Kabayo
"Nicola, samahan mo muna si Anna" ani mom sabay turo sa anak ng kasambahay niya na naka-tayo sa may pintuan "kunin niyo yung tikoy na order ko kay Aling Tessa"
It's been 3 days since dumating ako dito sa probinsya ni mom. Pero wala akong ibang inatupag kung hindi manuod lang sa loob ng kwarto. Ang boring kaya! Puro damo sa paligid, onti nalang magiging kambing na ako eh.
meh meh meh.. haha
Unlike sa kambal kong kapatid na sina Annette and George. Dito ko itutuloy ang pag-aaral ng 2nd year high school. Habang yung dalawa na grade 6 palang eh nasa Manila, kasama ni Daddy.
"U-uhh, Nicola.. o-okay lang ba sayo na may dadaanan muna tayo bago umuwi?" nag-aalinlangang sinabi ni Anna habang naglalakad kami
Tumango nalang ako sakanya at pinag-masdan ang mga kabahayan sa paligid.
Malalaki ang mga bahay, simple lamang ang mga disenyo, malalawak ang mga bakuran habang malalayo ang agwat sa isa't isa. Ibang iba sa mga bahay sa Manila.
Halos ang mga tao na nakikita ko na naglalakad sa daanan na hindi pa sementado ay halatang galing sa bukid. Pansin din ang mga nakabilad na palay sa daanan. First time ko makakita ng mga palay na nakalatag mismo sa kalsada.. grabe mahirap siguro mag-drive dito? dahil halos isang lane ang sakop eh. Kundiman, kawawa ang magsasaka kung ma-daanan to..
"yan baga ang anak ni Lizette? eh ka-ganda." ngumiti na lamang ako sa kanya at kumagat labi.
Ngumiti si Anna "Oho, Aling Tessa hehe" at kinuha ang supot na inabot ni Aling Tessa, "Siya nga pala si Nicola."
"A-re naman si Aling Tessa" aniya saakin at binati ko naman ang ginaang
"Balita ko at dine na daw iyan mag high school?"
"Oho sa malusak din"
"Aba! Sakto! at nandun naman kayo ni Jake para may kakilala iyan si nicole"
"Nicola ho" pag tatama ko
Nag-kunwaring umuubo si Anna at nag paalam na sa Ginang kaya't umalis narin kami. Pero iba ang daan na patungo namin ngayon. Baka dun sa dadaanan ni Anna?
Sa malayo palang, tanaw ko na ang napaka-laki at maganda na mansion. May malawak na hardin sa harap at sa likod naman ay tanaw ang napaka-lawak na palayan at bukid.
"Sino iyan kasama mo Anna? ka-ganda!" ani nung guard habang nakatingin sakin at binubuksan ang gate.
"Anak ho ni Ma'am Lizette" Tumango tango ang guard
"Kaya pala! hindi ma-itatanggi!"
Pagka-lagpas sa gate ay hindi ko maiwasan ang hindi ma-mangha sa ganda ng hardin at ang naglalakihan na mahogany tree sa paligid. WOW! It's like Lola's house in Tagaytay, full with mahogany trees and more. But compared here, it has a much bigger lot space and the hous-no! Mansion!
So huge!!
It has an old Spanish mansion design look. Kahit old ang design, halata na inaalagaan 'to.
Habang palibot libot ang tingin ko, mula sa kuwadra ay nahagip ng mata ko ang dalawang lalaki na kumakaway sa gawi namin ni Anna.
"Halika at papakilala kita sa mga kaibigan ko" masayang sinabi ni Anna at nag madaling maglakad
"Heto nga pala si Jacob at Lucho" turo niya sa dalawang lalaki na may hawak na pang suklay ng buhok ng kabayo
Nakipag-kamay ako sa dalawa at ngumiti "Nicola" sabi ko
YOU ARE READING
Fourth and Jude
RomanceA girl named Jude Nicolette S. Zamora was once a hopeless romantic girl. When she witnessed how broken her dad is, when her mom left them for her 'one and only true love'. She believed that we only fall in love once- that there is no turning back. I...