Chapter 26

2 0 0
                                    


Zariana's PoV

Dahil natural na lampa si Steve, ilang beses siyang natisod at ako ang nakahabol kay Kristine. Nang makalapit ako kay Kristine, kahit na patuloy pa rin siya sa pagtakbo, ay mabilis kong hinila ang braso niya at sapilitang hinarap sa akin.

"Bitawan mo ako!" Hindi ako tinitignan ni Kristine pero pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko sa braso niya.

Hinawakan ko ang kabila niyang braso at pinilit ko siyang tumigil sa pagiging magaslaw niya. Mabuti na lang ay mas maliit siya ng onti sa akin at 'di hamak na mas malakas ako sa kaniya kaya napipigilan ko siya. "Kristine please huminahon ka muna." 

Sa oras na din na iyon ay naabutan na kami ni Steve na humawak sa kamay ni Kristine. "Kristine, hindi ka namin sinisisi okay? Huminahon ka muna at pag-usapan muna natin 'to."

Onti-onting huminahon si Kristine habang mataman na nakatingin kay Steve. Ang kaninang bumagal na agos ng luha ng Kristine ay onti-onti na namang bumilis hanggang sa madiin siya napapikit at napaupo sa kinatatayuan niya, pilit na tinatago ang mukha niya gamit ang kaniyang mga palad.

Dahil hindi na mahigpit ang hawak namin sa kaniya ni Steve ay naiwan kaming nakatayo. Nagkatinginan kami ni Steve at bakas sa mag mata at mukha namin ang pag-aalala para kay Kristine. Kahit nasa gitna kami ng hallway ay hindi kami nagdalawang-isip na tabihan si Kristine sa kinauupuan niya.

Sabay naming hinimas ni Steve ang likod ni Kristine, ingat na ingat kami para hindi lalong umiyak ang kaibigan namin. 

"Kristine. . ." Tawag ni Steve. "Alam namin na nahihirapan ka sa mga oras na iyon at hindi ka namin masisisi kung 'yon na lang ang sa tingin mo na daan para matulongan ang nanay mo." Tinigil ni Steve ang paghimas sa braso ni Kristine at naramdaman ko rin kung paano onti-onting huminahon si Kristine.

"Pero Kristine, sana simula ngayon ay malaman mo na nandito kami ni Zari bilang mga kaibigan mo. Alam ko na gipit rin kami pero handa naman ako na tulungan ka. Pwede naman kita pahiramin ng pera at tulungan na magpart-time job."

"Tama si Steve, Kristine. May naipon din naman ako at handa akong ipahiram sa'yo 'yon lalo na't wala naman akong pagkakagastusan n'on."

Tumagal ang ilang segundo bago makaimik si Kristine at mabagal na napatingin sa amin ni Steve. "Sorry, guys. . . sorry talaga. I'm really really sorry."

Pinunasan ni Steve ang luha ni Kristine. "Shh. . . okay na 'yon. Mas maganda kung hihingin mo ang kapatawaran ng buong klase dahil hindi ka lang naman sa amin nagkasala." 

Gustong-gusto ko pagsabihan si Kristine dahil kahit na may malalim na dahilan siya ay mali pa rin ang ginawa niya pero hindi ko magawa. Marahil dahil alam ko na alam niya na mali ang ginawa niya at hindi ko na kailangan pang sabihin ngayon.

Ganoon na talaga siguro kapag buhay na ng mahal mo sa buhay ang nakataya, kahit na alam mo na mali ang gagawin mo, itutuloy mo pa rin dahil 'di bale na kung ano ang mangyari basta ay maisalba mo ang buhay ng taong minamahal mo.

Ang nangyari na ito kay Kristine ang nagpapatunay na minsan, ang pera ay nakabibili ng kasiyahan dahil magiging masaya ka ba kung wala kang pangpagamot ng kapamilya mo? Magiging masaya ka ba kung wala na kayong makain? Magiging masaya ka ba kung hindi mo na mabibili ang kailangan mo para mabuhay? Hindi.

"Tara na." Aya ko sa kanila bago tumayo. Tinulungan pa namin na tumayo si Kristine dahil medyo wala pa siya sa wisyo.

Sana lang talaga ay maintindihan ng mga kaklase namin ang ginawa ni Kristine.


"MERRY CHRISTMAS!!!" Sabay-sabay naming itinaas ng mga ka-klase ko ang bote namin ng juice bago uminom mula doon.

Staying StrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon