Chapter 2 - The Encounter

5 1 1
                                    

"Siiiiis! huuuuy!" halos mapaos na si Krisel kakatawag sakanya.

Napadilat si Elize sa tawag ni Krisel. Nakatulog pala siya ng ilang minuto hindi niya namamalayan. Bumaba siya para puntahan si Krisel.

"Sorry I slept. Hindi ko namalayan"

"Kanina pa kita tinatawag arrrghh. Help me para maiakyat na to sa kwarto." sabi ni Krisel.

Sya namang dating ng mama ni Elize. Nag-bless lang si Elize at umakyat na. Naiwan si Krisel. Nagbeso pa ito sa mama ni Elize.

"Hi Tita Clar, nagluto po ako sa kitchen pero nalinisan naman na po" pagbati ni Krisel.

"It's okay Kris. Dapat iniwan mo nalang kay Yaya Medy. She can do it naman" sabi ni Tita Clar.

"No Tita, it's okay po. Akyat na po ako ha. May review po kasi kami ni Lize for exam tomorrow." paalam ni Krisel.

"Sure sweety. Take care both of you. And please tell Lize na nasa resort ako til tomorrow. Baka gabi na ko makauwi. Anjon is with me. Yaya Medy naman will take care of Ella
so siya muna ang bahala sa house. Just call my secretary if you need help." pahayag ng mama ni Elize.

Ma. Clarissa Pineda or Clar for short is a resort owner sa Batangas. Ito nalang natirang property nila after mawala ang papa ni Elize na si Ernesto Pineda due to heart attack 2 years ago.

Almost 80% ng assets ni Ernesto Pineda ay na-seized ng bangko due to loans na hindi nabayaran. Nagwithdraw kasi ng investments ang mga partners nito after malaman na nasa edge of bankruptcy ang mga kompanya. Nadepressed ang papa niya at ito ang nagcause ng heart attack. Iniregalo naman ng papa niya ang resort sa Batangas sa mama niya kung kaya kay Clarissa ito nakapangalan at hindi nasama sa na-ilit ng bangko. Samakatuwid ito nalang ang bumubuhay sa pamilya nila ngayon.

"Sure tita. Take care too. And by the way, Lize won the Best Photo today sa Inter University" nakangiti si Krisel habang nagwe-wave kay Clarissa.

"I know sweety. I was there a while ago. Im always proud of her you know that. I just dont want her to ruin her future." ngumiti ng bahagya si Clarissa at naintindihan naman ito ni Krisel.

"She won't tita. I'll bet on that." tumango at umakyat na sa kwarto.

Sa kwarto naman ni Elize.

"Sabi ni Tita Clar....." naputol ang pahayag ni Krisel ng sundan ito ni Elize.

"Na nasa resort siya? As usual since wala naman siyang time sa mga anak niya. Her mind is purely business" may halong hinanakit sa puso ni Elize.

"Please understand Tita Clar. Yung resort is your family's bread and butter for now. She can't afford to lose it lalo na madami ng competitor now. Maybe ayaw niya lang mahirapan kayo. And maybe that is part of her healing." paliwanag ni Krisel habang iniinom ang ginawa niyang coffee.

"Sana we have the same mindset but everytime I think about it, it hurts even more. You know, yung someone na pag-uwi mo mase-share mo all your experiences and achievements. Someone who will hug you in times you needed it most. But to no avail."

"Well andito naman ako. Think of me as Tita Clar hehe" ani Krisel.

"Hmmm maybe when your old enough" pagbibiro ni Elize.

"Tseeee! Basta just do what makes you happy. Everything will fall into place when the time comes" payo ni Krisel.

"Noted Ms. Goody-Two-Shoes."

Kinuha na ni Elize yung review materials nila at nagsimulang magreview. Mga ilang oras pa natapos din sila at nagbihis na para matulog. Mabilis namang nakatulog si Krisel. Humiga na din siya at pumikit.

10pm.

Di pa din siya nakakatulog. Hindi nawawala sa isip niya yung camera at lalake sa larawan. Bumangon muna siya saglit dahil nauhaw siya at kumuha ng tubig. Pagbalik niya nakita niya sa lamesa yung camera at larawan. Kinuha niya at tiningnan niya ulit yung larawan. Kakaiba pa din nararamdaman niya. Parang kutsilyo na nagwawasak sa puso niya.

Tinago niya ulit ito sa cabinet sa ilalim ng lamesa at humiga na. Nakatulog din siya kalaunan.

Kinabukasan. 7am

Kriiiiiiiiing!!!

"Besh gising na. Luto na breakfast natin." pagyaya ni Krisel.

Ayaw pa sana bumangon ni Elize pero naalala niya exam pala nila. Naligo muna siya bago bumaba.

"Hi Yaya kain na po." yaya ni Krisel kay Yaya Medy.

"Naku iha bakit naman ikaw ang nagluto, ginising mo nalang sana ako anak" pag-alala ni Yaya Medy.

"It's okay Yaya. I just feel so extra today kaya ang aga ko nagising at naisipan ko na din magluto." ani Krisel.

"Naku mawawalan ako ng trabaho sa ginagawa mong yan. Siya sige at tatawagin ko nalang si Ella"

Pagtapos nilang magbreakfast ay nagbihis na sila at pumasok sa eskwela.

"Feel so extra ka pa nalalaman. Deep inside malungkot yan kasi wala si Kuya hahahaha" pang aasar ni Elize habang nagmamaneho si Krisel.

"Hoy grabe ka. Judgemental yan?" tugon ni Krisel.

Long time crush ni Krisel si Anjon. Hindi ito alam ng kuya ni Elize. Tinatago ito ni Krisel kahit kay Elize pero sadyang malakas ang instinct ni Elize pagdating sa ganitong bagay. Ganun pa man di pa din niya ito inaamin straightforward sa kaibigan.

"I just missed the old us. Ngayon kasi parang serious type na siya. Di na kami nagkakausap even sa chat" habol ni Krisel.

"So sad ka nga?" pagtutukso ni Elize.

"Sort of but not with what you think of" napangiti si Krisel ng bahagya.

"Owwwws?! Okaaaaaay! Sabi mo eh" tugon ni Elize na parang hindi pa din naniniwala.

Pagdating sa University naka-display sa gate yung congratulatory banner ni Elize. Tuwang tuwa yung dalawa nung nakita ito at kinuhanan pa nga ni Krisel ng picture para i-post sa social media niya. Pina-una na ni Krisel si Elize dahil magpa-park pa siya. Sumunod din naman kalaunan si Krisel.

"Class magkakaron tayo ng Vintage Exhibit sa Main Event Hall this coming Friday. Please bring any vintage items na you own and please register it to the execom para they can give proper credit to the exhibitors."

Walang ibang pumasok sa isip ni Elize kundi yung camera na napulot nila.

"Also may exchange student tayo from other university para mag-aral ng photography. Since andito ang two time champion ng Inter University Photo Contest na si Elize, I decided na siya ang mag mentor dito."

Nagulat si Elize.

"Ha? Me? Magme-mentor? I'm doomed" sabi niya sa loob loob niya.

Nakangiti naman na tila nang-aasar yung mukha ni Krisel sakanya.

"Everyone you may go out now. Except for Ms. Pineda."

Lumabas na ang mga kaklase ni Elize. Hinintay naman siya ni Krisel sa labas ng room.

"Mr. Cenon please come inside."

Pumasok yung lalaki at nanlaki ang mata ni Elize.

"This is Mr. Ram Albert Cenon. Mr. Cenon please meet your mentor Ms. Pineda."

Yung lalaki sa old picture ang una niyang naisip.

"No this cant' be....?!" mga katagang nasambit ni Elize sa isip niya.

I Met my Future in the PastWhere stories live. Discover now