04

5 0 0
                                    

     “Anong nangyari? Nag- CR lang ako sandali ah.”

Naabutan kong parang pinapakalma nila Aly si Alvin. Mukha syang napaaway, katulad ng ang sabi ni Ranna. Kakabalik lang namin galing sa restroom, kung saan ako nagpa picture kay Royce.

      “Ah, kasi may pilit sumisingit sa pila. Alam mo naman si Alvin, mainitin ang ulo kaya ayan, muntik na mapaaway. Anyway, bakit ang tagal mo? Sabi mo restroom lang, malapit lang naman ang restroom.” Si Mitch ang sumagot.

Tinanguan ko lang ang sagot nya at napangiti.

        “Nakita ko si Royce.” Kinikilig pa na sabi ko.

Napanganga si Mitch habang napatingin naman sa'kin ang ibang naming kasama, katulad na nila Alvin na malapit lang din sa'min. Parang di pa sila naniniwala kaya naman inilabas ko ang cellphone ko.

        “Here, look.” Sabi ko at binuksan ang gallery kung saan nandoon ang pictures namin kanina na si Ranna ang kumuha. Sa loob kami ng banyo nag- ‘picture taking' dahil baka may makakita kay Royce sa labas kung tatanggalin nya ang mask nya. Tutal ay wala namang tao sa loob.

Nasabi ko ba na ang daming arte ni Ranna sa pagkuha ng picture?

And you wouldn’t imagine what the pictures look like!

The first pic was a simple one. Nakatayo kaming magkatabi habang simpleng nakangiti sa camera. The second one, as usual, we had the akbay pose. From the third photo to the last, mukha na kaming nag- photoshoot ng brand for teen couples!

         “Don’t be awkward! Isipin nyo nalang na matagal na kayong magkakilala, magjowa, rather. Make it look like a magazine photoshoot!”

I can still remember Ranna's words. And I can’t believe that I obeyed her!

Pinag- pose nya kami ng magkaharap at magkahawak ang kamay. Simple lang naman ‘yon pero nakakahiya kay Royce! Humingi lang naman ako ng picture together as a fan pero walanghiya si Ranna! Well, I'm not complaining tho, I'm just ashamed. Nakakahiya talaga.

Inulan ako ng asar ng mga kaklase ko ng makita nila yung mga puctures. Si Ranna naman ay pangisi ngisi lang sa gedli, nage- enjoy pa si gaga. May pa- ‘Well, well' pang nalalaman. Proud na proud.

Pumasok na kami sa sinehan ng magsimula na ang palabas. Pinili namin ang side na medyo mataas sa bandang gitna. Hindi kami sa pinakadulo sa taas pumwesto dahil baka mapagkamalan kaming… alam nyo na.

Romantic – comedy ang pinanood naming palabas kaya naman naka- relate ang lahat. Hindi namin kasi KJ ang mga boys sa klase namin na feeling malakas. Marunong silang makisakay sa trip ng mga girls, at higit sa lahat, marunong silang makisama.

So far, masaya ang araw na ‘to. Sobrang nag- enjoy ako na makasama sa ganitong klase ng senaryo ang mga kaklase ko, dahil hindi naman namin alam, malay mo kung huling pagkikita na pala ng iba sa'min ang araw na ‘to?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Be One With The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon