Oha. Oha. Haha. May story na naman ako. Mehehe. ^^ Tunay na one shot po ito. Sana magustuhan niyooo. :D
Eto naaaa!
CrossinitySiel's first one shot story presents...
"MahalKita,Manhid Ka Ba?"
Choss. May ganito ganito pa! XD Sabi ko nga e, eto na po yung istorya... :))
——-
Her Side
"A boy and a girl can never be just friends forever "
-Shakespeare
Masaya. Masaya magkaroon ng lalaking kaibigan. May taong magtatanggol sayo. Lagi kang po'protektahan. Lagi mo siyang maasahan. Lagi kang may matatakbuhan.
Kaya nga kapag may nanloko sakin, o kaya pinaiyak ako... Hala sige lagot ka sa kamao ng bestfriend ko!
Kaya...
Isa...
Dalawa..
Tatlo...
Takboooo!
"Bestfriend!!!!!!!!!!" Sigaw ko sa kanya habang patakbong naglalakad sa hallway.
"Loko. Pagod na pagod na ko. Ang sama mo. Di mo man lang ako hinintay..." saka sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Haha ikaw talaga. Hm. Paano ba naman kasi masyado kang mahinhin" sagot niya at tumatawa-tawa pa.
"Hm at talagang natatawa ka pa a. Huh?! Utut mong blue. Ganyan ka naman talaga e. Basta basta na lang nang-iiwan."
"Uyy. Tampo na siya niyan. Nagtatampururot na naman po ang bestfriend ko! Haha" Sigaw niya saka tinusok tusok niya ang tagiliran ko.
Tatlong taon. Tatlong taon na tayong ganito. Tatlong taon na tayong magbestfriend..
Dati iniisip ko lang, kung ano kayang pakiramdam ng may boy bestfriend?
Pero sa di ko inaasahang panahon malalaman ko pala yung pakiramdam na tulad nito. Pakiramdam na may lalaki kang kaibigan. Yung pakiramdam na 'to.. Yung pakiramdam na nararanasan ko ngayon ng dahil sayo...
Dati akala ko, parang ang awkward sa isang sitwasyon, na ang isang babae at lalaki ay magkaibigan.
Malaki kasi ang pagkakaiba naming mga babae kumpara sa inyong mga lalaki. Isipin mo na lang sa bawat paghampas ko sayo sa tuwing kinikilig ako, e baka mapuno ka na at suntukin na lang ako. Isa pa, maaari ko bang sabihin sayo na 'Uy, bestfriend tara sa Cr. Meron ako ngayon samahan mo naman ako.' Hindi di ba? Dahil tanging mga babae lamang ang nagkakaintindihan sa mga iilang bagay.
Kung sakaling magkakaroon nga ako ng boy bestfriend isa lang ang tumatakbo sa isip ko... Satingin ko siguro super hirap ng sitwasyong ganun.
Pero mali pala. Kahit papaano kasi masaya kahit na sa kabilang banda masakit din pala..
Tatlong taon. Ikaw lang yung palagi nandyan. Yung taong laging nasa tabi ko. Kapag alam mong may problema ako, agad mo kong pupuntahan para damayan. O kaya sa tuwing alam mong umiiyak ako, takbo ka agad para lang ako'y mapatahan. Ang sarap. Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ka ng lalaking kaibigan.
Tatlong taon. Grabe ang tagal na din pala buhat ng tayong dalawa ay magkakilala. Naaala mo pa ba 'yon? Dito din sa dinadaanan nating hallway tayo nagkakilala..
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Manhid Ka Ba? (One Shot)
Historia CortaIsang istorya na mula na naman sa kathang isip ng loka-lokang author. XD A friendship love story. Dalawang magkaibigan. Si babae at si lalaki nagkainlove'an. Kaso... kaso nga... Kasi naman ye, magbestfriends nga lang sila. Kaya ayun! Booooom. Palaka...