"Nanay bili na po kayo nitong cupcake 15 pesos lang po ang isa."
"Ikaw talagang bata ka ang sipag mo talaga sana namana ng anak ko ang kasipagan mo."
"naku hindi naman po nay, talagang gipit lang po kaya pinapatos ko na ang paglalako." nakangite kung saad kay Nanay Berta matapos ko itong alukan ng aking panindang Cupcakes
Si Nanay Berta ay isa kong regular na bumibili ng Cupcakes para sa bunso niyang anak na may kaliitan pa.
" sige apat sa akin yung strawberry ang flavor."
Ngumite ako kay nanay Berta bago ibinigay ang kanyang binili.
Nagpasalamat muna ako bago umalis at sunod na pinuntahan ang isa pang lugar na alam kung hindi matitiis itong Cupcake ko.
Ilang minuto lang ang inilakad ko at natanaw ko na ang hindi kalakihang Basketball court ng Barangay namin.
Napangite ako ng makita na may laro ngayon, sakto mauubos na naman itong paninda ko.
Mabilis akong naglakad roon at umupo sa may pinakamalapit na upuan at inilatag ang paninda ko. Marami-rami rin ang taong nanonood lalo na't hapon na.
"Ang paborito ko bang Cupcakes iyan Gaiza ?"
" Ayy ikaw pala Bryle, huwag kang mag alala ang paborito mo ito."
" Sige, give me 2 pieces yung chocolate flavor."
"sure."
Inilagay ko ito sa plastic at ibinigay sa kanya. Nagpupunas pa siya non ng pawis habang inabot ang Cupcakes.
Break time na pala ng laro. Isa-isa akong nilapitan ng mg Basketball Player ng kabarangay namin at bumili ng paninda ko. Hindi naman ako nahiya pagkat mga kilala ko na silang lahat at regular rin silang bumibili sa akin kapag nagtitinda ako.
But among of them Bryle is the most closest to me dahil siguro sa nagtatrahaho kami ni Mama sa Hacienda nila dito sa Bulacan.
Bryle family is the most wealthy and prominent here in our place at nag mamay-ari sila ng ekta-ektaryang kalupaan at malaking Hacienda ng mga Kabayo. Though I know hindi naman totally pamilya niya ang may-ari kundi ang kapatid ng mama niya na si Don Juanito Dreek.
Napakurap ako ng ilang beses ng may lumapit sa aking Basketball player na hindi pamilya sa akin. Thise is the first time I saw him here.
" Give me 5 pieces of Cupcakes, Strawberry Flavor." Walang ekspresyong na saad nito sakin na hindi manlang ako tiningnan sa mukha.
Medyo napatanga pa ako pagkat nalula ako sa kakaibang dating ng lalaking na sa harapan ko. Kung gwapo si Bryle mas lamang ang lalaking nasa harapan ko at masasabi kung mas mataas ito sa kanya.
Buti nalang at bumalik agad ako sa sariling huwisyo at ibinigay ang cupcakes na gusto niya.
"Marami ata yan Drix kung hindi mo maubos bigay mo lang sa akin." singit ni Bryle sa katahimikan.
" You know him? Bulong ko kay Bryle.
" of course, Pinsan ito nga pala si Gaizarina Soriano, and Gaiz pinsan ko he is Hal-."
" Call me Drix. " singit ng lalaking nasa harap ko at hindi manlang pinatapos mag salita si Bryle. Ang lamig rin ng boses niya na para bang wala siyang pakialam sa taong ipinapakilala sa kanya ni Bryle.
" Pinsan mo pala Bryle?"
" Yeah, he is tito Juanito elder son, usually sa Manila siya nalalagi at nag bakasyon lang dito. "
Tumango-tango ako sa sinabi ni Bryle at itinago ang mangha sa mukha na mapagtanto na anak siya ni Don Juan. Kaya pala umaangat sa kagwapuhan ang lalaking to laking Manila pala. Nahiya naman ang balat ko sa kanya.
YOU ARE READING
CHASE
HumorI'll go there." May kasiguraduhang saad ni Haldrix bago ito tumayo at kinuha ang mamahaling coat na prenting nakalagay sa couch. " Hey relax, at anong gagawin mo doon?" saway ni Luca. "I'll make sure to know who baked it, and make her mine." walang...