Nakadungaw ako sa aking bintana habang nag iisip isipTanga ba ako para pakawalan ang taong minahal ko ng lubusan at ang taong walang ginawa kundi pasayahin ako
" please sabihin mong mahal mo ako" sabi ni Daniel habang kaharap namin ang magulang niya na nagbanta sa akin na sasaktan ang aking magulang kung di ko pa lalayuan si Daniel
" sorry Daniel pinaglaruan lang kita" sabi ko at tumakbo na habang umiiyak
" anak sorry dahil wala manlang akong nagawa para sa pag iibigan niyo ni christian" rinig kong sabi ni mama kaya nabalik ako sa realidad
Nginitian ko lang siya ng mapait
" babe saan tayo?" Tanong ng babae na kasama ni Daniel habang nakakapit sa braso niya
" sa bahay nalang namin babe" sabi ni Daniel at nakipagmata sa akin saglit at tuluyan ng umalis
Ito ay dalawang taon ng nakalipas pero hanggang ngayon di ko pa din siya nakakalimutan
Nakapagtapos na ako at naging comlaude siguro dahil na din binuhos ko lahat ng atensyon ko sa aking pag aaral
" anak may envelope diyan sa baba di ko muna binuksan dahil para sayo yata yun" sabi ni mama kaya tumayo na ako at lumabas na ng kwarto
At nagpunta sa salas para tignan ang envelope
Kulay green ito at ito ang paborito naming kulay ni Daniel
Pagbukas ko nito bumulaga sa akin ang litrato ni Daniel habang nakaakbay sa babaeng nakita kong kasama niya dati
Naluha ako dahil sa sakit na aking nararamdaman
Naiingit ako sa papakasalan niyang babae
Ang dating sa akin sa kanya na
Napapaisip tuloy ako kung di ba ako nagpatinag sa banta ng magulang niya ako kaya ang aalukin niyang papakasalan at ako din kaya ang kasama niya dito sa litrato
Sinabi sa akin ng magulang niya na hindi daw kami bagay ni Daniel dahil na sa mahirap kami
Naasar din ako hindi dahil mahirap kami kundi ang pang aasar niya sa katayuan namin sa buhay
Ang balak ko sana ay makapag tapos ako at makahanap ng magandang trabaho which is nagawa ko na at masasabi ko na ngayon na nagtagumpay na kami sa buhay dahil mayaman na din kami ngayon pero ng pupuntahan ko na sana siya sa bahay nila para makipag balikan
Pero huli na yata ako dahil meron na siyang ibaAt ngayon magpapakasal na sila
" ma sa tingin mo maganda bang ideya na pumunta ako sa kasal ni Daniel bukas ng umaga?" Tanong ko kay mama habang nagbabasa siya ng libro
" si Daniel magpapakasal na?" Gulat na tanong ni mama
Parang mas nagulat pa siya kaysa sa akin pero sige pagbigyan na natin kahit ngayon lang
" opo ma" sabi ko at kinagat ang aking lower lips para mapigilan ang pag iyak ko
" ikaw ba anak kung anong gusto mo?? Kaya mo naba siyang harapin ?? Pag ako siguro ang nasa sitwasyon mo ngayon pupunta nalang ako para makapag paalam na din at pag katapos limutin mo na ang lahat mahirap pero kailangan mo yun anak . Pag isipan mo yang mabuti may ilang oras kapa naman para makapag isip" sabi ni mama
Napatango nalang ako at tumitig nalang sa envelope ulit na nasa lamesa
Pupunta ba ako??
Kaya ko naba siyang harapin ulit??

BINABASA MO ANG
Mali nga ba?[kathniel](oneshot)
Fiksi RemajaMali bang pakawalan ang taong minahal mo ng lubusan at taong walang ibang ginawa kundi ipadama sayo kung kagano ka niya kamahal Mali nga ba??