Started: June 30, 2014
"Kiss me Troy..." aniya sa malambing at kaakit-akit na boses.
Hindi ko alam kung utos ba iyon o pagmamakaawa.
Sumulyap ako sa kanya mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Napalunok ako kasabay ng pagkagat ko ng mariin sa labi ko. Nag-iwas ako ng tingin bago pa ako mahulog sa karismang hatid ng kanyang katawan.
Nakasuot siya ng bra at panty na kulay pula. Napakasexy niya pero hindi ko kailangang magpadala.
"I'm sorry Y, I can't." malamig na sabi ko.
Tumayo ako at tinalikuran siya. Naglakad ako papunta sa pinto, but before I could reach the doorknob. She grabbed my hand and kissed me passionately.
"Troy...please...just for tonight...be mine..." anas niya ng maghiwalay ang mga labi namin.
I sighed. Sabi ko hindi ko tutugunin lahat ng mga pang-aakit niya sa akin. Bakit ko sinuklian ang halik niya? Bakit ako nagpadala?
"Y, hindi ko kaya...Hangga't hindi ko nakakalimutan ang panggagong ginawa mo sa akin ay hindi kita gagalawin. Sa kabilang kwarto ako matutulog. Goodnight."
Tuluyan na akong tumalikod habang naiwan naman siyang nakanganga habang palabas ako ng kwarto namin.
"I am Troy Gabrielle Sy and I'm married to Ynah Angela Yoon...my seductress wife..."
SOON...