*Kristine POV*Tahimik akong naglalakad pauwi sa bahay.Ako nga pala si Kristine Salazar. Graduating Architect student ako kaya naman sobrang busy na. Abot abot ang kaba ko sa mga sandaling ito dahil alam ko ang naghihintay sakin.
Nang makarating ay nanginginig akong kumatok sa pinto at nagdarasal na sana ay magkaroon ng himala ngunit malakas talaga ako kay kamalasan dahil pagbukas na pagbukas ng pinto isang sampal agad ng bumungad sakin.
"Bakit ngayon ka lang?! Lumandi ka na namang maharot ka noh?! Gabing gabi na wala paring pagkain! Sino hinihintay mong gumawa ako pa? Aba pinapalamon at pinapatira ka namin dito pero yan lang isusukli mo?! Manang mana ka talaga sa mama mo!" Sabay sabunot sakin.
Wala naman akong magawa kundi tanggapin lahat ng sakit na ibinibigay nya sakin. Sa halos araw araw na ginawa ng diyos walang araw ata na hindi ako nakakakuha ng pasa o sugat sa kanya.
"Tita tama na po! Nasasaktan po ako." Daing ko ng sampal sampalin nya ako.
"Wala akong pake walang hiya ka!" Saka nya ako malakas na tinulak. Tumama ang gilid ko sa kanto ng lamesa kaya namilipit ako sa sakit.
"Kapag hindi ka pa nag tino hindi lang yan ang aabutin mo!" Pasigaw nyang sabi saka iniwan akong namimilipit.
Napaiyak na lang ako dahil sa nangyayari sa buhay ko. Bakit kailangan mangyari sakin toh. Wala naman akong ginagawang masama pero bat ko to nararanasan.
Masakit man ang katawan pinilit kong tumayo at nagsimula ng magluto.
Pinapangako ko sa sarili ko makakaalis din ako dito.
****
Maaga akong pumasok ngayon para makapag review sa darating na finals. Papunta ako ngayong library pero naisipan kong dumaan muna sa locker ko para iwan ang ilang libro.
Napakunot ang noo ko nang may nalaglag na papel mula sa locker ko.
Agad naman akong napatingin sa magkabilang gilid ko para tingnan kung may tao pero wala.
Taka ko itong binuksan at nagulat ako sa nabasa ko.
Dear, Kristine
Hindi ko alam kung pano kita i-aapproach so naisipan ko na lang sumulat. I just want you to know that I like you the very first time I saw you. You're the most kindest, talented, smart, and strong person I know. Sa bawat araw na nag daan di ko namalayang unti unti na pala akong nahuhulog sayo. I know na marami kang tanong pero hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo. Cheer up ok? Always take care mamahalin mo pa ako haha. Please take care of the teddy bear that I brought you. When you're sad just hug him to ease your pain. I'm always here for you. I love you.
Lovingly yours, Your husband
Hindi ko namalayang napaiyak na ako. Kung sino ka man, salamat.
Napatingin ako sa loob ng locker ko ng maalala ang sinabi nya sa sulat at dito ko nga nakita ang isa napaka cute na piggy teddy bear. May kasama pa itong isang red rose at chocolates.
Sobrang gumaan ang loob ko dahil sa taong nagbigay ng saya sakin ngayon.
Inilagay ko sa bag ko ang sulat saka inayos ang laman ng locker ko. Mamaya ko na lang kukunin pag uwian na.
Pangiti ngiti akong naglalakad papuntang library ng biglang sumulpot sa tabi ko si Kurt.
"Naks ganda ng ngiti natin ahh." Gulat naman akong napatingin sa kanya saka sya hinampas ng malakas sa balikat.
"Bat ba ang hilig mo mang gulat? Sabog ka na naman noh? Hahaha" Sabi ko sabay tawa ng malakas. Si Kurt ay bestfriend ko since junior high. Pareho kaming architect ang kinuha kaya classmate kami.
"Gaya mo naman ako sayo na nag sha-shabu." Nakangisi nyang sabi kaya kinurot ko tagiliran nya.
"Ikaw yun Marijuana!" Nakasanayan na namin ang ganyang asaran kaya kung minsan natatawa na lang kami sa sarili namin.
Pareho kaming natawa sa kakulitan namin.
"Malapit na ang graduation. Konting tiis na lang." Malumanay nyang sabi. Di naman lingid sa kaalaman nya ang nangyayari sakin sa bahay.
Minsan na syang nag alok ng tulong pero tinanggihan ko. Hindi nya ako responsibilidad kaya wala syang kailangan gawin.
"Oo nga eh konti na lang. Makakaahon na din ako. Ay oo nga pala may chika ako sayo marijuana!" Napatawa na lang sya.
"Ano yun shabu?" Gusto ko sana syang batukan pero wag na haha.
"Alam mo ba may nag confess sakin sa sulat. Tas binigyan ako ng teddy bear, flower, and chocolates." Napatingin naman sya sakin.
"Bulag ata yang suitor mo shabu hahahah." Napanguso na lang ako.
"Hmmp edi wow. Pero alam mo ba ang sweet nya. Gusto ko sya
makilala someday." Napatingin ako sa kanya nung hindi sya nagsalita at nahuli ko syang nakangiti."Hoy sabog ka ba? Sinasabi ko sayo tigil tigilan mo kaka marijuana ehh!" Inirapan nya lang ako saka naunang maglakad.
"Hoy hintay!"
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Storie breviThis is a compilation of one shot story that originally created by me. PLAGIARISM IS A CRIME SO BACK OFF.