03

15 9 5
                                    

Iniwaglit ko muna ang lahat, choice ko naman kasing maging tanga!

Napasipol naman si Christian ng makita ang suot ni Giselle. Babaero talaga tsk!

Tumikhim naman si Terrence, "All clear na sa kwarto huh," patuloy naman na saad n'ya at tumango ang lahat, maliban sa'kin.

Nagtataka ako ng makitang walang tao sa loob ng rest house nag-ayos lang ako ng gamit nawala na silang lahat.

Nagsuot ako ng one piece na pinatungan ng short. Baka, kung ano na naman ang masabi ni Terrence.

Pagkalabas ko ng kwarto nagtataka ako ng makita ko si Liam na pabalik-balik sa nilalakaran n'ya at mukhang hindi mapakali.

"Uh Liam?" agaw-pansin ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata nito ng makita ako.

Napatikhim pa ito,"Hey! A-Akhira ikaw pala hehe," naiilang na saad nito.

Kaduda-duda agad ang mga ikinikilos nya, pinanliitan ko ito ng mata.

"Anong ginagawa mo dyan? Atsaka nakita mo ba si Terrence?" tanong ko.

Napatingin naman ito sa likod ng rest house... susundan ko na sana ang tinitignan n'ya pero agad n'yang nahila ang braso ko.

"Uh, Sorry Akhira p-pero hindi ko alam e' tara hanapin nalang natin," Hindi mapakaling sagot nito.

Nangangamoy fishy uh siguro may tinatago sila sakin. Inalis ko ang pagkakahawak ni Liam sa kamay ko at sinilip ang kanina nya pang tinitignan.

Mahina akong natawa, nakita ko lang naman si Terrence at Giselle na magkayakap. Muli kong tinignan si Liam at mukha na agad itong humingi ng tawad.

Napakamot pa ito sa ulo "S-sorry Akhira,"

"Okay lang hahaha," saad ko nama'y pilit na ngiti sa labi.

 Hindi ko namalayang bumubuhos na naman ang luha sa mga mata ko.

Lumabas na'ko ng rest house at dumiretso sa dalampasigan. T angina ansakit makita ng harap harapan nila kong ginagago p uta parang sinasaksak ako ng libo libong karayom.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang wala na'kong mailuha.

Nang mahimasmasan tumayo ako at  naglakad lakad lamang hanggang sa mapadpad ako sa isang bar house.

Ito lang ang nakakatuwa sa resort na ito halos kumpleto na may mga boutique, souvenir shop at kung ano-ano pa.

Pumasok ako sa loob at nagrequest ng margarita sa bartender.

Iinom ko nalamang muna ito baka sakaling maging manhid ang puso ko kahit ngayon lang.

Love until Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon