Copyright © _reevenge
All Rights Reserved, 2021Author's Note
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales are entirely coincidental.Date Started: 051121
Date Ended:
♪♪♪
Prologue:
"Cheers!!!"
Umalingawngaw ang nakabibinging sigawan ng mga kaibigan ko sa loob ng pasilyo ng bar. Pinagbunggo namin ang mga baso sabay tungga sa laman nito.
Kuwentuhan dito, kuwentuhan doon. Hindi ako masyadong umiinom hindi kagaya ng mga kasama kong ginawang tubig ang alak. Muli akong sumipsip sa iced tea na in-order ko. Saglit kong sinunggaban ng tingin ang camera na kanina ko pa hawak.
'Sana nandito ka sa tabi ko,' sabi ko sa isip habang patuloy pa ring hinahangaan ang ganda nito.
Para namang nahiwa ako ng matalim na kutsilyo nang maramdaman ko ang pananahimik at ang pagtigil ng atensyon nila sa akin na ikinalingon ko sa kanila. Nagtaas ako ng kilay, hinihintay ang kanilang sasabihin.
"Eh, ikaw? Ano't hanggang ngayon nasa'yo pa rin 'yan?" Nginuso ni Van ang camera na hawak ko. Napahigpit ang kapit ko dito habang dahan-dahang binababa ang basong iniinuman ko.
Nagkibit-balikat ako bilang sagot. Nagkatinginan silang lahat na parang nag-uusap kahit di naman bumubuka ang nga bibig nila.
"May binigay naman kami sayo na mas maayos na camera, ah?" dagdag pa ni Haro na busy sa paglalagay ng yelo sa baso niya.
"Pero—" Naudlot ang sasabihin ni Janna nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Madali kong kinuha ito mula sa aking bulsa at tiningnan ang pangalan ng caller. Tumayo ako at bahagyang lumakad sa lugar na hindi gaanong maingay.
"Oh? Hello? Bakit, kuya?" tanong ko agad, bago sumandal sa pader.
"Pumunta siya dito kanina," paliwanag nito at mukhang may ideya na ako sa gusto niyang iparating. Gustong kumawala ng mga luha sa aking mga mata.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kung magagalit ba ako o matutuwa. Tatlong taon na ang nakakalipas ng iwan niya ako, tapos pupunta siya sa bahay namin?
Binaba ko agad ang tawag at nilisan ang bar. Wala akong sinabi sa mga pinsan ko kaya't nagtaka sila. Pinangako ko pa man ding libre ko sila dahil isa sa mga top grossing film ang pelikula ko.
Mabilis akong naglakad para makita siya agad. Balak ko siyang sumbatan, awayin, suntukin dahil makalipas ang tatlong taon ay saka lang niya ako sisiputin. Sa loob ng tatlong taon hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan. Kung bakit wala siya sa pinaka-importanteng event sa buhay ko.
Naglalakad ako sa sidewalk at damang-dama ang lamig ng simoy ng hangin tuwing malapit na ang Pasko. Animo'y nasa Tagaytay ka kahit ang totoo ay nasa syudad ka naman talaga. Napayakap akong mahigpit sa camera na hawak ko.
Dali-dali akong naglakad para may maabutan pa akong masasakyan na bus. Punuan pa naman ngayon dahil rush hour.
Sa pagmamadali, may nakabunggo sa aking lalaki dahilan para mahulog ang iniingatan kong camera.
"Shit! Tingnan mo naman yung dinadaanan mo!" Lumuhod ako para kuhanin yung camera na nahulog.
Halos manlumo ako nang makita ko ang itsura ng camera. Nabasag ito sa lakas ng impact. Naramdaman ko ang luhang pumatak sa mata ko. Wala na, ang mga ala-ala na nakunan namin ay wala na.
"I didn't mean to break your camera. Sorry. I'm in a hurry, I need to see someone. I really am sorry."
Hindi ko ito nilingon pero nanindig ang balahibo ko nang marinig ang boses nito. Unti-unti ko itong nilingon at nabighani ako sa nakita. Halos lumuwa ang mata ko, at humiwalay ang kaluluwa ko. Lahat ng galit ko sa kanya, parang bula na nawala.
Siya nga.
♪♪♪
Red. Vote. Comment. Love you!
BINABASA MO ANG
Here In My Heart (On-Going)
Teen FictionAfter breaking up with his girlfriend, Kai focused on his studies as well as being the student council's Vice President. It was fun while it lasted. Not until a transferee decides to shatter his completely normal life. Kai embraced this unusual even...