Chapter 18

56 3 4
                                    

"Here's the item po, ma'am. Thank you for coming."

Ngumiti ako kay ate na nag-abot nung binili ko at lumabas na ng store. Chineck ko 'yung phone ko para sana tingnan kung may message si Cally, pero wala naman akong nabasa.

Ang usapan kasi kanina habang nasa coffee shop kami, bibilihin ko muna 'yung kailangan kong bilhin. Nag-hesitate naman siya na samahan ako, pero nagkataon naman na nagkaroon ng utos sa kaniya kaya hindi na niya ako nasamahan.

Ngayon, naghihintay ako sa kaniya. Nasa 1st floor ako, siya, not sure, either 2nd or 3rd floor. Hindi na rin niya nabanggit kung anong bibilhin niya dahil gusto na niyang umalis, para makabalik din agad daw siya. Loko talaga.

"Uy, sorry. Sorry, sorry. Sorry talaga."

Kasabay nang pagdait namin ng kung sino man ito ay ang pagbagsak ng hawak ko na paper bag. Tumayungko agad ako para sana kunin 'yung nahulog, pero nauna na siya. Inayos niya iyon at agad na inabot sa akin. Walang emosyon ko naman siyang tiningnan nang harapin niya ako.

"Sorry talaga, hindi ko sadya."

"Mm... it's okay."

I smiled at him. Ang pangit naman kung tatarayan ko siya, kaya ngumiti nalang ako kahit papaano. Hindi pamilyar ang mukha niya kaya sigurado ako na ngayon ko lang siya nakita. But still, medyo hindi sigurado dahil mahina akong mag-memorya ng hitsura.

"Is it okay if..."

"Rheezelle!"

Mabilis akong napabaling sa kaliwang gawi ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses doon. Ngumiti agad ako sa kaniya nang magtama ang tingin namin. Siya naman ay hingal na hingal na nakalapit sa akin.

Maayos naman nang dumating siya, pero nang makita niya siguro 'yung kaharap ko, roon nagbago ang awra niya. I don't know, hindi ko rin masabi, pero parang... ewan.

"Tara na? Saan mo gustong pumunta?"

"Uhm..."

"Magkakilala kayo?"

Sabay kaming napatingin doon sa lalaki. Hindi pa rin pala siya nakakaalis? Akala ko naman wala na. Hindi sa pagiging harsh, pero dapat nakaalis na siya.

"Sorry if nakakabastos 'to sa 'yo. Sino ka ba?" Hindi ko napigilan ang magsalita. "Nadagil mo 'ko, nahulog 'yung paper bag ko, at binalik mo sa 'kin. Okay na 'yon, so bakit...? Ano pang kailangan mo?"

"Rheezelle..."

"Ahh... sorry," he laughed in a bit. "Okay, okay..."

Tumungo siya sa aming dalawa bago siya tuluyang nakaalis. Nakataas ang kilay ko habang sinusundan siya ng tingin. I'm sorry if I am too harsh, pero bakit ba gano'n siya?

"Let's don't mind him," nakangiti na ako nang humarap ako kay Cally. "Where do you want to go, ha?"

"Ikaw? Saan mo ba..."

Habang naglalakad kami ay nagtatanungan kami kung saan ba namin gustong pumunta. Merong arcade, cinema, pag-kain sa labas, and etc. I want to watch movie too, pero masyado pang maaga. Mas maganda siguro kapag pagabi na para maganda 'yung moment.

So, napag-desisyunan na kumain na muna. Parehas kami ng mga napipili na pagkain kaya nagkakasundo talaga kami. Kanina pa ako nag-cacrave sa pizza, so isinama namin 'yon sa mga binili namin. Siya naman ay gusto raw niya ng ice cream kaya tamang-tama lang. Nag-add na rin kami ng rice and meat para kasabay na sa lunch.

"Are you feeling comfy with me?"

Even though he's the man, I'm still worried kung anong nararamdaman niya kapag kasama ako. Ayaw ko naman kasi noong na-aawkward-an siya, o kaya ay 'yung nag-aalala kung paano akong pakikisamahan.

When I Met Mr. CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon