Sister
Pagdating sa kwarto ay agad akong naligo at nagbihis ng medyo pormal na damit dahil nga may bisita at mag d-dinner kami.
Matapos makapag-ayos ay dumiresto ako sa kitchen lara kumuha ng tubig at tuloy-tuloy na bumalik sa garden.
Nang palapit ako ay naririnig ko na ang masayang kwentuhan nila. Nang matanaw ang kinalalagyan nila ay bahagya akong napatigil at saktong napansin ako ni mommy na nakatayo doon kaya nilingon niya ako at tinawag.
"El come here, nandito na si Sage" kunot-noo akong naglakad patungo sa kanila ng dahan-dahan habang umiinom pa din ng tubig.
Halos maibuga ko ang iniinom nang tuluyang lumingon ang tinitukoy nilang Sage.
"I-Ikaw?!" hindi makapaniwalang sambit ko at nakaturo pa sa kanya.
Nagtataka naman ang ibang kasama namin doon na papalit-palit ang tingin sa aming dalawa. Halata din ang pagkabigla sa ekspresiyon n'ya at bahagya pang nakabuka ang bibig.
Awkward na tumawa si mommy ngunit nakatulala pa din ako sa antipatikong Travis na yun.
"You know each other?"tanong ni tita Trina.
"No"..."Yes" halos sabay pa naming sagot ni Travis.
"I mean, no po. Pero we had an encounter kanina sa school nung pauwi na po ako" paliwanag ko nang mapansin na mukhang nagtaka sila sa magkaibang sagot namin.
"Anong ginawa mo sa school nila Elora?"baling sa kanya ng mommy niya.
"Wala ma, I just talked to someone"paliwanag niya naman at hindi makatingin sa mommy niya.
"Don't tell me it was that girl again?I told you alread-"she cut her mom off.
"Ma, sa bahay na natin ito pag-usapan" putol niya sa sinasabi ng mommy niya.
Tahimik lang naman kaming nakamasid sa kanila. Mommy cleared her throat.
"What is this encounter again Elora?at bakit parang it doesn't sound nice to me?"tanong ni mommy sa akin at bahagyang nilingon sa Travis.
"Uh, nagkabanggaan po kasi kami kanina, we are both busy with our phones kaya hindi napansin. I said sorry but he didn't mind me. He was busy with something else, I saw him talked to Kiara Santillan, you know my bitch classmate that I told you last time?"paliwanag ko kay mom, sinadya ko yun to get back at him.
He glared at me but I didn't mind. Pakealam ko sa'yo.
"Watch your words El, mabuti pa at mag dinner na tayo sa loob"puna ni Dad at anyaya na din sa mga bisita.
The whole dinner was, I think fine?For them. Dahil ako tahimik lang na kumakain at minsan nahahagip ng tingin ang supladong kaharap ko. Halata sa mukha niya ang iritasyon. Bahala ka diyan, napaka antipatiko mo ha!
After the dinner and catching up ay nag paalam na din sila.
"Thanks for having us for dinner, I hope sa sunod ay kayo naman ang makabisita sa amin" masayang lintaya ni tita Trina at nagpaalam na din agad silang umalis.
It was a fine night, dapat. Pero dahil sa presensiya ng lalaking yun ay parang nasira ang mood ko tonight.
Nagpaalam na din ako kina mommy na aakyat na para magpahinga, I said my good nights to mom and dad. Kuya was not there anymore I saw him on the phone kaninang nagpaalam ang bisita namin.
I can't sleep so I tried to call Shana but her line was busy. Weird?Sino kaya ang kausap nun?She don't usually have phone calls at night dahil kami madalas ang mag kwentuhan bago matulog.
YOU ARE READING
Young Lies
Teen FictionAfraid to admit your true feelings for someone and keeps insisting that it was nothing but your actions says otherwise. Since the younger days until the present, it was hard to admit that it was love that you really felt. You don't like her, you nev...