CHAPTER 12

2 1 0
                                    

CHAPTER 12:JEALOUS?

ASHLEY'S POV

"Oy ate ash kanina kapa tulala,di mo pa nagagalaw yang pagkain mo"

Nabalik ako sa reyalidad ng nag salita si ash
Tipid na ngiti lang ang ginawad ko dito saka dahang dahang kinain ang spaghetting inorder nya kanina
Di naman ako malungkot pero bat ang bigat ng nararamdaman ko
Gusto ko na ba talaga sya?arshh ano ba sya di kayo pwede

Napasabunot ako sa sarili
"Hoy ate ash nababaliw kana ba?"may halong pag alalang saad ni trisha

"Wala ok lang ako"mahinang saad ko dito tinapos ang pag kain saka lumabas ng cafeteria saka dumiretso sa classroom

Natapos ang buong klase lutang na lutang pa din ako

"Ate ash sayo daw ako sasabay pa uwi hehe di ba nasabi ni tita sayo?"

"Na?Ano?"

"Dun muna ako mag sstay sa inyo mga 1month kasi wala sila mommy,nasa canada eh pinuntahan sila lola"saad nito kaya naman napatango tango ako

"Ano pang hinihintay mo?pasko?bilis sakay na"naasar na sambit ko dito kanina pa kasi nakatulala
Gaya gaya

"Good afternoon tita"bungad nito kay mommy saka nakipag beso

"Afternoon mom"saad ko saka bumeso din dito

"Anong nakain mo at bumeso ka saken ha?"mataray na saad ni mama kaya inirapan ko ito

"Mabait ako ngayon kaya pasalamat ka"mataray ding saad ko dito
Tinawanan lang ako nito

"Good mood siguro to kaya ganito ugali nito"

"Ts"

"Trish punta kana lang sa kwarto ko mamaya"saad ko kay trisha na lamon lamon ng cake na ginawa ni mommy

Patay gutom talaga

Pag pasok ko ng kwarto agad akong humiga sa kama
Nakaramdam nanaman ako ng kirot
Wtf bat koba nararamdaman to

"Di na ko kakain,makatulog ka nga"

---------------------------------------------
Nagising ako dahil sa araw na tumama sa mukha ko
Ewan pero kakaiba ang araw na to parang may masamang mangyayari
Di ko na lang ito pinansin saka dumiretso sa banyo para maligo

"Good morning"matamlay bungad ko ng makalabas ako ng kwarto

"Oh bat ang tamlay mo?HAHAHA"kuya

"Ts,si trisha?"

"Kanina pa umalis may pupuntahan daw"

"Kain kana baka malate kapa"

"Kkkkkk"

Pag katapos kong kumain agad akong sumakay sa kotse ko saka nag drive papuntang school

Pag baba ko puro tilian nanaman ang naririnig ko pero hindi na kagaya kahapon

"Wahh bagay na bagay talaga sila"

"King and queen"

"Nag comeback ba sila?"

"Loh tignan mo magkaholding hands sila"

"Kyaahhh nakakakilig"

Kanya kanya nilang bulungan
Tinignan ko kung saan sila naka tingin
Pag lingon ko

Saktong magtama ang mata naming dalawa ni ace
Ako na yung umiwas tinignan ko ulit ngunit sa iba na ang tingin nya
Naglalakad sila nung babaeng clown kahapon ng magkahawak ang kamay

THAT KING IS MY ENEMY[COMPLETED]Where stories live. Discover now