Chapter 21

36 3 0
                                    

"What? Really?! Why you didn't tell me?!"

Napamasahe ako sa sentido ko at nagpatuloy sa pag-kain. Ayan na nga, eh. Hindi ko pa ba sinasabi sa kanya sa ganitong ginagawa ko.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko kaagad ang pinagkainan ko at nakipag-kwentuhan na kila Zairielle at Shani. Hindi ko naisip na ako talaga ang maiiwan dito. But to be honest, all of us naman is alone. I mean, pare-parehas naman naming hindi nakikita ang isa't-isa kaya wala nang bago. Natawa tuloy ako kasi naisip ko na ito ba talaga 'yung plano? Can't believe this.

"I am happy for the both of you. Just a bit worried for Cally."

"Shani?" Lumingon ako sa kanya nang may pagsusuri sa mga mata. "Grabe ka, hindi naman na 'ko ganoon kataray."

"I'm worried too..." Pagsang-ayon ni Zairielle. Napairap ako. "I suggest na sabihan mo siya na palaging habaan ang pasensya kapag magkikita kayo..."

"Should I call Brylle? Maybe, he misses you. What do you think, Zairielle?" Nginisian ko siya pagkatapos kong sabihin 'yon.

"Bitch."

Walang kwentang pag-uusap. Nag-away-away lang kami buong video call. Hindi ko nga maisip kung papaano kaming naging mag-kakaibigan. Si Zairielle, to be honest, she's really soft. The way she speaks, ang mature ng bawat words na sinasabi niya. Kung sasabihin, sa aming tatlo ay she's the perfect one.

Si Shani, kung anong ikinalambot ni Zairielle, na-triple 'yung sa kanya. Hindi na ako magtataka kung ingat na ingat kami sa kanya kahit hindi namin sinasabihan ang mga sarili namin. She's perfect on my eyes, too. Ang mali lang niya, sa kaperpekan, she's letting people to do whatever they want to do sa kanya. Kaya nga minsan ay naiinis ako kasi sobrang bait niya talaga.

Ako, hindi ko alam. Naligaw ata ako. To be honest, alam ko sa sarili ko kung ano ako pagdating sa ibang tao. Aminado rin ako na maldita talaga ako. Mabilis din maubusan ng pasensya. Hindi rin ako nagpapatalo kapag may sarili akong sagot. Kaya nga kapag nakikipag-away ako ro'n sa dalawa, hinahayaan na lang nila ako. Silang dalawa 'yung nag-aadjust, since mas mature ang pag-iisip nila kaysa sa akin.

"Come with us later, Rheezelle. Tingnan lang namin 'yung bagong bukas na bar sa may Quesam."

Napatitig ako kay Nathalia at hindi agad nakasagot. Gusto kong tumanggi kasi once na nagpunta ako ro'n, pinagsisihan ko agad. Umiling ako na siyang ikinangunot ng noo niya.

"Wala pang minuto, umiinom ka na ro'n. For sure."

"Grabe ka!" She rolled her eyes. "Hindi na 'ko umiinom, 'no. Dali na, titingnan lang naman natin. At tsaka kung iniisip mo 'yung magiging reaksyon ni Cally, don't worry. Ako mismo magsasabi sa kanya."

"What? No. Ayaw ko talaga."

Pinipilit niya talaga ako buong umaga. Hindi ko lang siya gaanong nabigyan pansin kasi ang daming customers na dumadating.

Hindi sa pagiging KJ, pero hindi talaga ako ganoon, eh. Ayaw ko nang napupunta ako sa mga bar, lalo na kapag gabi. Before, I tried naman. Pero hindi gumana. Siguro, kung umiinom ako ay ayos lang, pero hindi nga.

"Cally, pilitin mo na si Rheezelle." Si Cally naman ang kinulit niya nang makarating kami sa main. "O 'di kaya, eh, sumama ka na rin para sumama siya."

"Ha? Ayoko," agad na tanggi niya. "Tigilan mo 'ko, Lia, ah. Sila Adi na lang. 'Yun, hindi mo pa tinatanong may sagot ka na."

"Dali na. Rheezelle, please," ako naman ang kinulilit niya ngayon. "Wala namang mawawala kung sasama kayo. Tingin lang talaga, promise."

Tumingin ako kay Cally para manghingi sana ng sagot pero ganoon din siya sa akin. Nagkatitigan kami at sabay na nagbikit-balikat. When he did that, I know na parehas lang kami ng sagot. Napapikit ako at tumingin muli kay Nathalia.

When I Met Mr. CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon