Ayoko sa mga iyakin, pagsabihan mo lang ng konte luluha agad. napaka-OA, lumalabas tuloy na ako ang bruha.!
Ayoko rin sa mga aanga-anga at makukupad.! kulang na lang purihin sila sa katangahan.
Ayoko rin naghihintay, konte lang pasensya ko dun. dapat on time lahat ng ka meet ko kasi ontime din akong dumadating. unfair naman diba.
Umiinit ang dugo ko sa mga pa-cute kaya ayaw na ayaw ko sa mga korean na series na yan!. lalong-lalo na sa mga pinoy na ginagaya sila.
Ayoko rin sa mga taong nagpapapilit. kapag sinabi kong gawin mo, gawin mo! ako ang masusunod at hindi ko kailangan ng opinyon nyo. such a waste of time!
Ayoko sa mga mahihina, ang sarap nila tirisin. feeling ko kailangan nila maging malakas. allergic ako sa mga salitang "hindi ko na kaya", parang gusto ko silang bigwasan pag nakakarinig ako nun. kung nakaya ko lahat ng pagsubok sa buhay, kakayanin rin nila.
Marami akong ayaw sa mundo, pag hindi mo mareach ang standards ko wala kang karapatan na maging kaibigan o makilala man lang ang isang Victoria Ortega. mataas ang tingin ko sa sarili ko at hindi pa nabubuhay ang taong tatalo sa akin. hindi ngayon,bukas o kailanman!
masama ba akong tao?
hindi naman siguro, choleric lang.
ako si Victoria. ayaw kong tinatawag na Vic, Vicky o Victor (ano ako, lalake?)..gusto ko tawagin ng VICTORIA... ang angas diba?! choleric ako eh.
CHOLERIC...
ang pinakamalakas sa apat na temperaments. natural-born leader, decisive, gets work done, impulsive, aggressive at lahat lahat na matatawag mong strong personality, nasa akin na. magkaganon man, kaya kitang ipagtanggol,. i put my life in line when it comes to my friends... naniniwala ako sa katotohanan at ayaw na ayaw kong may naaapi at nasasaktan. kung kaya kitang ipagtanggol, kaya ko ring ipagtanggol ang sarili ko--natural. mahilig ako sa martial arts, marunong ako ng arnis, taekwando, karate, aikido at judo. huwag na kayong magtaka, i have choleric parents, namamana daw kasi ang temeperament natin sa mga magulang natin.
BOYS...
NO BOYFRIEND SINCE BIRTH... pero may tatlo akong ka-MU'S.. sina secret, secret at secret.. may mga nagpaparamdam pero ayaw na ayaw kong kinikilig.. tumataas ang balahibo ko dun..
so NBSB ako,
maybe dahil sa ayaw ko rin magpatalo sa mga lalake. gusto kong inuungusan sila. may mga nag-confess na na-iintimidate sila sa akin dahil aside na matalino, mukha raw akong kakain ng tao.. marami na akong natalo na mga lalake simula pa nung elementary years ko.. madalas na kakompetensya ko sa valedictorian spot ay mga lalake: si LL nung kinder, si nash nung grade 6, si michael nung 3rd year high school (the toughest competitor so far). nasasatisfied ako kapag natatalo ko ang boys.. i don't really know why.. maybe because of my father...
well, enough of the introduction. excited na akong i-kwento ang pinaka-astig na kwento ni Victoria Grace Ortega! ako yun. hmpf.