"SAKI WAKE UP 7:00 NA MALE-LATE NA TAYO, MALIGO KANA IINTAYIN NA LANG KITA SA SALA!"
Nagising na lang ako sa lakas ng katok at sigaw ni kuya Sathniel sa pintuan ng aking kwarto.
Iminulat ko na ang aking mata habang kinakapa ang aking cellphone sa side table ko.
"fvck! 7:00 na may practice kami ng 7:30" Agad na'kong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo na, malayo-layo ang bahay namin sa school kaya nag madali na'ko at baka traffic pa.
Bumaba ako sa aming sala at nakita ko si kuya na nag babasa na naman ng mga nagka-kapalan n'yang libro.
"Kuya let's go" saad ko at nag lakad na papunta sa aming garahe.
Pumasok na din si kuya sa kanyang sasakyan."Bakit hindi ka muna kumain ng breakfast?" Tanong niya sa'kin pag pasok niya.
"Sa school na lang kuya, may practice ako ng 7:30 baka ma-late na'ko" Sabi ko habang naka-tingin sa labas ng bintana.
Hindi na sumagot pa si kuya at binilisan na lang niya ang pag papatakbo ng sasakyan. Buti na lang talaga walang masyadong traffic ngayon kaya nakarating agad kami sa school.
Bumaba na agad ako ng kanyang sasakyan ng makarating kami sa main gate ng aming school.
"Lil' sis just text me if susunduin na kita ha, baka kasi mas matagal practice namin sainyo bye take care." Paalala pa ni kuya at hinalikan ko siya sa kanyang pisnge at tuluyan nang pumasok sa school.
Dumiretso na agad ako sa gym dahil sure naman ako na excuse na ako. Kaya hindi na'ko nag abala na pumunta sa room para mag paalam sa aking guro dahil sigurado naman na ibibigay na sakanila ni coach ang aming excuse letter.
Pag ka-dating ko sa gym ay halos nandoon na lahat ng player.
"Hi sakirah, goodmorning" Bati sa'kin ni Khea nang maupo ako sa tabi niya.
Nginitian ko na lang siya at dumiretso sa locker room para mag palit ng shirt.
Nang maka-dating na ang lahat ng players ay pinag warm up kami ni coach, at sinimulan na agad ang practice, agad na pumasok ang first six. Ako, si Khea , Jamie, Catherine at si Francine, athena.
Ilang minuto na nag sisimula ang laban.
"Saki!" Sigaw ni Jamie sa pangalan ko dahil hinabol niya ang bola ng isang kamay niya kaya nadapa siya sa sahig at agad naman itong pumunta sa aking pwesto kaya tinawag niya 'ko.
"Mine!" sigaw ko ng makita kong sa akin pa-punta ang bola kaya agad akong tumalon at pinalo ito ng malakas kaya hindi na nasalo ng aming kalaban kaya naka score kami.
Malapit nang matapos ang laro at ang grupo namin ang lamang. Maya-maya pa ay tumunog na ang buzzer at hudyat na ang grupo namin ang nanalo.
Nagka-yayaan pa ang silang kumain sa labas pero hindi na ako sumama dahil bukod sa tinatamad ako ay gusto ko din manuod ng laro ni kuya Sath. Kaya sa halip na sumama ako sa kanila ay dumiretso na lang ako sa locker room ng volleyball player at nag palit ng damit. Balak ko pa sana maligo pero 4:00 na kaya lumabas na lang ako sa school at ti-next si kuya Sath na sunduin ako para makanood ako ng practice niya.
Nasa labas na'ko ng school at nag aabang kay kuya Sath.
Maya-maya pa ay dumating na ang sasakyan ni kuya Sath sa tapat ng waiting shed ng aming school.
"Hi lil' sis, musta practice?" Tanong niya pag pasok ko pa lang ng kotse.
"Okay naman, maaga natapos kasi pinag usapan lang naman 'yung schedule ng mga practice namin tsaka nag laro lamg din ng isang beses" Sagot ko habang inaayos ang aking seatbelt.
YOU ARE READING
The end of the Story (Valdemosada Siblings Series #1)
RomanceSakirah Laureen Valdemosada, a tourism student from Ateneo De Manila University. She's a jolly girl, playgirl, popular. A girl who happy outside but broken inside. Not until she met this guy. The man who will make her happy but he is also the man wh...