Flashback..
"Wag mo akong pakielaman!" Galit niyang sigaw sa akin at isang malutong na sampal ang na tanggap ko mula sa kanya.
"K-ken wag ka ng umalis m-masyado *hikbi* ng malalim ang gabi" Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Don't you understand?! Napakakitid ng utak mo!"
"Wala akong kasama dito K-ken kaya wag ka ng umalis" Ngumisi lamang siya at pinitik ang noo ko ng malakas.
"That's good! Sana pasukin ka ng magnanakaw para mawala ka na sa buhay ko!!" Huling masasakit na salita ang sinabi niya sa akin at iniwan ako dito mag-isa sa mansion.
Napaupo ako sa sofa at nasapo ang sariling noo. Pumikit ako at huminga ng malalim. Sanay ka na dito Ta kaya hindi ka na dapat pa umiyak, pero ang huli niyang sinabi?
Sana pasukin ka ng magnanakaw para mawala ka na sa buhay ko!
"I hate you Ken but you're still mine."
Present day..
I just stared at the big mirror in front of me mukha akong kagalang-galang, maganda at mabango. I am no longer like I used to be very boring and hated by people lalo na si Ken, kamusta na kaya siya? It's been 3 years simula noong umalis ako ng bahay. Did he thinks of me? Napatingala ako at bumuntong hininga. Tatlong taon na ang nakakalipas pero mahal ko parin siya. Nothing had changed.
"Miss Daniela?" I turned around and looked at the organizer who had called me. "Are you ready?" I smiled and nodded.
I stood up at nag last look sa salamin. Kaya mo 'to Ta.
"Tara na ho" Banggit ko at sumunod sa organizer.
Nandito na ako ngayon sa back stage nag hihintay na tawagin ang aking pangalan. Sobrang nasanay na akong ipagsigawan sa buong mundo ang pangalan ko pero sa mga oras na ito ay hindi na ako kampante.
"Please welcome, one of the famous runway models in all of asia! Miss Daniela Chen!"
Pagkasabi noon ng MC ay umakyat na ako ng stage. Yes, Kung dati ako si Rita Daniela Iringan-Chan ngayon naman ay ako na si Daniela Chen. I meant Chen was really close to Chan so I would remember him forever pero alam kong hindi niya ako makikilala dahil sa bago kong mukha.
As of now focus muna ako sa carrier ko bilang sikat na model. Kinuha akong model ng isang sikat na clothing company kaya ako nandidito sa isang malaking event na'to.
Wala namang nangyari sa pag rampa ko kanina as usual nag pakilala ako at inindorso ang magagandang damit na produkto ng kompanya. Marami rin ang mga fans ko ang dumalo at pinag pistahan ang pangalan ko sa lahat ng social media but that's not the reason for my disgust I felt honored to have my fans well actually they're not just my FANS they're my family.
I checked my phone nang bigla itong umilaw.
Oh my God! I almost forgot!!
Dali-dali akong nag tungo sa kotse ko para puntahan si Mr. Hansen. May usapan kasi kaming pag-usapan yung tungkol sa kontrota na binigay niya sa akin. He's offering me para maging model ng company nila sa darating na event sa business world. I refused their offers kasi nakasang-ayon na ako Clothing comp. Kaso pinipilit ako ni Mr. Hansen kaya kailangan namin itong pag-usapan.
5 minutes rin bago ako nakarating sa isang roofdeck bar. He's nice when it comes to place. Umakyat na ako sa taas kaya lang natagalan ako bago marating si Mr. Hansen dahil may ilan-ilan ding nag pa picture sa akin pero okay lang naman 'yon.
"I'm sorry na late ako" I apologized to Mr. Hansen nang marating ko ang direksyon niya.
"It's okay Daniela it looks like na na-stuck ka sa mga fans mo"
I chucked. "Hindi naman po" Usal ko at umupo sa bakanteng upoan.
"About nga pala d--" Naudlot ang sasabihin ko nang mag salita siya.
"I'm sorry Daniela pero pwede ba nating mahintay ang mismong boss talaga?"
"B-boss?"
"I’m really just a secretary here. Ako lang yung umalok sa'yo kasi nahihiya pa ang boss ko pero ngayon siya na ang kakausap sayo" Pagpapaliwanag niya at bigla na lang tumunog ang phone niya.
"Yes boss.. Sige po ako na po bahala" Aniya sa kausap niya at tumingin sa akin. "Order lang ako ng makakain niyo" He said and went to the counter.
I sighed and rolled my eyes I'm tired literally. Sumandal ako sa sandalan ng inuupoan ko at pumikit.
"You look tired" Mabilis kong naimulat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon.
Laking gulat ko nang mag tama ang mga mata namin kaya muntik na akong mahulog sa upoan ko na siyang dahilan para alalayan niya ako.
"Are you okay Miss Daniela?" Tanong niya habang inalalayan akong makaupo. Bakit siya ganito?
Wala akong mukhang maiiharap sa kanya, I feel anxious at natatakot ako sa kanya. Umayos ako ng upo at umiwas ng tingin sa kanya.
"By the way I'm Ken Chan the owner of Ritaela's Company" He handed his hand to me.
Ritaela's Company?
Nag he-hesitate akong tanggapin ang kamay niya kaya buong minuto akong nakatitig doon. Binawi niya ang kamay niya at ngumiti.
I miss my husband.
"I'm sorry kung si Hansen ang pina---" Naputol ang sasabihin niya nang biglang sumingit ang isang crew.
"Ito na po yung food na inorder ng secretary niyo Sir." Nilapag niya ang pagkain at umalis.
"Gusto mo bang kumain muna?"
I shooked my head. "S-sa susunod na lang tayo mag-usap" Aniko at nag madaling tumayo at umalis pero sinundan niya parin ako.
"Daniela teka lang." Hinawakan niya ang braso ko dahilan para maalala ko yung pambubugbog niya sa akin noon.
"I'm sorry Ken pero s-sa susunod na lang" Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Please... I need you" He uttered with full of sincerity.
He needs me?
"Let's talk Daniela. Kailangan ka ng kompanya namin ng asawa ko" Nakatulala lamang ako.
May ibang asawa na siya? The last time I checked hindi pa kami annulled.