Chapter 2
"Hi. I'm Asher. Owen Asher Laqui. I'm in the Volleyball Club," pakilala nito sa sarili niya, ngumiti ng pilit at isinuksok ang mga kamay sa bulsa.Hindi ako makagalaw. Shocked pa rin ako sa nangyayari. Sarap niyang saktan dahil sa ginawa niya kanina pero pinipigilan naman ako ng puso ko.
Nagpalinga-linga si Sir para mahanapan ito ng upuan. Pinagsama ko ang kamay ko at nagdasal na sana ay 'wag siya dito paupuin ni Sir. Nasa bandang gitna kasi ako at wala akong kahit sino na katabi. Last year ay magkaklase kami ni Van kaya may katabi ako. Ilap sa ako sa mga taong hindi ko kilala dahil wala naman akong pakialam sa kanila.
Pero kung siya? Sure. Erase, erase. I shooked my head and continued praying.
"Ah. Doon ka na lang sa tabi ni Mr. Paradahan." Napaangat ang ulo ko sa narinig. Napakamot naman ng ulo si Asher at saka naglakad na lang papunta sa pwesto ko.
Pagkarating niya sa harap ko, tinitigan ko siya ng matalim. Ibinalik niya ang tingin sa akin, nag-aapoy. Mukhang hindi niya pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin kanina.
"Tabi," tanging sabi nito habang nag-aapoy pa rin ang tingin. Nakaharang kasi ang paa ko sa dadaanan niya. Bale ang uupuan niya ay nasa may kanan ko at katabi ko ang aisle.
"Okay." Umayos ako ng upo para makadaan siya, pero hindi niya pa naihahakbang ang isang paa ay muli kong hinarangan ang paa niya dahilan para siya ay lumagapak sa sahig.
Nagpipigil ako ng tawa pero hindi ko napigilan. Maski mga kaklase ko ay tawa ng tawa, si Sir naman ay pilit silang pinatatahimik. Tumayo kaagad si Asher at muli akong tinitigan. Kulang na lang ay masunog ang mata niya dahil sa nag-aapoy na titig nito sa akin. Ngumisi ako.
"Binawian lang kita," I mouthed then smirked right after. He rolled his eyes na parang babae bago padabog na umupo. Tumatawa pa rin ako ng patago sa tuwing maaalala ko ang mukha niya. Ha! Siguradong epic din ang itsura ko kanina, dapat siya din.
"Ngayon ang gagawin lang natin ay introduce yourselves. Pero, hindi kayo sa akin mag-iintroduce. Pakealam ko ba sa pangalan niyo. I-iintroduce niyo ang sarili sa makakapartner niyo sa assignment na ipapagawa ko," paliwanag ni Sir habang nagsusulat sa isang papel. Sigurado akong numbers 'yan.
Nang matapos ito ay inilagay niya sa isang maliit na box na nakatago sa may teacher's desk at kinalog ito. Isa-isa niya kaming pinabunot at kagaya kanina, panay ang dasal ko na sana hindi si Asher makapartner ko. Baka mas lalo lang kaming mag-away nito. Quotang-quota na rin si Lord sa mga dasal ko. Napasapo ako sa ulo.
"Mr. Paradahan," tawag sa akin ni Sir, nilapit ang box sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ipasok ang kamay ko sa box at bumunot. Sunod na pinakuha si Asher na bored lang ang expression.
Nakabilot pa ito kaya hindi ko muna binuksan. Mas exciting kung mamaya na, dadasalan ko rin ito.
Nang makakuha na ang lahat, bumalik sa harapan si Sir. "Sige na, tingnan niyo na kung sino partner niyo."
Habang binubuksan ang papel, excited ako na kinakabahan. Iniisip ko kasi kung ano gagawin ko kung si Asher kapartner ko. Itsura niya pa naman mukhang di masyadong magaling sa acads.
"14? Sino number 14 nabunot?" tanong ko, kasabay ng iba kong mga kaklase. Anyone would be fine, except for him. Sana naman Lord napakinggan mo yung prayers ko.
"You looking for me?"
Para akong pinagtakluban ng langit at lupa sa boses na narinig ko. Pwede ba mag-background music ng Natutulog Ba Ang Diyos? by Gary V.? Napabuntong-hininga ako bago lumingon. I love my life!
BINABASA MO ANG
Here In My Heart (On-Going)
Teen FictionAfter breaking up with his girlfriend, Kai focused on his studies as well as being the student council's Vice President. It was fun while it lasted. Not until a transferee decides to shatter his completely normal life. Kai embraced this unusual even...