Sakirah POV:
"HOY SAKI AKIN NA HIGHLIGHTER KO!" Alexandrea shouted.
"Oo saglit lang matatapos na'ko, pahiram muna para kanamang others e" Saad ko habang natatawa.
Nanghiram ako sa kanya ng highlighter dahil naiwan ko 'yung highlighter ko sa bahay kanina dahil nag mamadaling pumasok sa school si kuya Sath kanina, my older brother.
Nang matapos ako ay agad akong tumayo para ibalik na sa kanya "Oh iiyak ka na agad e" I smirked.
I love teasing her, sobrang cute niya kasi pag naaasar hehehe. Alexandrea is my bestfriend since we're in grade school.
I look at her. She's really beautiful that's why sobrang daming nagtatangka na manligaw sa kanya sa school namin. Her nose is pointed, she's morena bagay na bagay sa kanya 'yung kulay ng balat niya.
"Hoy Sakirah Laureen bat ka titig na titig sa'kin, baka isipin ko nyan crush mo'ko ha" I looked at her with my disgusting face.
duh, oo maganda siya pero hindi ko siya crush no, dahil mas maganda pa din ako tsk.
Malapit na mag dismissal kaya ti-next ko na si kuya Sathniel para sunduin ako. I'm already 18 years old pero wala padin akong sariling kotse dahil natatakot si mommy na baka daw maaksidente pa'ko tsk.
SAKIRAH:
Kuya sath, where are u na?
dismissal na naman
may practice ba kayo now?KUYA SATH:
yup lil' sis, mag taxi ka nalang muna bye takecare!
I sighed at lumabas na nang school para makauwi, hindi naman kami same school so hassle lang din kung ihahatid niya pa'ko sa bahay tapos babalik ulit.
Habang nag-aabang ako ng taxi sa waiting shed sa labas ng school namin ay naalala ko na may kailangan nga pala akong bilhin sa National Bookstore kaya doon ko na naisipang dumiretso.
Kakatapos ko lang bumili sa National Bookstore kaya palabas na sana ako nang mabunggo ako sa isang matigas na bulto ng katawan kaya nasalampak ako sa sahig.
"Ay, sorry po." mahinang saad ko at pinulot agad ang mga gamit niyang nalaglag sa sahig.
"Faster, ano ba naman kasi yan may mata naman pero hindi tumitingin sa dinadaanan." Nadinig kong bulong niya kaya biglang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya.
"Gago ka pala e', may mata ka din per--" Napahinto ako sa pagsa-salita ng maangat ko ang aking paningin sa kanya.
omygosh girl, hindi mo alam kung paano ko ipinagda-dasal na sana kainin na lang ako ng lupa, kingina ampogi niya.
Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa, pointed nose, makapal din kilay niya at bagay na bagay sa kanya, halatang-halata din ang mahahaba niyang pilik mata. His skin is fair. Pota mukhang manikin yung binti niya dahil sa sobrang puti kitang-kita ito dahil naka basketball jersey pa siya.
"What are you looking at?" Agad tumaas ang mga balahibo ko dahil sa napaka lamig niyang boses.
Naramdaman kong bumilis ang tibok ng aking puso kaya agad kong ibinigay ng padabog ang kanyang mga gamit at dali-daling lumabas sa National Bookstore.
Habang pauwi ako ay pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kanina sa National Bookstore. Feeling ko kasi nakita ko na siya somewhere. Agad kong ibinaling ang sarili ko sa ibang bagay para hindi ko na siya maisip.
"Oh lil' sis bakit ngayon ka lang, akala ko nauna ka na? " Pag pasok ko sa bahay ay agad kong nadinig ang boses ni kuya na nasa sala pala habang nagba-basa ng kanyang mga nagka-kapalang libro.
"Yup kuya eh. Naalala ko may kailangan nga pala akong bilhin sa National Bookstore kaya d'on na ako dumiretso kanina." saad ko sabay upo sa kanyang tabi.
Kuya Sathniel is moreno, like me. Matangkad, makapal kilay, at mahaba ang kanyang pilik mata. Pero pag tinignan mo siya aakalain mong sobrang sungit niya because of his cold aura unlike kuya Sack na sobrang jolly at laging nakangiti. Nagkwentuhan pa kami ni kuya ng mga ilang minuto bago ako umakyat sa aking kwarto.
Pag katapos kong mag half-bath ay bumaba na agad ako parang kumain ng dinner. Nakita kong kumakain na si mommy, dad, kuya Sath and kuya Sack kaya umupo na agad ako sa aking pwesto.
"How's school, laureen? " Tanong ni dad sa isang matigas na tono habang nagsa-sandok ako ng aking pagkain.
"Okay naman po dad, medyo nagiging busy lang po this past few days dahil mag i-intrams na po kami kaya po magiging busy ako sa volleyball training." saad ko.
"Diba sabi ko naman sayo na itigil mo na 'yang pag ba-volleyball mo na 'yan at wala ka namang mapapala dyan, kaya mag focus ka nalang sa pag aaral mo." saad niya at halata na sa kanyang boses ang pag pipigil ng galit.
Hindi nalang ako nag-salita dahil baka lumala pa at magalit pa sakin si dad kaya nanahimik nalang ako. Tutol ang parents ko sa pagiging volleyball player ko kaya lagi nilang sinasabi na sa pag-aaral ko na lang ako mag focus at 'wag sa mga walang kwentang bagay. Si kuya Sath at kuya Sack lang talaga ang sumusuporta sa akin ng mga bagay na gusto ko.
"Let her dad, tsk." Saad ni Kuya Sath sa isang malamig na tono.
Natahimik ang buong hapag kainan ng mag salita si kuya Sath. Kahit kasi ang mga magulang ko takot sa aura niya, pinag lihi ata ni mommy sa yelo 'yung boses niya dahil sa sobrang lamig.
Pag katapos kumain ay nag-aya si Kuya Sack na manuod muna ng movie sa aming sala. "How's school, Saki?" Tanong ni Kuya Sath habang nanunuod kami.
"Okay lang naman Kuya, baka this week makakasabay na'ko sainyo dahil may practice nadin kami ng volleyball kaya late na din ako makauwi" Saad ko habang ang paningin ay nasa tv padin.
"Okay, pwede ka padin naman sumabay sa'kin kahit wala kang practice, susunduin kita sa school niyo at pwede ka naman manuod nalang muna ng practice namin para sabay nalang tayong umuwi" Saad niya at na sa'kin na ang mga mata.
"Sige text na lang kita if wala kaming practice, anyways late nadin una na'ko sa kwarto ko. Goodnight Kuya Sath, Goodnight Kuya Sack" Hinalikan ko ang pisngi nilang dalawa bago tuluyang umakyat sa aking kwarto.
Habang nakahiga ako sa aking kama at nakatitig sa aking puting kisame ay pumasok nanaman sa isip ko ang imahe ng lalaking nabunggo ko.
Napakunot ang aking noo dahil iniisip ko kung saan ko siya nakita. Feeling ko talaga nakita ko na siya somewhere, hindi ko lang matandaan kung saan. Binura ko nalang ulit sa isip ko'yon at natulog nalang ng mahimbing.
YOU ARE READING
The end of the Story (Valdemosada Siblings Series #1)
RomanceSakirah Laureen Valdemosada, a tourism student from Ateneo De Manila University. She's a jolly girl, playgirl, popular. A girl who happy outside but broken inside. Not until she met this guy. The man who will make her happy but he is also the man wh...