FINALE

17 2 0
                                    

Namutla si Terrence ng tumingin sya kay Akhira. Hindi nya na ito makilala sa sobrang panlilisik ng mga mata.

"Kung hindi ka rin naman magiging akin, papatayin ko na lang yang babae mo" Natatawang saad ni Akhira.

"Akhira umayos ka nga huh? Wag ka magbiro ng ganyan" Natatarantang usal ni Terrence.

"Umayos? T angina ka pala e, ikaw naman nanloko diba hinding hindi ko hahayaang maging masaya ka" Sigaw ni Akhira.

"Love nababaliw na yan umalis na tayo dito" Namumutlang namang pakiusap ni Giselle.

"Walang aalis" Madiing saad ni Akhira at humarang pa sa may pinto.

"Baliw ka! baliw dapat sayo dinadala sa mental" Balik ni Giselle.

Hindi nakapagpigil si Akhira at agad na inatake ang babae. Sinaksak nya ito, hindi agad nakakilos si Terrence "Dapat sa inyong mga ahas pinapatay. Ang kapal ng mukha mo e inagaw mo ang akin kaya yan ang ganti ko" Paulit-ulit na sinaksak ni Akhira ang babae sinusubukan naman itong pigilan ni Terrence pero hindi nya magawa dahil ang higpit ng pagkakahawak ni Akhira sa kutsilyo.

"Akhira tama na mapapatay mo sya?!" Nag-aagawan na sila sa kutsilyong may dugo.

Hindi na nila narinig ang pagpupumiglas ni Giselle. Nakahandusay na ito sa sahig.

"Yan ang dapat sayong ahas ka mangaagaw" Muling natawa si Akhira ng makita ang walang malay na babae.

Itatakbo na sana ni Terrence si Giselle pero hindi nya napansin ang mabilis na pag-atake nito sa kanya. "Hi Babe kung hindi ka din magiging akin mamatay ka nalang din" Saad nito at pinagsasaksak sya sa likod.

"A-akhira t-tama na please sorry kung iniwan, niloko kita huh" Nabalik si Akhira sa katinuan ng marinig ang malambing na tinig ni Terrence.

"T-terrence, a-anong nangyari huh?" Hindi mapakali si Akhira, hindi nya alam kung anong gagawin.

"Sorry Akhira, sorry" Naluluhang saad ni Terrence.

"No Terrence kung mamatay ka ngayon mamamatay din ako. H-hindi kita iiwan" Naluluhang sambit ni Akhira.

Kinuha nito ang kutsilyong nakabaon kay Terrence at nakaambang isaksak sa sarili. "N-no, Akhira. D-dont do it"  Hindi na napigilan pa ni Terrence si Akhira ng isaksak nito sa sarili ang kutsilyong hawak.

"I'm sorry T-terrence sa lahat ng nagawa ko. I-I just do it because I love you" Huling sambit nito at tuluyan ng humandusay sa sahig.

END

Love until Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon