Napabalikwas ako ng bangon ng maramdamang parang hinihigop ang kaluluwa ko.
"POTANGINA BIP!" asik na sigaw ko kahit hindi ko paman siya nakikita.
Mula sa harapan ay may biglang lumitaw, nakalaglag ang panga nito. Malamang sa lakas ng mura ko.
"P-paano?"
"Anong paano!?"asik ko ulit sa kanya dahil hindi ko padin matanggap kung paano niya ako napagising, kung hindi lang masakit sa utak ang ginagawa niya ay hindi ko ito papansin at matutulog akong mahimbing hanggang sa gutumin ako tsaka babangon nalang para kumain at matutulog ulit. Tutal lowbat naman ang cellphone ko at gagawin ko e mukhang wala namang signal dito sa tingin ko.
"P-pero?paano mo nalamang ako?" ngumisi ako ng nakakaloko sa kanya animong may balak na masama, trip ko lang naman. Nakita ko ang pagdaan ng takot sa kanyang mga mata kaya tumawa ako, yung parang walang bukas.
Pero mukhang mas natuod pa ito sa kanyang natatayuan dahil sa tawa ko. Akala siguro ay seryoso talaga ako at dahil tawang demonyo ako at baka paniwalang-paniwala din siya.
"Kung inistorbo mo lang ang tulog ko para maestatwa sa harapan ko, pwede ba alis na at pakisarado yung pintuan dahil matutulog pa ako at baka masakal kita" mahabang litanya ko. Kaya pala hindi nakalock ang pintuan kahapon sa kwartong ito dahil sira ang padlock at pagpasok ko sa loob kulang nalang tirahan ng langgam.
Maglelekramo sana ako sa dean nito o kung kompanya man ito, sa may-ari kung bakit doon nila ako balak patirahin sa isang bodega ngalang ay hindi ko alam kung saan ko siya makikita at isa pa malapit ng dumilim.
"Seryoso paano mo nalaman?"nakakunot noo niyang tanong.
"Tangna mo naman inaantok pa ako, bukas ko nalang sagutin 'yan"
"Kebabae mong tao palamura" ngayon ay ako naman ang napakunot, pati yata ang ilong ko ay nangunot
"E ano naman kung babae ako?ano connect nun?"
"Oh ginising mo ako para sabunutan?" tanong ko ng akmang sasabunutan ako nito dahil sa pagkapikon.
"Bumangon kana nga diyan!may pasok pa tayo at dalawang araw ka ng walang kain"
nanlaki ang mata ko sa sinabi niya"A-ano!?"
"Oo papasok kana a—"
"Dalawang araw na akong walang kain?sabi na tinotorture lang ninyo ako e, gigisingin ng napakaaga tapos 'di papakainin"
"Kahapon kalang kasi gumising!tsaka kaya nga kita inaaya na para makakain ka"defensive na pagtanggol niya sa sarili
Hinila niya ang kumot ko na hinalukay kopa sa baul dito kahapon, baka kumot na ito ng nakahimlay pero mukhang bago naman tsala as if may choice ako kesa lamigin ako buong magdamag at humiga ng pabaluktot hanggang umaga.
"Ano ba!?" asik ko ng hilahin niya ako at ipinasok sa isang kwarto
Nilock niya ito kaya napabuntong hininga nalang ako, tanga-tanga talaga . Ilolock niya pa dito e andito naman din ako sa loob, ako lang din naman makakabukas nun. Tumakas nalang kaya ako?'wag na katamad.
Napaawang ang labi ko ng makita ang kabuuan ng cr at kumikintab pa ito sa sobrang linis. Hindi pa ako nakapasok kahapon dahil sa bigat ng katawan ko sanhi ng pagod kaya nakatulog kaagad ako. Kung alam ko lang edi sana dito ako natulog kagabi.
to be continued...