🖤

86 1 0
                                    

Binabalot na naman ng dilim ang paligid
Subalit di ko to alintana
Simula ng di ka na kapiling
Araw at gabi ay iisa na lang


Sa paglipas ng araw
Tanging hiling lamang
Muli marinig ang tinig mo
Makita ang ngiti sa iyong labi


Nilalamon ng dilim
Ang paligid
Kasabay ng paglamon sa aking isip
Wala ng iba pang maunawaan sa mundong napagiwanan na ng pahahon,
Patuloy inilalaban ang buhay na iyong iniwan



Pusong puro sakit at pait ang nadarama
Nais lamang mayakap ka
Subalit tadhana'y bakit ganon
Hanggang sa  isip at panaginip ka na lang mayayakap


Pilit nilalabanan ang sakit at pangungulila
Sa iyong pagkawala
Sa pilit na pagpikit ng mga mata
Iisipin na lang ika'y muling makikita at mayayakap


Mahal na mahal kita Tay🖤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAGDAMAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon