章 8

78 7 0
                                    


"Congratulations, 3XA! You will proceed to the next bracket!"


I smiled and sighed as I heard that, we won for the first match! My teammates stood up and hugged each other as they heard the announcement, I slowly stood up and just smiled at them. I'm really happy that we won! My eyes widened when they hugged me, they include me...


"Panalo tayo, Ethan! Hindi ka ba masaya?!" Matthew shouted while messing my hair.


"I'm.... I'm happy." I awkwardly smiled a bit.


"Ganon lang, maganda 'yong strategy natin!" Cleo told us after that hug. "Ang angas ng galawan, magaling! Dapat ganon tayo hanggang makaabot tayo sa finals!" He shook his head and clapped his hand.


"Maniwala ka lang, makakaabot tayo! Promise! Walang wala 'yan sila!" Riane whispered and laughed a bit. 


"Wag kang mayabang, baka bumaliktad tayo sa Friday!" Cleo tapped his head softly, pabiro lang naman.


"So, san tayo ngayon? Boot camp? Celebrate?" Jo suddenly asked while holding on my shoulder and Cleo's shoulder. Naka-tiptoe kasi siya, para maabot niya kami. Nakakatawa lang kung titingnan.


"Pwede naman! Kaso, may laro pa kami mamaya." Riane said.


"Ay, oo nga pala. Gago, magkalaban tayo don sa basketball e." Matthew laughed a bit. "Humanda ka na, tataob ka na naman Phoenix Riane bano!" Malakas niyang sabi, malapit pa sa tainga ni Riane.


"Alam mo, Matthew Abel, ikaw lang naman 'yong bano sa pinakabano." Riane shotback.


"Alam niyo, kakain na muna kami habang breaktime pa. Tara na, Ethan." Jo pulled my arm and pulled me outside the auditorium. "Ano gusto mo kainin? Noodles ulit?" She asked.


I don't know why she's being caring... Ewan ko, siguro ganiyan talaga sila, hindi lang ako sanay.


"No." I told her right away and passed by her. Nauna na 'kong maglakad papuntang canteen, nang tumingin ako sa likod ko, wala na siya kaya hinayaan ko na lang.


When I finally bought our food, I find a seat para sa aming lima. Hindi ko alam kung kakain 'yong tatlo, okay nang sobra wag lang kulang. Para sigurado na rin. Kaming dalawa lang ni Jo ang binilhan ko ng pagkain, hindi ko naman kasi sigurado kung kakain sila.


"Siya 'yong player nung nanalo diba?" Rinig ko sa kabilang table ng puro babae, I glanced at them but they looked away when our eyes met.


"Oo, kela Cleo. Hindi ko alam kung magaling siya since pinakababa siya, buti na lang kinuha siya nila Cleo. Nabuhat pa." The other girl said, she even laughed.


"He's an outcast, alam ko." The other girl chuckled.


I sighed while calming down myself. I was also controlling my anger, I don't want to make a scene here. Ayaw kong mapasama pa, nananahimik na nga 'ko rito, pinag-uusapan pa rin ako.

Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon