Chapter 11

3.4K 185 12
                                    

Princess Roh Morantha came from a noble family of the Moranthas who supported and served the king for the last three decades. Isa sa mga ministro ng kaharian ang ama ng dalaga. Bunso ito sa tatlong magkakapatid at nagtapos ng pag-aaral sa America. Naging bahagi ng elite delta force ng US Army sa nakalipas na dalawang taon at nanalo sa national pageant ng Mauritius. Ngunit tinanggihan nito ang pagkakataong sumali sa malakihang patimpalak sa buong mundo dahil mas pinili ang pumasok sa harem ng prinsepe.

Ang mga impormasyong iyon ay ilan lang sa mababasa sa newsletter na ikinalat sa buong Afro Ragenei para ipapakilala ang nakatakdang crown princess ng kaharian. Kanina pa iyon paulit-ulit na tinitingnan ni Yvonne at paulit-ulit din siyang namamangha na lang sa ganda ng prinsesa na nakapaskil sa front page ng newsletter.

Ibinaba niya ang pahayagan at inayos ang painting materials sa ibabaw ng mesa habang pasulyap-sulyap sa hubad na prinsepeng nakalapat sa canvass. Nilapitan niya iyon at may pag-aatubiling hinaplos. Wala siyang oras para mag-inarte at indahin ang kumikirot na bahagi ng kanyang puso. Kokompletuhin lang niya ang mga kailangan para sa unang volume ng royal gallery tapos ay uuwi na siya ng Pilipinas.

Tinakpan niya ang painting ng pulang linen at binalikan ang belt bag niya sa mesa. Sinilip niya ang sarili sa dalang compact mirror. Tiningnan kung maayos pa rin ang buhok na tinali niya ng high ponytail. Nag-retouch siya ng face powder at lip balm.

"You will be waiting Lady Roh at the ball garden, Ms. Yvonne." Rana, one of the queen's lady bodyguards met her outside the studio.

"Good morning," bati niyang sinikap mapasigla ang boses. Isa siya sa mga napiling maging personal assistant ng prinsesa habang nandito pa siya sa Ragenei. Pabor na rin sa kanya iyon para makapunta siya sa iba't ibang lugar dito. Isa kasi sa assignment niya ang samahan sa mga lakad si Princess Roh.

Hinatid siya ni Rana sa ball garden. May tatlong fountains doon na animo'y sunflower na namumukadkad. Napapaligiran ng makukulay na mga bulaklak at pinuputakti ng mga paru-paro. May tatlong swing na may pinturang puti at ginto ang mga kadena. Ang tubig mula sa tatlong fountains ay dumadaloy at nagtatagpo sa pabilog na pool na nasa gitna.

Ang garden na iyon ay para lang daw sa prinsesa at walang ibang pwedeng pumasok, maliban siguro sa kanya na personal assistant at mga personal na dama nito. Naglakad-lakad siya sa gilid ng pool. Hinubad ang suot na puting wedge sandals at nililis hanggang sa gitna ng binti ang pantalon ng jumpsuit. Naupo siya at hinulog ang mga paa sa tubig. Ikinampay-kampay.

Nag-vibrate ang cellphone na nasa loob ng belt bag niya kasunod ang notification music ng tawag. Kinapa niya iyon at sinilip. Ang kanyang ama.

"Daddy?" naninikip ang dibdib niyang sagot. Pero hanggang doon lang dahil hindi niya pwedeng sabihin ang kanyang pinagdadaanan ngayon.

"Anak, kumusta ka na?" medyo tensiyonado ang boses ni Johan.

"Okay lang po ako. Kayo po ni Mommy, kumusta?" Nahinto ang mga paa niya sa paglikot.

"We're good. Nakauwi na ang kapatid mo. Nagalit sa amin."

"Tatawag po ako ulit mamaya para kausapin siya. May lakad pa kasi kami."

"Baka puntahan ka niya riyan at i-uwi rito."

Lalong bumigat ang pakiramdam niya. "Uuwi po kami riyan ng prinsepe, Daddy. May sasabihin kami sa inyo."

O, baka makabubuting hindi na lang niya isasama si Raxiine. Kaya naman niyang magpaliwanag mag-isa sa mga magulang at sa kapatid. Hindi rin kailangang malaman ng mga ito ang tungkol sa nangyari sa kanila ng prinsepe.

***
Tumama sa gitna ng heavy bag ang malakas na sipa ni Raxiine at kasabay ng pagsabog ay umuga ang bakal kungsaan nakatanim ang malalaking kadena. Pinigil niya sa kamay ang pagpalo ng bag pabalik sa kanya at inabot ang water jug sa sahig. Inubos ang tubig na laman.

NS 14: PRINCE IN COLD ARMOR ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon