VICKY'S POV
ANONG VICKY?! VICTORIA!
okay.
VICTORIA'S POV
"HAPPY NEWWW YEAR!!!! gising! gising!! vicky! gumising ka na jan! new year na!"
ang ingay naman ni ate.."TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT!!"
ay kalabaw! ano ba yan?! buti na lang may firecracker ban dito sa Davao kung wala baka matagal ko nang sinilaban yung mga nagpapaputok sa harap ng bahay. magugulatin akong tao at BUGNOTIN ako kapag ginigising, mahalaga sa akin ang tulog dahil 3 na taon na akong nadedeprive nun. i am the most active high schooler.
"bumangon ka nga jan! lumabas ka. new year na new year hindi ka naligo! yuck!"
"tumahimik ka nga ate!" at bumalik na'ko sa pagtulog.
hindi ako mahilig magcelebrate ng new year kahit na last new year na namin to sa Davao at last new year na meron akong kasama.. lilipat na kami sa manila this week, si ate naman mag-aabroad na next week. sisiguradohin lang nya na maayos ang kalagayan ko sa manila bago siya bumalik ng new york. my father died july of last year kaya babalik na kami sa manila. mom and sis will migrate to new york,nauna na si mama last year... doon muna sila until i am legible to travel the US. i have other siblings though, may 2 pa akong ate sa australia, my other 2 brothers are in japan and denmark. lahat sila nagpapadala sa akin ng pera monthly kaya naman kering keri kong pumasok sa isang montessori sa makati.. sister school yun ng skwelahan ko dito sa davao kaya pumayag ang administration na pumasok ako kahit last 3 months ko na lang sa 4th year..
honestly, ayaw kong iwan ang nakasanayan ko na pero i know that this is what i want. this is what i need--a constant change of environment. hindi ako umuurong sa mga challenges ng adjustments. gusto ko rin makakilala ng mga bagong tao..
MANILA AND WE ARRIVED sa condominium unit na kinuha nila ate para sa akin..
"oh ha.." maganda dito" binuksan ni ate ang bintana sa likod
tiningnan ko ang buong condo.. nasa 23rd floor ang kwarto ko, maganda ang kwarto-may sala: komportableng couch na color blue, flat screen...kitchen: color white at pink: kumpleto sa gamit, ang ref marami ng laman,kwarto na may walk-in closet,sariling banyo. may banyo rin sa labas...
"vic, halika.."
nakakinis, si ate lang ang hindi ako tinatawag na victoria.. sanguine si ate dd ko--madaldal, storyteller, dramatic, lively, friendly at..
"tadaaaa!!!"
full of surprises!
"ate! ano to?!" isang empty na kwarto,maliwanag dahil napapalibutan ng glass windows at pumapasok ang liwanag mula sa labas.
"workshop area mo..haha!"
"atehh..sa.lamat" nilibot ko ang buong kwarto. gustong gusto ko siya! pero hindi ako nagpa-obvious..napansin yata ni ate.
"sus! hwag ka na nga ng magpigil.. kilala na kita,alam kong nagustohan mo. haha. you're welcome kapatid!"
at niyakap niya ako...ayun. ayaw ko talaga sa mga ganito...
sa condo muna tutuloy si ate until sa araw ng flight nya.
SA UNANG ARAW NG PASOK for the year 2013, alas 5 pa lang gising na ako..maaga akong nagising. excited lang? nagluto na lang ako ng almusal at inayos ang susuotin ko.. wala pa kasi akong uniform, under construction pa..
ligo ligo..
bihis bihis.
suot ko ang isang faded na jeans, artwork na white t-shirt at pares ng chucks.. ready na rin ang bag ko na jansport color blue. kumain na ako, tulog pa si ate eh mag aalas sais na..
nom..nom..nom..
6:15 na nang lumabas si ate sa kwarto..
"oh. bihis ka na?..naku naman. ihahatid na kita.."
"op op op! ate, hindi na ko bata.. kaya ko naman mag-isa ehh.."
"teka, maghihilamos lang ako then magbihis..isang mabilis"
binilisan ko nalang ang kain ko.. niligpit ang plato saka nagmadaling lumabas nga unit.
"hindeee. hwag na. dala ko naman card at handbook ko.. keri ko na teh."
"talaga?"
"oo.. sige.. babye.. mamimili ka ng mga pasalubong diba? sige na maligo ka na.."
"ehh.sirado pa ang malls eh..kaya ko pa na---"
"bye!" sigaw ko at nakalabas na ako ng pintuan ng unit.
at nakalabas na ako ng building... hai! relieved! baka anong isipin nila kung ihahatid pa ako ni ate. sure pa naman ako na papasok talaga yun ng classroom at makiki-churva sa teachers and classmates ko.. nakakahiya kun ganun..
ang ganda ng sikat ng araw ah! umuulan kasi lately..
ANG SARAP MAGLAKAAAAD!
today. Makati Hope Christian School shall meet miss choleric!