Bakit ka nandito? Sa Maynila kita nakilala pero bakit nandito ka? Sino ka ba talaga? Takang tanong nito sa akin habang unti-unting iniyuko ang ulo nito.
Agad akong kinilabutan ng tumama ang tila tsokolate nitong mga mata sa akin at parang nanumbalik ang nakaaran kung saan una kong naramdaman na maging isang ganap na babae.
"Hindi sinabi ni Tina kung ano talagang trabaho ang papasukin ko. Basta nalang akong nagsabi ng oo ng walang basehan. Dahil mas mahalaga ngayon ay makakain kaming magkakapatid at maitaguyod sila.
Habang nakatingin sa salamin narinig kong tinawag na ko ni Tina.
"Gurl! Halika na! T'saka nalimutan ko sabihin sayo na mag-isip ka ng stage name mo para 'di ka makilala agad ng mga tao once na nakita ka..."
"pero maganda narin yung Ligaya eh. Pang-vintage ang datingan! PAK! At mahalagang paalala hindi na ako si Tina kapag nasa bar na tayo. Ako si Gemini okay? Remember that."
Walang imik na tumango na lamang ako kay Tina kahit na puno ng pangamba na baka ikapahamak ko ang gagawin ko.
"Ligaya, tawagin na muna kitang Aya ha! Haba kasi ng Ligaya. So, ang gagawin mo lang ay mag-e-entertain lang ng lalakeng customer i-te-table ka lang parang ganon pero 'di ka nila pwedeng i-kama lalo na kung ayaw mo. 'Yun ay kung ayos lang sayo? Pero ako na nagsasabi sayo na mas malaki ang kita 'pag na-i-take home ka syempre." sabi ni Tina.
"Para sa mga kapatid ko gagawin ko lahat. Kung yung ang mabilis na paraan."
Tama naman diba? Wala akong natapos, wala akong alam na trabaho. Marahil ito na nga yun. Kailangan ko na ngang harapin ang katotohanan.
Nang makarating kami sa lugar kung saan nagtatrabaho si Tina ay bumungad na kaagad sa akin ang naglalakihang tatlong lalake na nasa labas upang bantayan ang mga lumalabas at pumapasok ng bar. Pagkapasok, sumalubong din sa akin ang napakalakas na tugtog mula sa sound system ng bar at nakakahumindig balahibo na tawa mga lalake may edad man o bata-bata pa. Doon na ko nagdalawang isip kung itutuloy ko pa ba ito. Wala akong ibang choice kun'di ipagpatuloy na ang nasimulan ko.
"LIIGAYA! HALIKA PAKILALA KITA KAY MADAM!" Pasigaw ng banggit ni Tina sa akin dahil kanina pa niya ata ako tinatawag at 'di ko lang namalayan.
Pumasok kami sa isang magarang opisina na akala mo eh napakarangal ng negosyo na pinapatakbo ng sinasabing madam ni Tina. Inilibot ko ang paningin sa loob ng opisina at tumama ang mata ko sa isang babae na tantya ko eh ay thirty-eight na.
"Madam, ito po si Ligaya, Aya for short. Bagong recruit ko! Hehe kasi pretty and makinis kaya kinuha ko na."
" Magandang gabi po Madam." nahihiyang bati ko rito sabay tingin sa kamay at paanan ko.
Ramdam ko na tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa sabay tango ng tango na para bang perpekto ako sa trabaho na ito at tama ang sinabi ni Tina.
"Okay, Tina go to your respective job. Let me talk to her." Sabi nito ng ma-awtoridad ngunit may bahid na pagkamalamyos.
Habang nakatingin sa paa ko bigla ako nitong tinanong na, " Alam mo ba ang trabahong pinasok mo?""Alam ko po. Pero gusto ko lang po sana humiling na isang buwan lamang po ako magtatrabaho rito."
" Yun din ang nasa isip ko. Tingin ko'y hindi ka nababagay sa lugar na ito kaya nasa iyo ang desisyon. Kaya ko binuksan ang bar na ito para sa mga kagaya mo." Hanapin mo na si Tina sa labas at sabihin mong samahan ka kay Angel para malaman mo ang mga gagawin mo."
" Salamat po madam!"
Nang mahanap ko si Tina agad ako nitong dinala kay Angel, sinabi nito ang mga rules and regulation. At napagdesisyonan ko na sa ikalawang linggo ay magpapa-take home na ako dahil gaya ng na-obserbahan ko mas malaki ang ang kikitain kung ganun ang gagawin ko.
Nasabi sa akin na bilang isang baguhan, kailangan muna akong ipakilala sa audience ng bar upang makilala ako at mas magkaroon ng chance na makabenta. Binihisan nalang ako ng isang puting one piece swimsuit na damit na kitang kita ang pinagpalang dibdib ko at makinis kong balat. Mukhang mumurahin lang ito pero mukhang galante ang naging dating dahil sa ginawa ni Angel sa akin.
Habang ipinakikilala ako ng nagsisilbung host ay kinakabahan na ako. This is it pansit! Wala ng atrasan. Nasabi rin sa akin na pagkatapos ko ipakilala ay kailangan kong gumiling at sumayaw sa harap ng kalalakihan.
"LET'S ALL WELCOME THE NEW AND FRESH FROM NOWHERE, LIGAYA! ANG MAGPAPALIGAYA NG BUHAY MO!"
Nagsimulang magpalakpakan at maging wild ang mga kalalakihan sa bar. Yung iba ay sumusipol sipol pa. Habang sumasayaw at gumiling kinakausap ko ang sarili ko na ngumiti at sikmurain lahat. Nakita kong sinesnyasan ako ni Angel na lumapit sa mga lalake kays agad ko namang ginawa at nabigla pa ako ng biglang may matandang lalake ang nagpasok bigla ng pera sa dibdib ko, pero agad din naman akong nakabawi at naalala na kailangan kong sikmurain iyon para saga kapatid ko.
Nagpatuloy ang mahabang gabi at swerte na may nagtable agad sa akin. Pinagbawalan muna ako ni madam na magpatake home upang hindi rawcako mabigla kaya agad naman akong sumangayon dahil hindi pa nga ako handa.
Makalipas ang isang linggo ay unti-unti na akong nasasanay sa paghawak at paghimas-himas ng mga manyak na lalake sa katawan ko. At ngayon na rin magsisimula ang pagpapatakehome ko sa mga customer na nais na akong babuyin. Nakakalungkot isipin na magiging ganto nalang ang buhay ko pagkatapos ng lahat.
Pagpasok ko sa trabaho agad na akong nag-ayos at nagpalit ng kaakit akit na damit. Kaya ko 'to wala akon karanasan pero 'di pumalys si Tina na magpanood sa akin ng porn para daw makakuha ako ng mga tactics and tips para mapaligaya ang lalake. Pagkatapos ko mag-ayos agad na akong lumabas at pumwesto na upang makita agad ng mga customer. Pero 'di pa ako nakakaupo eh nahatak na ako ni Jelaine dahil may isang hot na mukhang yayamani daw ang nagbayad na sa akin. Ang dami agad tumakbo sa isip ko, kaygaya ng " Bata pa ba yun o matanda? Anong gagawin ko kung 'di s'ya masiyahan? Babawiin niya ba anf ibinayad niya?" Samu't-sari na ang naiisip ko dahil sa takot at kaba. Sana matapos ang gabing ito eh buhay pa ko at makakauwi pa sa mgs kapatid ko.
Mang makapasok na ako sa red room na tinatawag nila Tina, ay nakita ko ang bulto ng isang lalake. 'Di ko maaninag ang mukha nito kaya naman hindi ko rin magawang umalid sa kinatatayuan ko. Nagulat nalang ako ng bigla kong narinig ang magandang baritonong boses nito.
"Sit, I won't bite. Unless you want me to."
Boses pa lang nakumpirma kong hindi isang matanda ang nakabili sa akin.
"Ahmm... Sir saan niyo po gusto simulan?" Kinahabahan at nanginginig kong tanong dito.
"Introduce yourself first, I want to know if you're worthy of my time and money."
" I'm Ligaya Sir. I'm new here. "
" Hmm so vintage huh. "
Tumayo ito sabay lumapit sa akin. Naamoy ko rito ang pinaghalong amoy ng alak at mamahalin niyang pabango na nagbibigay ng kakaibang impact sa sistema ko. Hinaplos nito ng marahan ang mukha ko at dinala ang hinlalaki niyang daliri sa mga labi ko at walang sabi-sabi ako nitong hinalikan sa labi.------------------------------------------
Sorry po I'm new to this. Sumusulat lang ako ng mga short story and I'm not a pro writer. So expect typographical error, wrong grammar and maaari rin kayong ma-bore. So, let me know in the comment section for me to improve! Thank you!xoxo💋

YOU ARE READING
Ligaya
RomanceBabaeng nagngangalang Ligaya na walang ibang hangad kundi ang maging maganda at matiwasay ang kanyang buhay ngunit, di niya ito magawa dahil sa kahirapan at kailangan niyang itaguyod ang kanyang mga nakababatang kapatid. Hanggang sa makilala niya an...