DAHAN-dahan kong tinurukan ng gamot ang bagong silang na kabayo matapos ko itong pakalmahin at padedehin sa ina nito.
"You love horses?" nawala ang atensyon ko sa kabayo ng marinig magsalita ang lalaking nakadungaw sa akin ngayon dito sa kulungan ng mga kabayo.
Nakalimutan ko kasama ko pa pala ang lalaking to.
"Not really I'm just fond of them." sagot ko nalang sa kanya.
"You know how to ride horses?"
"Hindi sa ganon, ngunit marunong rin naman"
Tumango-tango ito ngunit hindi ko na narinig na mag salita. Hindi ko nalang siya pinansin at pinakain ang bagong panganak na kabayo.
Nang matapos ako ay lumabas na ako ng kulungan nito.
Drix handed me a black towel na agad ko rin namang tinanggap, hindi na ako nag inarte since alam kong pawis na pawis na ako.
"You didn't accept my help, you know I can share a sweat with you."
"trabaho ko to kaya huwag kang mangialam." mataray kong sagot sa kanya.
" Wala ka na bang gagawin?" napatingin ako sa kanya ng mag tanong ulit ito. Nakakamangha kung paano niya bigkasin ang salitang tagalog. May British accent siya na bumagay lang sa kanya.
It suits him better mas lalong nadedepina ang pagkagwapo niya.
Gwapo naman talaga siya at hindi ko iyon tinatanggi ngunit hindi ko iyon sasabihin lalo na at alam kung ngingisihan lang ako nito ng malapad.
"Meron pa, mag babake ng cupcakes at ilalako sa Barangay natin." hindi nakatinging saad ko sa kanya.
I heard his tsk-ed na kinibit balikat ko nalang para kasi siyang galit.
" Can I buy it all so that you don't need to broadcast it in many people here?"
"Hindi mo pweding gawin yun sir. At kung bibilhin mo lahat sinong kakain? Alam ko namang hindi mo iyon kayang ubusin."
"Try me sweetie." seryosong saad niya sa akin na ikinaiwas ko ng tingin.
"Ahm uuwi na ako para mag bake." saad ko nalang sa kanya bago binalingan ang mga kagamitan ko.
Nasaan ba kasi si Bryle? Gagong lalaki naiipit tuloy ako sa lalaking nakamasid sa akin ngayon.
"Can I go with you? Titingin lang paano ka mag bake promise I'll behave."
Nadinig ko ang seryoso ngunit umaasa niyang tinig. Wala naman sigurong masama kung isasama ko siya sa bahay.
"Promise you won't tease me? Paniniguradong tanong ko sa kanya.
" I promise. "
Nag thumbs up ako sa kanya bago tinapos ang pagliligpit saka siya sinabihang sundan ako sa paglalakad.
Medyo naiilang pa nga ako kasi magkasabay kaming naglalakad habang dala niya ang mga gamit ko. He insisted to carry it kahit na ayaw ko mapilit eh.
Binuksan ko ang gate na gawa sa kahoy na hanggang balikat at nilakihan ito ng bukas para makapasok siya.
"Is this your place?" namamangha niyang tanong.
"Oo maliit diba kaya alis ka na alam ko namang hindi ka sanay sa baro-barong bahay."
" Do I look like I don't like it? Your house is pretty cute but refreshing with this perfect landscape of Garden surrounding it."
Napangite naman ako sa sinabi niya. Marunong palang humanga ang lalaking to.

YOU ARE READING
CHASE
HumorI'll go there." May kasiguraduhang saad ni Haldrix bago ito tumayo at kinuha ang mamahaling coat na prenting nakalagay sa couch. " Hey relax, at anong gagawin mo doon?" saway ni Luca. "I'll make sure to know who baked it, and make her mine." walang...