Prologue

6 1 0
                                    


"Matagal kong pinangarap na maabot ko 'to, kung nasaan man ako ngayon. Pinangarap ko na maging isang bituin, katulad mo. Kasi naisip ko na... baka pag magkasing lebel na tayo, baka pwede na. Baka gusto mo na din ako." Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Alam ko sa sarili ko na mukha na 'kong kaawa awa ngayon. Pero anong magagawa ko? Kailangan.

"Cas, please. Sana maintindihan mo. H-hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. May mahal akong iba. Mahal ko si Rei, please. 'Wag mo naman akong pahirapan ng gan'to," nakikita ko ang awa sa kanyang mga mata.

Napayuko nalang ako, hinayaan ang luha ko na tumulo ang luha ko. Bakit? Bakit hindi nalang ako?

Unti-unti kong kinalma ang sarili ko. Pinunasan ko ang mga mata ko, saka ako dahan-dahan nag-angat ng tingin.

"Alam ko naman 'yon, Khel. Pero okay na din siguro 'to... okay na din ako na nagsabi ka agad. At least, ngayon, hindi na ako aasa pa sa kung ano. Salamat.."

Unti-unti akong tumalikod sa kanya, nagbabadya nanamang tumulo ang luha ko.

Sinimulan kong maglakad palayo sa kanya. Mabagal... inaasahan kong pipigilan nya 'ko pero wala na akong ibang narinig sa kanya makiban sa huling pag-tawag nya sa pangalan ko.

"Cas..."

"CUT!"

Agad kong pinunasan ang mukha ko na may pekeng luha. Nilingon ko ang lalaking kausap ko kanina lang, medyo malayo na pala ang agwat naming dalawa.

"Oh my God, ang galing mo, Cashmiera!! Sabi ko na nga ba at bagay na bagay sa'yo ang role na 'to. Nakuha nyo agad in one take!" Tuwang tuwang sabi ng baklang direktor ng bagong pelikulang ilalabas namin. Bagong project ko 'to after I had a month vacation.

"Thank you, direk." Tanging sagot ko at ngumiti.

"O'sya, sige na punta ka na sa dressing room." Sabi nya sa'kin saka hinarap ang buong crew, "Guys, that's all for today. Pack-up na tayo!"

Hindi ko na pinansin ang iba pang ganap don dahil sinakubong na 'ko ng stylist ko na si Freya at ang manager ko na si Ranna.

"Ang galing mo do'n, Cas. Malayo na talaga ang narating mo." Nakangiting sabi ni Ranna.

"At salamat 'yon sa'yo. Kung wala ka sa tabi ko, edi sana wala ako ngayon dito." Sagot ko. Nagbiruan pa kami habang naglalakad na papuntang tent ng dressing room.

Nasa isang open field kasi kami. Para sa episode na 'to, dinala nila kami sa isang magandang lugar para lang mag-iyakan. You know how showbiz works.

Pinatanggal ko lang naman kay Freya ang make-up ko dahil hanggang ngayon ay 'di pa din ako sanay na may mabigat sa mukha ko. Naalala ko nga noong high-school, liptint lang ay okay na ako.

Nagpalit na din ako ng simpleng t-shirt at high-waisted na maong shorts. Nag-tuck in nalang ako, para di naman manang tignan.

Sabay kaming tatlo nila Ranna at Freya na lumabas ng tent. Pero sana pala, hindi muna.

Naabutan namin si Royce kasama si Naya. Pare-parehas kaming aktor at aktres pero mas nauna sila sa'kin. Kung baga, newbie lang ako, senior na sila.

They are rumored to be in a relationship. Rumored lang ba? Sa pagkakaalala ko, kinonfirm na 'yon ng agency nila pareho.

Siguro na-develop sila sa isa't isa dahil matagal silang naging magka-loveteam? Almost 4 years na din kasi ang NayChael loveteam.

Sa totoo lang, I always got insecure of Naya. Nasa kanya na ang lahat: ganda, fame, at ang pinakakinaiingitan ko sa lahat, nasa kanya si Royce. Pero matagal naman na 'yon, pagkatapos ng nangyari isa at kalahating taon na ang nakakalipas, okay na 'ko.

Hindi ko nalang sana sila papansinin, nagsimula na akong maglakad palampas sa kanila ng tawagin ako ni Royce.

"Cas."

Cas. Cas? Hahaha, natatawa ako sa sarili ko. Bakit parang totoo yung kanina sa taping?

"Cassy, ang galing mo kanina. Napanood ko 'yung take n'yo, congrats!" Sabi ni Naya. Mukhang napansin na nya ako, huh.

"Salamat, Naya. Mauuna na kami sa inyo," nakangiting saad ko.

Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad papunta sa sasakyan, malapit lang naman ang pinag-parking-an namin dahil nga open space 'to.

"Cas, mag-usap tayo."

Muli kaming natigil, maging ang ibang staff na nasa paligid namin na pauwi na 'din. Lahat kami ay hindi inaasahan ang sinabi n'ya.

"Uh. Sige, basta mabilis lang ah." Sagot ko, tiningnan pa ang wrist watch. "Alas-diez na ng gabi, kailangan na naming umuwi."

Tinanguan nya naman ang sinabi ko saka nagsimulang maglakad papunta sa may CR. May public CR kasi dito sa pinag-take-an namin, hindi naman sya mabaho.

"What do you want?" Agad na tanong ko pagkatigil na pagkatigil namin.

"Cas..." Ilang segundo syang natigil matapos banggitin ang palayaw ko.

"Hmm? Ano 'yon?" Tanong ko pa. Kailangan ko na talagang umuwi dahil may naghihintay sa'kin sa bahay ko.

"Cas, pwede bang...." malalim syang bumuntong hininga. "Pwede bang bumalik na tayo sa dati?"

Hindi na ako nagulat sa sinabi nya, napangiti ako ng mapait. Bakit ang daling sabihin sa'yo, Roy?

"What do you mean?" Takang-tanong ko pa. Wala naman kasing nagbago sa'min, magkaibigan na kami. Magkaibigan lang.

"Yung dating tayo, Cas. Ayoko ng ganito. Gusto ko yung dating pakikitungo mo sa'kin. Yung dating samahan natin—"

"Alam mong hindi na pwede yung ganon, Roy." Seryosong sabi ko sa kanya. "At alam na alam mo kung bakit. Kasalanan mo, Roy. Kasalanan mo kung bakit ganito tayo ngayon. Kaya pwede ba, pakiusap lang, makuntento na tayo sa ganito."

"Alam ko, Cas. Pero mas gusto ko 'yung tayo noon. Yung tayo bago pa mangyari 'yon. Yung tayo—"

"Bakit ba 'tayo' ka ng 'tayo', Roy? Alam mong walang ganon. Alam mong kahit kelan hindi magkakaroon ng ganon. Alam na alam mo dapat 'yon dahil ikaw mismo ang nagsabi non."

Malakas na buntong-hininga ang binitawan nya saka napa-pikit. Alam nyang hindi sya mananalo sa'kin sa ganitong usapan.

"Cas, wala na ba 'kong halaga sa'yo?"

Natigilan ako sa tanong n'ya, saka ako natawa. Talagang naisipan n'yang itanong yan?

"Ikaw ang sumagot sa tanong mo, Roy. May halaga ka pa ba sa'ken?" Balik ko sa kanya.

Nakita ko ding natigilan sya, saka bahagyang napailing iling. Pagkatapos ay nagpakawala sya ng tipid na ngiti.

"Hindi mo na ba 'ko mahal, Cashmiera?"

"Wala kang karapatang itanong sa'kin 'yan, Royce. Dahil baka pag ibinalik ko sa'yo ang tanong, hindi ka makasagot."

'Yon na ang huling salitang binitawan ko bago ko sya tinalikuran.

'Pa'no mo nakakakayang magtanong ng gano'n, Roy? Kung sa una pa lang, alam ko namang hindi mo 'ko minahal.'

To Be One With The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon