Chapter 36

1.8K 87 134
                                    

Chapter 36

"Okay, tama na muna tayo ngayong araw. Malapit na pala ang next subject natin." Pumalakpak si Yves, kaklase at isa sa mga choreographer namin para sa P.E. "Galing niyo, guys. Muntik na kayong magkasabay-sabay."

I laughed with my blockmates upon hearing her. My butt stuck out as I drooped my body and rested my hands on knees. Amoy ko na ang sariling pawis dahil nasa ilalim kami ng araw. Though it was not that scorching.

Ang hirap lang dahil wala akong nadalang extra na damit ngayon. Naka-uniform ako pero wala na ang vest. Naka-heels pa ako kaya masakit lalo ang mga paa habang nagsasayaw.

Nagsialisan naman kami ng mga kaklase ko sa formation namin dala ang kani-kanilang apparatus para sa rhythmic gymnastics. Sinundot ko si Aaron sa likod ng kanyang pwet gamit ang stick na hawak ko kung saan nakatali ang pulang ribbon.

Nilingon niya ako at nang makatabi na sa kanya ay agad niyang ipinatong ang braso sa balikat ko. Dumiretso kami sa cottage kung nasaan ang mga gamit at kaklase namin.

"Saan tayo kakain? Dagohoy? O building na?"

"Sa student lounge na lang siguro sa building natin? Bili na lang tayo sa Dagohoy muna."

I unclasped the second button of my uniform. I sniffed my collar and even brought my armpit to smell it. Nakatingin sa akin si Seth, natatawa. Hindi ko naman pinansin ang ibang nakitingin.

"Baho ko na." Ngumiwi ako.

Kinuha ko ang face towel at inumin sa bag bago naupo sa batong mesa. Medyo mataas iyon. Tinampal naman agad ni Seth ang gilid ng tuhod ko kaya itinikom ko ang binti at inayos ang palda.

"Okay lang 'yan. Magkakaamoy lang tayo. Tingnan mo si Steffy, umiiyak pa ang kilikili," si Mason habang hawak ang water jug niya.

Sinuntok siya ni Steffy sa braso. "Excuse me, kahit namamasa 'to, hindi naman ako amoy sinigang! Amoy pawis lang!"

"Ayan kasi, sinabi nang magdala ng extra shirt ngayon dahil may practice," pangaral ni Aaron sa aming dalawa ni Steffy. "Hindi bale, may uniform naman siguro kayong dalawa para sa FSO natin?"

I nodded.

"Ay, may assignment pala tayo roon, ah? Tapos niyo na?"

"Oo naman! Sus. Dali-dali i-search sa Google!"

Pumikit ako nang mariin at tumingala habang sunod-sunod ang lagok sa tubig.

"Hindi ko pa nagawa," sabi ko at pinunasan ang bibig gamit ang face towel. "Mamaya ko na gagawin pagkatapos nating kumain. Tara na!"

"Hay nako, Izzy!" Aaron glared at me. "Lagi ka na lang nagka-cram. Pasalamat ka at madali lang din 'yon."

"What? May trabaho ako kagabi at pagod na akong nakauwi kaya hindi ko na nagawa," I reasoned out but they didn't buy it.

Ngumuso ako. Patalon akong bumaba sa mesa at muntik pang masubsob nang tumagilid ang sapatos.

"Ouch!"

Mabuti at hinawakan ako agad ni Seth kahit pa tinatawanan na nila ako. Ngumiwi ako dahil mukhang napuruhan agad. Tumabingi ba naman ang paa ko pagkatalon at may takong pa.

"Izzy naman," tawa ni Aaron.

"Bakla, bakit naman kasi may pagtalon pa?" si Steffy na napahampas pa sa braso ni Mason na tumatawa rin.

It was quite painful. Nahirapan akong maglakad pero tingin ko ay hindi naman sprain. Sana lang ay humilom na mayamaya dahil may lab activity kami sa FSO.

"Oval tray at bar tray service lang naman tayo ngayon, 'di ba?" tanong ni Aaron habang naglalakad kami tungo sa Dagohoy.

I was clinging on Seth's arm. Nakasampay naman sa balikat ang strap ng bag ko. I was pouting the whole time they were talking while walking. Pati sa pag-akyat namin sa building ay nahirapan ako. Balak pa sana akong ipa-clinic ni Steffy pero sinabi kong ayos lang naman.

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon