Chapter 7

3 1 0
                                    

Babalik na ulit Manila ang pamilya nila DK at Liam. Sapat na ang isang linggong nagkasama sila. Kahit ayaw pang umalis ni DK ay wala na siyang nagawa dahil marami ng trabaho ang naghihintay sa kanyang mga magulang. Sa huling pagkakataon ay pinuntahan niya ulit ang tree house nila ni Liam, at hindi niya inaasahan na makikita niya ang isang pamilyar na lalake.

DK: (sa isip niya) Teka, parang kilala ko to... Lance? (tawag niya dito)

Napalingon naman kaagad ang lalakeng iyon, at ng makita niya ang mukha nito ay nabigla siya hindi niya inaakalang makikita niya si Lance.

Lance: Hey DK! (ngiti at yinakap ng mahigpit si DK)

DK: (nagulat) Hmmm... Hi (ngiti)

Lance: Anong ginagawa mo dito?

DK: Hmmmm... bibisitahin ko lang itong tree house naming ni Liam, babalik na kasi kami ng Manila...

Lance: Ahhh... Sa inyo pala itong tree house ni Liam

DK: Ah, oo... Bakit ka nga pala napadpad dito I mean bakit ka napunta dito?

Lance: (ngiti) Na-attract kasi ako ng tree house na ito.

DK: Ahhh.. (tumatawa) Bata pa lang kami ni Liam ay ito na ang tambayan namin pag pumupunta kami dito sa farm na ito.

Lance: Ahhh... I see, hindi ba kayo pinapagalitan ng may-ari nito?

DK: Bakit naman kami papagalitan, eh ang pamilya ni Liam ang may-ari ng farm na ito

Lance: Grabe yaman pala ni Liam (tumatawa)

DK: (tumatawa) Hindi noh! Mas mayaman kayo... Ehh.. kayo kaya may-ari ng Vans (ngiti)

Lance: Hindi ko yun. Sa mga magulang ko lang iyon.

DK: Sus! Pareho lang yun! (tumatawa)

Lance: Hmmmm... Maiba tayo, kailan mo ba ako sasagutin?

Nasa likod lang ng tree house na iyon si Liam, at hindi niya sinasadyang marinig lahat ng mga pinag-uusapan nina DK at Lance. Ngunit sa sandaling marinig niya ang tanong Lance, ay hindi niya napigilang mag-selo, kaya mas pinili niya na lamang umalis sa lugar na iyon. Kasabay ng pag-alis ni Liam ay ang pag-sagot ni DK sa tanong ni Lance.

DK: Hmmmm... I'm sorry Lance... (yumuko)

Lance: (buntong hininga) That's okay (ngiti) Siguro naman we could still be good friends...

DK: Oo naman, nothing changed (ngiti)

Umalis na si Lance dahil may importante pa siyang pupuntahan at ganun din si DK. Pagbalik niya sa bahay na tinuluyan nila ay wala na si Liam. Kaya minabuti niyang tanungin ang kanyang mga magulang kung saan nagpunta si Liam.

Beatrice: Umalis na sila DK, nagpupumilit na kasi si Liam umuwi masama daw pakiramdam...

DK: Ahhh... (yumuko at nalungkot)

Julio: Wag kang nang malungkot anak, magkikita pa naman kayo ni Liam. (ngiti)

Love Me Just For A DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon