Chapter 1

14 10 0
                                    

Chap.1 "The three questions"
May 12,2021
Sa bahay ni Ken.

Ken's POV..

Bumangon na ako at inayos ang hinigaan ko na hindi ko namamalayan. Weird ko ngayon. Hindi ko naman ito ginagawa dati. Okay na nga yan masmaganda naman tingnan.

Pupunta na sana ako sa c.r. para umihi,pero nakita ko ang kalat ng aking kwarto. May kung ano ang nag-udyok sa akin na ayusin muna ito. Is this possible? Ako ba talaga si Ken? Hindi ko namalayan na nalinis ko na agad ang kwarto.

Lumabas agad ako ng kwarto at inilagay sa basurahan ang mga basura na nakuha ko sa kwarto. Kailan ko pa ito ginawa?

Pagkatapos kung mag-c.r. ay nakita ko naman ang mga hugasan at kalat sa kusina. Pinilit kong wag pansinin ang mga hugasin at lumayo,pero nanghina ako at hindi makahinga. Air! Air! I need air!

Nakahawak ako sa lababo at nagsimulang maghugas,at nakahinga na ulit ako ng maayos. Hindi ko makuntrol ng maayos ang aking katawan habang naghuhugas. Anong nangyayari!? Kinakabahan ako. May something sa akin ngayon.

Sinampal ko ang mukha ko at inisip na panaginip lang ito. Pero hindi ako nagising, dahil hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat ng bagay at ako ay naghuhugas!!!

Habang ako ay naghuhugas. Inisip ko muna anong pwedeng dahilan kung bakit ito nangyayari.

Hindi ito pwede. Dapat malaman ko kung bakit ito nangyayari. Alam ko natulog lang naman ako kagabi. Pero bago yon naalala ko na may binasa akong kumikinang na libro. Yon ba ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito? Hindi naman yon pwede dahil wala naman yong magic power para baguhin ako. Baka naman na punta ako sa ibang mundo at nag-iba ang ugali ko. Pero hindi naman nagbago ang lugar,kaya hindi ako napunta sa ibang mundo. Isekai anime ang mga ganon.

Kung dahil sa tagal ng panahon, kailan ko pang ma-petrify ng ilan daang taon para maging masipag ako. Pero ilang oras lang naman akong natulog,kaya hindi yon maaari. It will take a very long time para maging masipag ako ng ganito. I'm 10billion percent sure na hindi ako na-petrify.

Baka may kung ano akong nakain? Mga instant foods o frozen foods at laing lang naman ang mga kinakain ko. Wala naman sa mga ito ang kayang magpabago sa akin. Sa anime lang naman o movies ang may ganon.

!!!⊙.☉

Alam ko na!!Kagabi may libro akong nabuklat. Pero sabi ko kanina hindi yon pwede.Weird ko!

Hindi ko gaanong maalala ang nangyari pero sure akong binuklat ko 'yon at natulog ulit. Yon ba ang dahilan? Pwedeng 'yon talaga ang dahilan.

Pagkatapos kong isipin ang mga bagay-bagay,nalinis ko na din pala ang sahig at mga hugasan. Hindi pa ako pinawisan. Nakakalimutan ko talaga ang mga ginagawa ko kapag masyadong nag-iisip.

Nakapag cr din.

Pumunta ako sa aking kwarto at hinanap ang libro. San na kaya yon? Tiningnan ko sa ilalim ng higaan,sa table na malapit sa higaan,at sa mga CD collections ko na puro mga anime movies,pero wala yon libro.

"Magpakita kana para hindi na ako mahirapan,"sabi ko.

Nagulat ako sa nangyari...
At nagpakita na ang libro. Lumabas lang ito sa hangin. Grimoir ba ito? Isa na ba akong magic knight? Hindi. Sa Black Clover lang yon.

Kinuha ko ang lumilipad na libro at maskuminang pa nang nahawakan ko na. Lumiwanag ang libro na parang lampara. Katulad kagabi, walang nakasulat sa libro. Blanko ang mga pahina. Ang title lang nito ang nakasulat. Isinara ko ulit ang libro.

"Secret Book,"nang banggitin ko ang mga katagang iyon,kusang nagbukas ang libro at nagkaruon ng tatlong linya ng pangungusap. Hindi ko alam kung papaano nagkaroon ng sulat ang libro,pero sure akong may mahika ang librong ito.

The Secret BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon