His Side
"A boy and a girl can never be just friends forever "
-Shakespeare
Naaala mo pa ba 'to? Yung quote na galing kay Shakespeare na isa sa mga idol mo. Sayo ko yan unang nalaman pero sinabi mo din sakin na hindi ka naniniwala dyan. Tayo ang patunay sabi mo nga. Natatawa pa nga ako noon sayo, dahil sabi mo forever Bestfriends tayo. Nakisakay ako, pero ang totoo isa ko sa mga taong naniniwala dito.
Forever BESTFRIEND. Hanggang doon na nga lang ba tayo???
Tatlong taon. Ang bilis pala talaga ng panahon. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng noong mangyari 'yon.
Dito. Dito 'yon nangyari. Dito sa kinatatayuan ko ngayon. Dito sa hallway na 'to.
First year college tayo noon. Parehong nagmamadali dahil pareho na tayong huli sa kanya-kanyang klase. At dahil sa pagmamadali nagkabungguan tuloy tayo.
"S-sorry... miss di ko sinasadya. Nagmamadali na a-ako, pa-pasensya na t-talaga."
'Yan ang mga salitang binitiwan ko sayo noon. Gusto kitang tulungan noon pero sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang akong kinabahan.
Nagulat pa nga ako. Dahil ikaw. Ikaw pala yung babaeng nakabunguan ko noon. Ikaw yung babae na 'yon. Yung babaeng matagal ko ng tinitingnan kahit na sa malayuan. Yung babae na lagi kong palihim na kinukuhanan ng mga pictures noon.
Photojournalist ako ng Yunn Academy . Seminar namin noon nung una kitang nakita. Kumukuha ko noon ng mga litrato ng hindi sinasadya ay nasama ka pala sa anggulo na nakuhanan ko. Nakakatawa dahil alam mo bang dito rin yon sa hallway na'to.
Simula noong pangayayari na yon lagi na kitang palihim na kinukuhanan ng mga pictures. Hindi ko alam, pero naaaliw ako sa mga stolen shots mo. Simple ka lang, pero sa bawat litratong kuha ko, kahit saang anggulo tingnan, ang ganda ganda mo.
Kaya nung nagkabungguan tayo nakakabakla mang pakinggan pero naisip ko na marahil ay pinagtagpo tayo ng tadhana. Tadhana. Tadhana nga kayang maituturing 'to???
Nalaglag lahat ng libro mong hawak. Hindi kita natulungan dahil kinakabahan ako. Hindi kita matingnan ng diretso. Ni sa pagsasalita nga lang noon ay nauutal pa ako. Kaya wala akong nagawa kung hindi iwan kang nagpupulot na mag isa.
"Hoy! Mister na walang modo. Nakakabwisit ka! Feel mo naman ang gwapo gwapo mo! Madapa ka sana!!!"
Sinigaw mo yan sakin habang ako'y patuloy na tumatakbo. Nagalit ka yata sakin. Sh*t! Wala pa naman na turn off ka na siguro. Wala na nga yata talaga kong pag-asasayo.
Akala ko wala na tayong pag-asa na magkakilala. Pero mali. Mali pala, dahil naging kaibigan kita. Naging magbestfriends pa nga tayo.
Tatlong taon. Ang dami kong naturo sayo na puro kalokohan. Naaalala mo pa ba 'yon? Nagcutting classes tayo. Pumunta tayo ng Walter at bente pesos lang ang binayad natin sa jeep noon. Bente pesos. Bente pesos ang pamasahe bawat isa. Pero sa bente pesos na binayad natin na 'yon ay hati pa tayong dalawa. Nakakatawa. Para na din kitang tinuruang mag123 dahil doon.
Tatlong taon. Sa tatlong taon na 'yon puro kalokohan lang ang naituro ko sa'yo. Pero sa kabila ng mga kalokohang yon ang daming magagandang bagay na natutunan ko dahil sayo. Pati ang bagay na 'to sayo ko nalaman. Natuto kong magmahal ng totoo dahil sayo.
Kaya natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw magising na lang ako na wala ka na. Na wala na ang bestfriend ko. Na baka di ko na kayanin tong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Manhid Ka Ba? (One Shot)
Short StoryIsang istorya na mula na naman sa kathang isip ng loka-lokang author. XD A friendship love story. Dalawang magkaibigan. Si babae at si lalaki nagkainlove'an. Kaso... kaso nga... Kasi naman ye, magbestfriends nga lang sila. Kaya ayun! Booooom. Palaka...