Prologue

13 10 0
                                    

No character in this book is intended to represent any actual person;all the incidents of the story are entirely fictional in nature.

Copyright ©2021
All rights reserve.No parts of this publication may be reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopy, recording,or any information storage and retrieval system now known or to be invented, without permission in writing from the publisher, except by a reviewer who wishes to quote brief passages in connection with a review written for inclusion in a magazine, newspaper,or broadcast.

Hello,amm... thankful ako kong ipagpatuloy mo pa ang pagbabasa nito.I save mo na to dahil hindi ka magsisisi . I'll do my best para maging maganda itong story at maging exciting.Pero guys kong may napasin kayong mali o nakaka confuse na part i-tawa niyo nalang .Free naman pong magcomment. Salamat...

Prologue

Present day: May 11,2021

"Hahaha!" Humahalakhak si Ken habang pinapanood ang isang anime. One punch man ang paburito niyang anime. Nabibilib siya sa lakas ni Saitama,ang bida sa One Punch Man. Addicted na siya sa anime. Halos buong buwan siyang nanunood ng mga anime at titigil lang siya pag maliligo,kakain,at matutulog. Wala siyang paki sa modules, grades,o ano pang bagay tungkol sa school. Ginagawa niya ang gusto niya at manood lang ng anime ang gusto niya.

Isang click at nag-pause ang anime.
Maliligo na muna si Ken.

Nalililgo pa din siya dahil ayaw niyang magmukhang palaboy.

May mga mahalagang bagay pa din kasi si Ken na inaalagaan. Katulad ng kaniyang katawan, gadgets,at tiwala. Ayaw niyang mawala ang mga bagay na 'to sa kaniya.

Pagkatapos ni Ken maligo,kumain na siya ng tanghalian. Isang itlog, hotdog,kanin,at gulay na laing ang tanghalian niya.

Hindi siya nagluluto dahil ayaw niya.
Hindi din siya nauutusan. Isa siyang tamad na prinsipe sa makipot niyang kaharian.

Kahit kain-tulog si Ken, hindi siya tumataba.

Inilagay niya lang sa lababo ang pinagkainan niya at pumasok ulit sa kwarto para manood. Hindi niya hinugasan ang mga ginamit.

Tamad si Ken.

"Ken!"sigaw ng isang babae. Babae na ayaw niyang naririnig o nakikita. Namumuot si Ken sa babaeng ito. Nakasuot siya ng magarang damit at mga makikinang na alahas,kwintas,at hikaw.

Kung si Ken ay tamad,itong babae na ito ay napakayabang. Karla ang pangalan niya.

"Kailangan nating umalis ngayon,"sabi ng ina ni Ken. May hidwaan kasing nangyari sa kanilang pamilya at sinisisi ni Ken ang ina niya. Namatay din sa hidwaan na 'yon ang kaniyang mahal na ama na si Ben. Kaya ganon nalang ang galit niya sa nanay niya.

Itinigil ni Ken ang panonood,dahil alam niyang hindi titigil sa kakaingay ang ina niya.Ayaw naman kasi ni Ken na ingayan siya ng kakadating na ina. Minsan na nga lang ang ina niya umuwi,mag-iingay pa.

"Papunta na!"sagot ni Ken. Nagsuot lang siya ng jacket na itim at isinaklob ang hood sa ulo niya. Naka-shorts lang si Ken na lumabas sa bahay at pumasok sa kotse ng ina niya. Suot din ng bawat isa ang kanilang face mask.

"Hindi mo na ba i-lolock ang bahay mo?"tanong ng ina niya. Hindi naman sumagot si Ken. Nagbingi-binginhan siya.

"Ako na po ma'am,"sabi ni manong driver. Hindi naman sila tumutol sa sinabi ng driver at pagkatapos ay umalis na din.
Pumunta sila sa isang paaralan. Malapit sa bundok at kinausap ang director ng school. Isinama si Ken para malaman kong may magagawa pa daw sila kay Ken.

Kasalukuyan ay nasa harap nina Ken at ina niya ang director ng school at table ng director ang pumapagitna. Ang office ng director at masasabing high-class office. Malinis ang buong paligid, arranged ang mga books, at maganda ang office.

"Sir,I want my boy to graduate and be promoted to college,"sabi ng ina ni Ken."Grade 10 na siya pero puro lang siya anime. Pinabayaan na niya ang pag-aaral niya."

"We'll do our best ma'am. You can count on us,"sabi naman ng director ng school."May mga professional teachers kami dito at kaya nilang turuan si Ken na magbago."

Mataas ang tiwala ng director sa sarili niya.

Pero para kay Ken,pera lang ang habol ng lalaking nasa harapan niya. Gusto niya lang ang pera ng ina niya. Kahit ipasa niya nalang si Ken para sa pera ay gagawin ng director. Ganito si Ken mag-isip.

Habang nag-uusap ang dalawa ay lumabas muna si Ken at papasok na sana sa kotse ng may lumapit na matandang babae. Gusgusin na ang matanda at gutom na. Humihingi ang matanda ng tubig at pagkain kay Ken na parehas wala siya. Naging totoo si Ken at sinabi sa matanda na wala siyang tubig o pagkain.

"Sorry po! Wala akong tubig o pagkain dito pero sumama ka sa bahay at gagawin kitang kasam-bahay at bibigyan kita ng tubig at pagkain,"sabi ni Ken.

"Hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo iho. Matanda na ako at mahina na. Nan lilimos lang ako ng pagkain,"sabi ng matanda.

Kumuha si Ken ng pera sa kotse at ibinigay sa matanda.

"Ikaw nalang ang bumili ng tubig at pagkain mo dahil kaya mo naman,"sabi ni Ken.

Umalis ang matanda at subrang lungkot ng mukha at umalis habang isinusumpa si Ken.
Hindi na ito napansin ni Ken,dahil pumasok na siya at natulog.

Pagkagising niya ay gabi na at nasa kwarto na siya. Binuhat nalang kasi si Ken dahil ang hirap niyang gisingin.

"Ano ito!?"napatanong si Ken sa sarili niya nang makita ang isang  libro na  kumikinang ang balat nito.Nakalagay ito sa tabi niya. Napaisip agad siya kung hahawakan ba ito o hindi? May mga naisip na kasi siyang pwedeng mangyari kapag hinawakan niya ang kumikinang na libro. Isa na rito ang mamatay o wala talagang pwedeng mangyari sa iyo. Kaya naglakas loob si Ken at hinawakan ang libro. Nakapikit pa niyang hinawakan ang libro. Ano bang nasa isip niya? Na subrahan na nga ng anime. Lumipas ang 5 minutes at walang nangyari sa kaniya.

"Sino kaya ang nagdala nito? Hindi naman si mama nagreregalo sa akin. Wala naman akong kakilala na nagreregalo sa akin. So,sino?,"sabi ni Ken. Ang libro ay may nakasulat na"Secret Book"."Super weird naman nitong libro. Walang nakasulat! Puro blanko lang ang nasa loob ng librong ito."

Natulog nalang ulit si Ken.

Hindi niya talaga gustong matulog pero nakatulog siya,at paggising niya subrang dami ng nagbago sa kaniya.

...to be continue°°°
Note: Ang "story" ay story lang.












The Secret Book
By MarjunManabat ✨💕😊

The Secret BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon