Prologue

106 5 1
                                    

MAXINE'S POV

Hi! my name is Maxine oxford. 17 Years old grade 11. Simple lang akong tao. Masayahin. At para sa akin may kaya lang kame. Kahit ang sabi ng iba ay ang yaman daw namin dahil mansyon ang tinitirhan namin. may kapatid ako at 4 years old palang ito. Ang name nya ay kira jane oxford. Bunso sya at pangalawa lang ako dahil may kuya kame. Ang pangalan naman niya ay prince hyuan oxford. Supportive kuya siya. Kahit lagi kameng nag aaway minsan dahil iniinis niya ako. Si kira naman ay malambing. Mabait at mapagmahal na bunso.

naglalakad ako ngayun papuntang Room ko. Kakahatid lang sa akin ni kuya sa school at umalis narin dahil may trabaho siya. Ang pangalan ng school namin ay thainy sainth international school. Maluwang ito at sobrang laki. Maganda dito kaya ang daming nag tatranfer. Laging malinis at sobrang ganda ng pagkaka pintura.

Pagpasok ko palang ng gate ay sinalubong na ako ng mga kaibigan ko. May hawak pa silang mga libro. Halatang hinihintay ako kase lagi kameng sabay sabay pumapasok at nag aaral.

gurl! bat ang tagal mo! Sabi ni friza.

lagi ka nalang huli na pumasok sa atin. sabi naman ni Camille.

dipa ba kayo nasanay? tanong naman sa kanila ni Angel.

Sa kanilang tatlo pinaka close ko ay si friza. Dahil siya ang unang naging kaibigan ko. Siya din ang pinaka madaldal sunod iyong dalawa.

Natawa nalang ako sa kanila at napailing. Ang aaga kaseng pumasok tapos ako yung pagsasabihan ng ang bagal. Eh ang aga pa kaya.

Good morning. Nasabi ko nalang. At humalik sa mga pisnge nila.

next time nga susunduin ka na namin sa inyo at makikikain! sabi ni friza at tumawa.

Natawa naman kameng lahat yung dalawa ay binatukan pa sya sa ulo kayo sinamaan niya ito ng tingin.

Ang sakit ah! reklamo niya.

Ang daldal mo talaga! tara na nga! Sabi naman ni Angel.

Habang nag lalakad ay may nakasalubong kameng mga babae na nag kakagulo at nagtitilian. Hindi kame maka daan dahil naka harang sila sa pattway. Nag rereklamo nadin ang mga kaibigan ko dahil hindi kame maka daan at baka malate kame.

Ano bayan! reklamo ni Camille.

si angel naman ay sumilip kung ano ang pinag kakaguluhan ng mga babae. Ng makita niya ito ay bigla nalang siyang nainis.

Ang o O.A naman nang mga yan! mga fungirl talaga sila ng mga ugok! reklamo niya at nagpapadyak.

Ma lelate na tayo nyan! Reklamo nadin ni friza.

kahit ako ay naiinis na. Bwiset kaseng mga lalaki yan di naman sana artista para pagkaguluhan. Bwiset!

Nang mainis ako ay hinatak ko ang mga kamay ng kaibigan ko. Nagulat pa sila pero parang alam na nila ang gagawin ko kaya napailing nalang.

Masakit yan Maxine! Sabi ni friza.

Ang arte mo! sabi ko.

kailangan talagang masaktan bago maka lusot dyan! Sabi naman ni camille.

No choice. Sabi ni angel. At hinawakan narin ang kamay ni friza at camille.

Nang maglalakad na kame ni angel hitak hitak ang dalawa ay pinatigil kame nito. At bumitaw sa pagkakahawak namin.

Okay na kaya namin. Sabi ni Camille.

let's go! sabi naman ni friza.

bungguan na! sabay sabay na sabi namin at natawa.

You're still the oneWhere stories live. Discover now