Chapter 2 "Lola Owl"
Someone's POV..
Sa ngayon,ang lugar ni Ken at ng iba pang tao ay nasa matinding krisis. Hindi nila ito kakayanin at mauubos silang lahat. At bago mangyari yon,may tatlongpu't isang araw nalang sila. Sa oras na maubos ang tatlongpu't isang araw,magsisilabasan ang mga halimaw mula sa mundo ng Maglo,Efi,at Viro. Mga makapangyarihang halimaw ang lalabas kasabay ng pangmalawakang lason. Walang tao ang mabubuhya. At nagsisimula na ang mga ito.
Mula sa iba't ibang bansa ay sumisingaw ang lason. Sa oras na malanghap ito ng tao,ang pangunahing mangyayari ay ang ubo,sipon,pananakit ng ulo,hirap sa paghinga,lagnat,at paglumala ay tiyak na kamatayan. Sabi ng mga doctor,isa itong virus na nakakahawa,pero ito ay ang panimula ng pangmalawakang lason.
Si Falko ang may pakana ng lahat ng ito.Isa siyang masamang nilalang at kadiliman siya.Subrang lakas ng kaniyang kapangyarihan at galing lang din yon sa mga galit,inggit,pagpatay,pagnanakaw,pagsisinungaling,at mga masamang bagay o gawain. Patuloy lang siya sa paglakas at halos hindi na siya mapantayan. At kahit siya ay patay na, nagpapatuloy pa rin ang kaniyang mga plano at hangarin.
Hindi pwedeng mangialam ang mga taga Maglo,Efi,o Viro,pero dahil sa mundo nila manggagaling ang mga halimaw at lason,ipinadala nila si Lola Owl(Ako). Ako ang magbibigay ng babala sa mga taga-Earth. Ako na ang bahala kung papaano ko ito gagawin. Basta ang misyon ko ay mailigtas ang mga tao. Ako na din ang aako ng responsibilidad kapag hindi ko nagawa ang kailangan kong gawin.
Napili ko na ang makakapagligtas sa sangkatauhan. Isa siyang bata. Batang walang galang,tamad,at walang alam at paki sa kapaligiran. Ganito ko siya inilalarawan. Naibigay ko na din ang secret book ,at sana hindi pa siya sumasagot sa mga tanong. Kailangan ko kasing makahanap ng tamang tsempo,at hindi maramdaman ang aking presensya ng sampong cruz. Dapat tago ang aking presensya at ligtas si Ken. Isang pagkakamali lang namin ay ikakapahamak ng buong sangkatauhan.
Naniniwala din akong madadamay ang mundo ng Maglo, Efi,at Viro pagnaubos na ang mga tao. May mga lagusan na nakakonekta sa aming mundo at sa Earth,kaya malaking kawalan kapag nawala ang mga taga Earth.
Sa kasalukuyan,ako ay nasa kwarto ni Ken at nakikinag sa pinag-uusapan nila ng babae. Ayaw ko munang lumabas dahil marami ng nakakagulat na pangyayari ang dumating sa kaniya. Ayaw kong mabaliw siya ,at masmahirap kapag nangyari ang bagay na 'yon.
Nakapasok pala ako dito gamit ng kapangyarihan ko na tinatawag kong Hunter's Ability.
Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Ano na kaya ang ginagawa nila? Pwede ko ba silang silipin? Wag na tuloy, hihiga muna ako sa kama niya. Napapaisip talaga ako sa nangyayari sa dalawang bata.
End of POV..
Ken's POV..
"Sagutin mo ang tanong ko!"sigaw ko. Ngayon nalang ulit ako nakasigaw ng ganito.
"Hoy! Wag kang praning. Tanong lang yon. At anong libro? Kung ayaw mong sagutin edi wag. Hindi mo na kailangan sumigaw,"paliwanag ni Kate. Kumalama na ako sa mga sinabi niya.
"Wala kang alam sa libro? Yong lumilitaw at lumiliwanag?"tanong ko. Baka may alam siya at ayaw niya lang sabihin.
"May sakit ka yata sa utak,"sabi ni Kate."Wala akong alam sa libro na tinutukoy mo at wala kaming tv o internet dahilan para hindi ako makakasabay sa kung anong movie o anime ang tinutukoy mo.
Umupo na ulit ako at maslumapit sa kaniya. Inisip ko muna kong sasabihin ko ang iba pang bagay. Maniniwala ba siya? Pero kung gusto ko talaga,ipapakita ko sa kaniya ang libro. Madali lang yon,tatawagin ko lang ang libro at lalabas na ito at maniniwala na siya. Sa tingin ko,masmabuting wala na siyang nalalaman.
BINABASA MO ANG
The Secret Book
FanfictionAko si Ken.Isa lang naman akong highschool student na katulad niyo. Walang kaseryusuhan,puro anime,at tulog sa oras na mag-aaral... Mahilig lang ako sa anime. Mahina ako sa sports ,at lampa din ako. Pero noon yon dahil ngayon isa na akong superhero...