Chapter 5

17 6 0
                                    


"Partly true but I'm looking for another and better answer." ani ng Club Moderator namin.

Ha? Mali 'yon?

"Mr. Jayvee, do you have another answer?" baling niya kay Jayvee.

Tinignan ko si Jayvee na biglang ngumisi at nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya. "Sipnayan," may pagmamalazki sa tono niya.

Sipnayan? Ngayon ko lang narinig 'yon ah.

"Correct! Jayvee will get the 1 point so that means he is the winner. Congratulations! You may now take your seats," matapos iyon sabihin ni Mr. Club Moderator ay bumalik na sila sa upuan.

Blangko ang mukha ni Jayvee nang makaupo siya na parang hindi nanalo kaya naman hinarap at kinausap ko siya. "Congrats Jayvee. Ang galing mo dun ah! Hindi ko nga alam yung term na sipnayan ta's ikaw alam mo? Ang galing mo!" masiglang ani ko.

"Thanks." maikling sagot niya.

Kumunot ang noo ko at saka bumulong. "Ang haba-haba no'ng sinabi ko tapos isang word lang 'yong sagot mo." umirap ako at saka tumingin sa harap. Hindi na talaga ako maniniwala kay Chale na mabait ang lalaki na ito.

Lumipas ang oras at natapos na ang tatlong pares na naglaban. Audition pa lang pero ang dami ko nang natutunan. Ibang way din pala ito ng pagtuturo. May mga times din na hindi alam ng dalawang contestant ang sagot kaya sinasabi na lang ni Mr. Club Moderator ang sagot at minsan ay kinailangan din ng tie breaker. Buti na lang at maraming baon na tanong si Mr. Club Moderator.

Muli akong napatingin kay Mr. Club Moderator nang bigla siyang magsalita. "Congratulations ulit sa mga nanalo at sorry sa mga natalo. Pero, lahat kayo ay nakapasok sa club na ito. Joke lang 'yong hindi matatanggap ang mga natalo. Anyway, bago kayo lumabas ay mag-fill-up kayo sa papel na ito bilang confirmation na dito na kayo papasok. See you next meeting," bumalik siya sa upuan niya pero muli niyang kinuha ang atensyon namin. "By the way, I'm Mr. Marvin Aveo, your club moderator. You can call me Sir Marvin."

Sabay sabay kaming tumayo at nag-fill-up sa papel na pinakita ni Sir Marvin. Matapos noon ay napagdesisyonan namin ni Jayvee na sabay na umuwi. Napag-isipan din naman ng barkada na dumeretso na lang ng uwi since kasama na namin 'yung kasabay namin sa pag-uwi.

Ilang metro pa lang ang layo ko sa pinto ng club namin ay napatigil ako dahil may biglang humawak ng palapulsuhan ko. Napatigil din si Jayvee ilang segundo matapos akong tumigil sa paglalakad.

Nilingon ko ang kamay na may hawak ng palapulsuhan ko. Dahan dahan kong itinaas ang aking paningin upang malaman kung sino ang may-ari ng kamay na iyon.

Si Clarence.

Awtomatikong napataas ang kilay ko.

"Mag-usap tayo," aniya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam pero sandaling iyon ay nakita ko ang kagwapuhan niya. Ngayon ko lang nakita ang mga mata niyang parang pambabae na aakalain mong naglagay ng wing eyeliner. Jet black pa ang kulay na parang nangungusap.

Bumalik ako sa katotohanan nang may biglang humawak sa kabilang braso ko.

Nilingon ko ang humawak sa balikat ko. Si Jayvee na nakatingin kay Clarence.

"Bawal. Uuwi na kami. Tara na, Zari." yaya sa akin ni Jayvee sabay hatak sa braso ko pero di pa rin niya ako nahila dahil hawak ni Clarense ang kabilang braso ko.

Sinamaan ni Clarence ang tingin niya kay Jayvee. "Huwag ka sumabat. Hindi kita kinakausap."

Nilingon ni Jayvee si Clarence kasabay noon ay ang pagtiim ang bagang niya at hindi na lang summagot. Sobrang kunot na rin ng noo niya.

Staying StrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon