Chapter 1"Hoy! Kamusta, mare?" bati sa akin ng kaibigan kong si Vanessa, umakbay pa ito at sumabay sa paglalakad ko. Nagniningning pa ang ngiti nito na animo'y nanalo sa lotto.
Bahagya akong natawa sa inakto niya. "Miss na miss mo ako?" asar ko dito, bahagyang tinulak siya. Inirapan lang ako nito bilang sagot at kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng bag. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria.
Maraming tao ngayon lalo na't kakatapos lang ng sembreak. Maraming nagkakamustahan at maraming namiss ang mga kaibigan kaya't medyo nahirapan kami dahil ang haba ng pila.
"Nakagawa ka na ba ng assignment? Pakopya naman, oh!" sabi niya habang titig na titig sa cellphone niya.
I shooked my head. "May isang linggong deadline tayo sa mga assignments tapos isang linggo ka ring nagpahinga?" biro ko. "Humanap ka na doon ng table dahil baka sa sahig tayo kumain."
Umirap ulit siya at saka binulsa ang cellphone bago nakipagsiksikan sa mga tao. Parang mga sardinas kami ngayon dito. I waited for a few minutes before it's finally my turn.
"Thank you, Lord!" bulong ko nang makaharap ko na si Ate na nagbebenta.
"Ano sayo, noy?"
"Uhh." Hindi pa ako makapag-decide kung alin ang bibilhin ko lalo na't nadidistract ako sa kilay ni ate na drawing lang. Hindi ko rin alam kung anong gusto ni Van dahil halos lahat naman ng binebenta dito ay fave niya.
"Dalian mo, noy. Ang haba pa ng pila oh!" Naiinis nitong tinuro ang likod ko kaya nagmadali na rin ako. Matapos sabihin ang order namin ni Van, hinanda na niya ito at umalis na rin ako agad sa pila para hanapin si Van.
Ilang segundo ko siyang hinanap at nakita ko naman ang pagkaway niya kaya dumiretso ako agad sa pwesto nila. Kasama na niya ngayon si Astrid na may kasama na namang lalaki.
Jusko! Mas bata pa sa akin ng isang taon pero mas may nakakalandian pa. Napailing na lang ako at nilapag ang in-order namin ni Van sa mesa. Walang sinabi ang tamis ng milktea sa ka-bitteran ko habang tinititigan ang dalawa na nagsusubuan pa.
Bahagya na lang akong sumandal kay Van na ngayon ay busy makipag-usap sa kung kani-kanino sa Omegle.
"Oh? How are you? Where you from?" sunod-sunod nitong tanong sa kausap na afam. "Mare, ano nga yung english ng pang-ilan ka sa magkakapatid?"
"Malay ko! Sino bang magaling sumulat ng essays sa atin? Bakit di mo itanong sa ex ko," bulyaw ko naman. "Maiba tayo. Sino na naman 'yan? Kadiri ah," bulong ko sa kanya with matching duwal pa.
"Kadiri ka!" Gamit ang libreng kamay, inilayo niya ang mukha ko sa kanya. "Kaklase yata ni Hanna 'yan. I don't know." Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkausap doon sa afam sa cellphone niya. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung nasaan na ang iba.
"Speaking of the devil." Kinalabit ko siya at nilingon si Hanna. Ang unang napansin namin ay ang mugto na naman niyang mata, bagsak pa ang mga balikat habang hawak-hawak ang tumbler at burger.
"Sabi sayo sis 'wag mong lalandiin si Keiffer eh. Sakit ba mamsh?" Mapang-asar na tumawa si Van na ibinaba na ang cellphone para makinig sa music, nabored siguro sa Afam. Rinig ko kasi malakas ang volume. Himala pa ngang naririnig niya kami eh.
Hinila ni Hanna ang upuan sa may kabisera at doon naupo.
"Gwapo kasi..." Muling humagulhol yung isa habang patuloy sa pagkain ng burger niya.
BINABASA MO ANG
Here In My Heart (On-Going)
Novela JuvenilAfter breaking up with his girlfriend, Kai focused on his studies as well as being the student council's Vice President. It was fun while it lasted. Not until a transferee decides to shatter his completely normal life. Kai embraced this unusual even...