Chapter 3

9 2 1
                                    

Isabelle's POV

It's monday and may pasok kami. Agad akong dumeretso sa CR para maligo. Si Tita ang always na naghahatid sa'kin sa school since malapit lang ito sa location ng business niya which is milktea shop.

I wore my school uniform, mini skirt ito at white blouse and then may necktie tapos may coat pa ito. Cute right? Well, HAHAHA.

After that, bumaba na'ko and dumeretso sa kusina. Nadatnan ko sila Tita at Dad don na nakaupo na.

Nung natapos nakong kumain,tapos na din si Tita.

"Honey, let's go?" asked tita. I don't know why honey ang tawag niya sa'kin, kahit si Dad. While me, tita parin hanggang ngayon HAHAHA.

Sa tapat ng school ako binaba ni Tita.

"Good morning Kuya!" bati ko kay kuya Guard.

"Good morning hija!" bati naman nito pabalik. Every morning, nakasanayan ko na siyang batiin ng goodmoring.

Pagpasok ko sa gate, andami ng students. Lahat sila ay kasama ang mga friends nila while me, nevermind HAHAHA.

Ako kasi yung tipo ng tao na hindi palakaibigan. Madami akong friends but I don't have best friends.

Si Kristine lang ang closest friends ko and cousin ko din. Sa ibang school siya nag-aaral pero malapit lang dito. We're on the same grade level, same age din.

Hindi ko namalayang nakarating na ako sa classroom namin. Pumasok ako agad pero wala pa yung subject teacher namin kaya nagbasa muna ako ng novel. By the way, Kristine is a writer pala and madami na siyang books na naipublish. She already published 3 books and may kopya ako sa mga book niya, syempre supportive bespren HAHAH.

"Goodmorning Class!"

Gulat akong napatingin sa harapan ng marinig ko ito. Nandiyan na pala yung English teacher namin, di ko napansin.

"How's your research? May nasimulan na ba kayo? May title na? Nakikicooperate ba lahat?" sunod-sunod na tanong niya.

"Maayos naman ma'am." my classmate answered.

"Maayos naman kung ganon. May meeting kami today so, maaga ang breaktime niyo. You may go home na din if you want but you need to come back later. May class kayo ng 12:30 PM. Ok? Goodbye everyone!" she said.

As usual, sobrang saya na naman ng mga classmates ko. Pero ako? Sobrang boring pag ganito. Wala akong ibang gagawin kundi magbasa at magkape HAHAHA.

I decided na pumunta nalang sa milktea shop ni Tita Janice kaya tinext ko agad siya para sunduin ako.

Sobrang boring kasi sa bahay. Walang tao don, si yaya lang. Tapos si Dad, nasa work. Kapag sa INFINITEA shop naman ako nag stay, wala din lang akong kasama. So, dun nalang kila Tita, atleast matutulungan ko pa sila.

Pumunta ako sa gate para dun na hintayin si tita. Wala kasi kaming driver since marunong naman kaming lahat na mag drive. Ayaw ngalang ako bilhan ni Dad ng car kasi I'm too young for it pa.

After 15 minutes of waiting, nandito na siya. Tahimik lang kami sa byahe, actually 10 minutes lang yon.

Hindi ako pinayagan ni Tita na tumulong kasi baka madumihan daw yung uniform ko, kahit may apron naman. Hayst, oa talaga si tita HAHAH, kaya nagbasa nalang ako sa office niya.

It's already 12:00 PM and 12:30 ang start ng science class namen. Agad akong nag-ayos at nagpahatid na kay tita. After 10 minutes, nakarating agad kami at dumeretso ako agad sa room namin.

Pagdating ko don, yung teacher ko nalang ang wala. Nagbasa nalang ako ng lesson namin kasi mahilig sa surprise quiz ang teacher namin.

After ilang minuto, dumating na siya.

"Good afternoon class. Today, sasabihin ko sa inyo yung pinagmeetingan namin kanina. So, our school will be having a quiz bee competition. Ms. Solmayor will be the representative of your class." sabi niya.

Gulat akong tumingin kay Sir Bernardo ng narinig ko iyon.

"Sir?" I asked.

"Hindi mo ba narinig Ms. Solmayor? Ang sabi ko, ikaw ang magiging representative ng class niyo sa quiz bee competition since ikaw ang pinakamatalino dito." sabi niya.

"Sir, she's not the most intelligent here." sabi ng bida bida kong kaklase na si Eunice na akala mo matalino pero hindi naman.

"Ms. Dela Cruz, may problema ba? Kung hindi siya, sino?" tanong ni sir.

"A-ako po." nauutal na sabi niya. Nagtawanan naman ang buong klase maliban sa'kin. Pero nakakatawa naman kasi siya, feeling maganda at feeling matalino. HAHAHA.

"Wow, I love your confidence." sagot ni sir na naging dahilan ng pagtawa ng lahat.

"Ok, let's continue. Ms. Solmayor, agree ka ba?"

"Ok sir, anong klaseng quiz bee po?" I asked.

"It's about Mathematics. Ang mananalo ay magiging representative ng school natin sa Eulogia Academy. So, Ms. Solmayor, nag agree kana. Proceed to the library at dun ka magready. The competition will be on Friday. Goodluck!"

"Thank you sir." Hayst. As usual, deretso na naman ako sa library at ilang araw na naman akong mag-i stay don. Asset kasi ako ng school namin. Ako ang palaging nilalaban sa contest.

Hindi ako nagreview sa library, nagbasa lang ako ng novels since may mga novels naman sa library. Hindi ko naman na din kailangang magreview dahil magaling naman ako sa Math.

I still have 3 days to review. Saka nalang pag Thursday na. HAHAH. Mahilig kasi ako sa word na BAHALA NA at mas prefer kong magrush dahil nakakatalino talaga ang deadline. (Huwag tularan.)

Nagring na ang bell, hudyat na ito na kailangan na naming umuwi. Lumabas ako sa gate at nandon na agad si Tita.

_

Author's note:

Thanks for reading! Enjoy!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Fell Inlove with a Coffee LoverWhere stories live. Discover now