!" Galit na sigaw ng Kuya niya sa kaniya habang binabalot nito ang pulsuhan niyang nagdudugo sa panyo na dala nito, pero hindi niya pinansin ito at tinignan niya lang ang dugo nagkalat sa sahig.

"Francheska please! Kung pagod kana magsabi ka lang kay Kuya 'wag 'yung ganto cheska 'wag ganto..." Pagmamakawa ng kuya niya saka siya nito niyakap ng mahigpit.

"Christina Francheska... Isipin mo ang Kuya mo, ang Lola at Lolo mo mahal ka nila... Isipin mo... Iiyak sila pagnawala ka, tsaka 'di ba papanoorin mo pa ang bunso mong kapatid na maglakad sa stage..." Pagkukumbinsi niya sa sarili... "Malakas ka Francheska... 'Wag mo isipin ang problema at ang nakaraan mo." Umiiyak niyang dagdag at mahigpit na niyakap ang sarili.

Love Your Imperfections (COMPLETED)/EDITING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon