Chapter 1

4 0 0
                                    

"I'm so sorry, it's not you, it's me"

"Ako ang may mali, patawarin mo ako"

"I'm sorry, my fault"

"Hindi ka nagkulang, may mahal lang talaga akong iba"

Arghhhhh!!! Paulit ulit na lang. Sawang sawa na ako makarinig ng ganyan. Ilang beses na ba akong iniwan na puro ganyan ang dahilan?? Hindi ko na mabilang.

"Xy, pakinggan mo naman ako" pilit kong binabawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"Oh please, pagod na akong makarinig nanaman ng pare parehong dahilan. Don't bother me anymore, Play" nang mabitawan niya ang braso ko ay mabilis na akong tumakbo.

Play Trinton Esquival. My boyfriend-- I mean EX-boyfriend. Pinakamatagal kong naging boyfriend pero nauwi rin sa wala kagaya ng sa iba. Ano pa bang aasahan ko?? Ganyan naman silang lahat, sa una lang magaling pero ipagpapalit ka rin pala sa iba.

Hindi na ako umiyak pa ng magbreak kami. Siguro sa sobrang sanay ko na, napagod na din yung katawan ko. Gusto ko lang naman makaranas ng pagmamahal kagaya ng sa mga magulang ko pero bakit ang damot yata sa akin ng tadhana. Lahat ng naging boyfriend ko, niloko at pinagpalit ako.

Maganda naman ako, sexy, matalino at mayaman pero bakit?? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit lagi na lang ako pinagpapalit sa iba.

Sumakay na ako ng kotse at mabilis na nagpatakbo. Tinawagan ko si Klea, ang bestfriend ko para samahan uli ako magbar.

"Oh?" sagot nito.

"Alam mo na" I said. I heard her sighed. Naiimagine ko nanaman yung mukha niyang pinagsasabihan ako at ang kanyang infamous line na 'I told yah'

"Okay, kita na lang tayo dun"

Binaba ko na ang cellphone pagkatapos at saka bumuntong hininga. Ang tanga tanga mo talagang pumili, Xyrine. Ilang beses na pero hindi ka pa rin natututo.

Hindi naman siguro masamang umasa na may magmamahal din sa akin, hindi ba? Meron nga ba?

Nang makarating ako sa tapat ng bar kung saan madalas kaming nagpupunta ni Klea ay bumaba na ako kaagad. Hindi na ako umuwi at nagbihis dahil ayos naman na ang damit ko.

I'm wearing a red tube top dress. Fit siya sa katawan ko at above the knee ang haba. Galing ako sa isang event kaya ganito ang damit ko kaso lang nung tapos na ang event, nakakita lang naman ako ng isang taksil at ahas sa parking lot kaya heto nanaman ako ngayon sa bar na ito. Onti na nga lang pwede ko na 'tong gawing bahay.

Papasok na sana ako nang may makasagi sa akin at hindi man lang huminto at nanghingi ng sorry. Bwisit na araw 'to.

Nang makapasok ako ay may mga nagsasayawan sa gitna at ang iba ay alam niyo na. Lumingon lingon ako sa paligid para hanapin si Klea at hindi naman nagtagal ay nakita ko siya sa isang upuan sa hindi kalayuan at may kasamang...teka, lalaki yun ah!?

Omg! Anong nangyari sa kaibigan ko? Sa huling pagkakaalam ko ay man hater ang isang 'to kaya kapag nagkakaroon ako ng boyfriend ay lagi niyang sinasabing iiwan din ako and unfortunately, nagkakatotoo nga iyon.

Inayos ko muna ang sarili bago dumiretso sa pwesto nila. Nang makalapit ay agad akong napansin ng kaibigan at dali daling tumayo at lumayo doon sa lalaking kasama niya.
I eyed her suspiciously and then I turned my gaze sa lalaking kasama niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay nang makita ang mga mapanuri kong tingin.

"What?" tanong nito. Nilipat ko ulit ang tingin ko dun sa lalaki at nagets niya naman kaagad ang ibig kong sabihin.

"Huwag mo na pansinin yan, epal lang yan dito" at saka ako hinila paupo.

"Hi, who are you?" Pagkaupo ay kaagad akong humarap sa lalaki at tinanong ito. Nagulat pa siya sa ginawa ko at binaba ang iniinom na alak.

"Hi, I'm Yu--"

"So, tama nanaman ako, right?" sasagot na sana yung guy kaso lang ay pinutol din siya kaagad ni Klea at iniba ang topic. Edi syempre, saakin na ang lipat.

"I guess this is the last" I said before drinking. Kaagad kong naramdaman ang pagguhit nito sa lalamunan ko.

"What do you mean?"

"Edi Xyrine tanga no more" nakakatatlong shots pa lang ako ay alam kong tinatamaan na ako. Mahina ang alcohol tolerance ko kaya naman sa tuwing ganito ang mangyayari sa akin ay sa bar ako lagi nagaaya para iiinom ko lang ang lahat at makakalimot na ako ng mabilis.

Lintek kasing mga lalaki yan, bakit hindi makuntento, huh?? Aaminin ko na hindi naman ganun kalalim ang naramdaman ko sa mga ex ko noon kaya hindi naman ako naapektuhan ng masyado pero ang isiping ang dahilan ng lahat ng break-ups na yun ay dahil sa pinagpalit nila akong lahat sa iba, ayun na yung hindi ko matanggap.

Gusto ko silang paguntog-untogin!!!

"Sayaw tayo" hinila ko si Klea papunta sa dance floor. Hindi naman siya umangal pero halatang ayaw niya, sinasabayan niya lang ako kasi alam niyang broken nanaman ako at hindi nanaman nakinig sa kanya. Nakakatawa ka Xyrine. Nakakaawa ka.

Nang makarating sa dancefloor ay hindi na ako nagdalawang isip at kaagad na humataw. Malakas na ang tama ng alcohol sa akin at kung ano ano na ang ginagawa ko. Makakalimutan ko rin kayo mga ungas kayo! Makakarma rin kayo, hihintayin ko yun!

Natawa na lang ako sa sariling iniisip. Nahihilo na ako at umiikot na ang paningin ko pero patuloy pa rin ako sa pagsayaw. Luminga ako sa paligid pero hindi ko na makita si Klea at wala na rin yung lalaki dun sa table. Saan yun mga nagsipunta??

Matatanda naman na sila, kaya na nila ang sarili nila. Tumalon talon ako nang mas naging lively ang tugtog at syempre isa akong tanga at minamalas ang araw ko ngayon, natapilok lang naman ako at hinihintay na lang na bumagsak nang may naramdaman akong mga brasong pumulupot sa bewang ko.

Umayos ako ng tayo at humarap sa kanya. Napasinghap ako at napatakip ng bibig nung makita ang istura niya.

"Nasa langit na ba ako?" I cupped his face unconsciously. It must be the alcohol talking right now. Nagkasalubong ang makakapal at itim na itim nitong kilay.

Ang gwapo. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang. Kaagad na pumasok sa isip ko ang itsura ng mga loko kong ex at ikinumpara sa itsura niya. Masasabi kong kahit pagsama samahin sila ay wala silang panama sa lalaking kaharap ko ngayon.

Tinitigan ko siya ng ilang segundo at nang akmang aalis na siya ay nangingiti pang kaagad na inilapit ang mukha ko sa kanya para sa isang halik bago bumagsak ang ulo ko sa dibdib niya at mawalan ng malay.

Wheels of Fate  Where stories live. Discover now