Chapter Two: Sweet Revenge

321 4 0
                                    

Chapter 2: Sweet Revenge

SA BILIS ng tibok ng puso ko ay daig ko pa ang bibitayin na mamaya. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging reaksyon ng aking katawan gayong matagal ko nang pinaghandaan ang pagkikita naming ito. Matagal ko nang naihanda ang aking isipan sa muling paghaharap namin ni Sherwin ngunit mukhang hindi pa handa ang aking puso.

“Remember, ikaw na ngayon si Aura at hindi na si Red.” Bulong sa akin ni Rafa hbang palapit sa aming puwesto si Sherwin. “Erase your memory of Red for the meantime.”


Kinalamay ko ang aking kalooban. “Hi Rafa!” Agad na umakap at nakipagbeso-beso si Sherwin kay Rafa nang makalapit siya sa amin. “Long time no see ah!” Anito ngunit ang mga tingin niya ay nakapukol sa akin.

Nginitian niya ako, ngumiti rin ako pabalik. Get yourself together, Aura. You can do it. Pagtsi-cheer ko sa sarili ko.

“Ipakilala mo naman ako sa napakagandang dilag na kasama mo ngayon, Rafa.” Saad nito kay Rafa habang nakatingin parin sa akin. Wala parin siyang pinagbago, he’s still gorgeous.

“Yeah, meet my friend Aura Domique. Aura, siya si Sherwin ang may-ari ng bar na ito.” Pagpapakilala naman sa aming dalawa ni Rafa.

Ngumiti ako. “Hi, pleased to meet you Sherwin.” May halo parin palang kirot ang pagbanggit ko ng kaniyang pangalan. Matagal-tagal ko na ring hindi binabanggit ang pangalan niya. I don’t call his name tuwing pinag-uusapan namin siya ni Rafa. Usually ay “siya” or “him/he/he’s” lang ang pangtawag ko sa kaniya at basta sinabi kong “you know who” ay agad nang gets ni Rafa kung sino ang tinutukoy ko. Ganoon ako ka-bitter.

“I am also pleased to meet you Miss Aura Dominique.” Magiliw na sambit nito sabay halik sa aking kamay. Kaya madaming tao ang madaling nahuhulog ang loob kay Sherwin ay dahil sa pagiging bolerong-sweet nito. Wala parin talaga siyang pinagbago. I bet single parin siya till now.

“Tawagin mo na lang akong Aura.”


“Sure Aura, such an alluring name.” Hindi naman ako nahirapang maghanap ng magiging bago kong pangalan. Aura ang dapat na ipapangalan sa akin ng aking mga magulang kung ipinanganak sana akong babae ngunit dahil lalaki akong lumabas ay pinangalanan akong Redentor. So ironic na kung sino pa ang may lalaking-lalaki na pangalan ay siya pang humanay sa mga ka-federasyon. Ang Dominique naman ay ang sikreto kong pangalan ko tuwing gabi.

Agad na lumipat ng puwesto si Sherwin at tumabi sa amin. “So, anong meron? Matagal-tagal ka na ring hindi nakakabisita rito ah.” Panimula nito sa usapan. “Are you here to invite me sa kasal niyo ni Gian? Tell me, nagpropose na ba siya sa’yo?” Pabiro nitong tanong kay Rafa.

Nahihiyang napangiti si Rafa. “Hindi pa, matagal pa ‘yan no!” Tapik nito sa balikat ni Sherwin. Maraming nagsasabing meant to be na sina Rafa at Gian. Sa sobrang pagka-inlove nila sa isa’t-isa ay singsing na lang ang kulang. “At isa pa, wala pa ‘yan sa isip naming dalawa. Busy pa kami sa kaniya-kaniyang commitments namin at hindi pa legal ang same sex marriage dito sa Pinas no.”

The List (Shelved)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon