Chapter 6

3 1 0
                                    

Mag-isa lang si DK sa bahay nila dahil umalis ang mga magulang nila upang mamasyal habang si Liam naman ay busy gumagawa ng painting sa bahay ng pinsan nito na si Ron. Dahil wala siyang ginagawa ay naisipan niyang pumunta sa tree house nila ni Liam.

Pagpasok dito ni DK ay pumunta siya agad sa isang baul kung saan naroroon lahat ng mga memories nilang dalawa ni Liam. Binuksan niya ang baul na iyon at nakita niya agad ang isang photo album, agad niya itong kinuha at umupo sa sahig. Maalikabok ang photo album na iyon kaya pinunasan niya muna bago niya iyon buksan.

DK: (tumatawa) Cute ni Liam boy! (ngumiti)

Pagkatapos matingnan ni DK lahat ng mga litrato nila noon, ay tumambad sakanya ang kanyang lumang slambook.

DK: (sa kanyang isip) "teka akin to ha"

Agad niyang kinuha ang kanyang slambook at tiningnan ang mga laman nito. Natatawa siya dahil nababasa niya ang kanyang mga kabaliwan noong siya'y bata pa. Pagkatapos niya mabasa ang kanyang mga sinulat, ay tiningnan niya naman ang mga sinulat ni Liam.

"laman ng page ni Liam"

Name: Jan Liam Uy

Nickname: Liam

Age: 8

Birthday: January 17

Zodiac Sign: Capricorn

Most embarrassing moment: When DK saw me naked

Most unforgettable moment: When I accidentally kissed DK's cheeks

Who is your crush: yung may-ari nito ☺

Where do you want to go in your first date: a place where we can view the sunset together

Napangiti si DK sa kanyang mga nabasa iba't ibang mga emosyon ang kanyang naramdaman sa mga oras na iyon kilig, tuwa, lungkot.

DK: (kinakausap yung picture ni Liam sa slambook niya) Hayyy naku Liam, you always leave me doubts and confusions. Kung noon mo pa sana yan saken sinabi eh di sana...

Hindi na natapos ni DK ang sasabihin niya dahil may biglang nagtxt sakanya.

1 new message. Liam

Huy! Asan ka ba? Umuwi ka na! Hinahanap ka na ni Tita Teresa

Hindi na nag reply si Dk sa txt ni Liam, sa halip ay umuwi nalang siya agad. It was such a wonderful night for her. Sapat ng napangiti siya sa kanyang mga nabasa at nakita.   

Love Me Just For A DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon