The Story Of Ava Lawn

16 2 0
                                    




  Life is like love, it has many angles and questions.

So many assumptions, beliefs and myths. But no one even science, can't explain its real meaning.

Do you believe in reincarnation? Naniniwala ka ba na minsan ka nang nabuhay, ngunit sa ibang panahon o pagkakataon?

Sa una parang hindi diba, parang ang tanga lang pakinggan. How is that possible? Is deja vu enough to prove that this might be our second or third life?

You may not believe in such things, because for you it sounds crazy. But not for this girl, 


Ava Lawn.


*****


"Best friend, baka mamaya ipatawag na naman tayo sa guidance counselor ha. Halos buong University pinalibutan na natin nitong mga flyers na ito." Reklamo ni Pinky matapos ang paglibot halos sa buong school dahil sa pagkakabit at pagdidikit ng mga flyers.

"Asus naman, flyers lang eh."

Nagtataka ba kayo kung ano ang laman ng flyer?


Looking for:


MANUEL

Tapos may drawing na mukha ng lalaki.


"Eh best friend, mula elementary pinaghahanap na natin yang damuhong Manuel na yan. Jusko eh ayaw naman magpakita eh, saka paano kung hindi niya naman alam na siya si Manuel kahit pa makita niya ito." Umupo muna sila sa sementong upuan na malapit sa pwesto nila.

"Bakit naman?"

"Hoy Ava! Ang sabi mo, iyang Manuel na iyan ay first love mo from 'past life'," nag quote sign pa ito sa hangin.

"Anong petsa na best friend, 20th century na. Wala nang maniniwala sa mga past life na yan, hindi mo ba alam na pinagkakamalan ka nang baliw sa lahat ng school o lugar na ma pupuntahan natin?"

"So hindi ka naniniwala sa akin? Sa tingin mo ba nagwawalang hiya lang ako? Pinky totoo 'to, kilala ko kung sino ako noong nakaraang buhay ko. Ako si Ava Lawn, hindi ako nagsisinungaling."

"Alam ko naman yon, ikaw si Ava Lawn. Kilala kita, kasi best friend kita. Ikaw si Ava Lawn na half Pilipina, half American. Alam ko na iniwan ka ng tatay mong kano noong 5 years old ka. At alam ko din na naaalala mo ang previous life mo, ayon sa mga sinasabi mo sa akin. " Dire-diretsong sabi nito.

"Eh ano ba kasi ang pinaglalaban mo?" Inayos ni Ava ang pagpatas ng mga flyers na natira.


"Best friend, napaka komplikado naman kasi nito eh. Hindi naman kasi past na 30 minutes ago or 1 year ago ang pinag-uusapan natin. Ava, daang taon na ang lumipas o baka nga milyong taon pa. Ni hindi nga natin alam kung na reincarnate ba yung Manuel na iyon." Hindi malaman ni pinky kung paano niya ba ma ipapaliwanag kay Ava ng tama ang gusto niyang sabihin.

"Nangako siya sa akin, sabi niya hahanapin niya daw ako sa susunod naming buhay." Malungkot na wika ni Ava.

"Alam mo best friend, napanood ko sa k-drama ha. Wait, ano nga bang series yun? Ahm, Guardian: The lonely and great god, in short - GOBLIN. Ang sabi ni Grim Reaper, hindi daw lahat ng nare-reincarnate ay kagaya pa din ng kung ano sila sa previous life nila." Umayos ito ng upo at hinarap siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Story of Ava LawnWhere stories live. Discover now