1

38 0 0
                                    

"Ligaya! Di ka pa ba uuwi? Hapon na te, hinihintay na ng mga kapatid mo sa inyo!"
Sigaw ni Tina sa akin. Si Tina ay aking matalik na kaibigan dito sa probinsya. Isa s'ya sa mga naging kaibigan ko noon sa dating pinagtrabahuhan ko. Mas pinili kong dito nalang kami manirahan kasama ng aking mga kapatid dahil, mas mura ang cost of living dito 'di gaya  sa siyudad.

"Ay oo nga, di ko na namalayan ang oras masyado akong tutok sa pagtatanim. Mauna na kayo at ako ay susunod na lang!"

Magkalapit lang naman kami ng tirahan dahil napakabait ng mga magulang ni Tina, sila na mismo ang nagtayo ng munting kubo na titirahan naming tatlong magkakapatid sa bakanteng lupa nila.  Sila din ang nagpasok sakin sa trabaho ko dito sa hacienda ng mga Generoso.

Nang makaalis na sila ipinagpatuloy ko ang aking pagtatanim, para bukas kaunti na lamang ang gagawin ko at pwede pa kong makagawa ng ibang pagkakakitaan. 'Di porket mababa ang cost of living dito eh mataas na rin ang sweldo, sapat lang para maitaguyod ko ang mga kapatid ko.

Habang nagtatanim nakaramdam ako na parang may nagmamasid sa akin. Kaya napatigil ako sa aking ginagawa at tiningnan kung sino ito.

Nang makita ko kung sino ito eh nanlaki ang mga mata ko ng makita ang lalaking di ko dapat makita ngayon.

" Tama nga ako, ikaw nga. Kamusta na Ligaya? Naalala mo ba ang gabing pinagsaluhan nating dalawa?" Tanong nito habang nakangisi at dahan-dahang  tinitingnan ako na para bang di makapaniwala na nakita niya ako dito.

At dun ko naalala ang gabing ibinenta ko ang katawan ko para sa pera. Para matulungan ko ang mga kapatid ko.Dalawang linggo na rin ang nagdaan matapos namin lumayas sa bahay ng magaling naming ina.

Dalawang linggo na rin kaming palaboy- laboy sa daan, wala kaming perang hawak nung umalis kami sa bahay kaya di namin alam kung saan kami kukuha ng pera para ipambili ng pagkain.

" Ate saan na tayo pupunta? Wala rin tayong pera di rin natin alam kung paano tayo kakain sa araw-araw."
Naiiyak na sabi ni Claro.

" Ate gutom na po ako." Nahihirapang sambit ng bunso kong kapatid na si Laurence.

" Wag kayo mag-alala makakahanap din ako ng paraan." Sagot ko na puno ng pag-asa pero sa loob loob ko eh parang nawawasak ang puso kong nakikita ang mga kapatid ko na kumakain ng pagpag, namamalimos makakain lang sa araw araw.

Isang araw, habang nangangalakal ako sa daan  may isang babaeng puno ng kolorete ang kanyang mukha.

"Miss alam mo sayang ka. Nakikita ko na maganda ka kung di lang maamos yang mukha mo" sabi nito.

Pero di ko s'ya pinansin at ipinagpatuloy ang paghahanap ng bagay na pwede kong pagkakitaan.

"Alam mo may alam akong trabaho na mas madali kang kikita ng pera, presentable ka pa."

Doon ako napatigil at biglang napaharap sa kanya.

"Pwede mo ba kong tulungan?! Paano ako makakapasok? Ano kailangan ko?  High school lang ang natapos ko, pwede ba yun?  Ano requirements?!" Naghihisteryang tanong ko rito.

"Btw, I'm Milan. And no di na importante kung graduate ka or not the most important is you are beautiful. So, ano? Are you in?"

" Ano bang klaseng trabaho yan?"

" Basta sumama ka sakin."

" Teka may kapatid ako, di ko sila pwedeng iwan. Kailangan kasama ko sila."

" Okay, fine."

Nang masundo na namin ang aking mga kapatid sumakay kami sa sasakyan niya. 'Di ko alam kung tama bang basta nalang akong nagtiwala at sumama sa babaeng to. 'Di ko sya lubusang kilala pero agaran niya akong napasama sa kanya.

Di nagtagal ay nakarating kami sa isang apartment. Sa aking palagay dito s'ya nakatira.

"Hoy pokpok sino yang kasama mo?!" Bungad ng isang babaeng kakalabas lang ng bahay.

" Ouch naman friend! Wag kang ganyan!" Natatawa at pabiro nitong sagot.

" Nga pala, ito si Tina kaibigan ko at katrabaho ko na magiging katrabaho mo na rin. And Tina, ito nga pala si..." Sabi nito habang titig na titig ito sa akin tila ba inaalala kung sino ako. 

" Sino ka nga ulit frie-." Di natuloy ang sasabihin nito dahil agad itong binatukan ni Tina.

" Gaga! Sama ka ng sama ng kung sinu-sino tas di mo alam kahit pangalan man lang?"

" Nalimutan ko lang itanong! Ang sakit ha!"

" Hahaha ang sarap niyong tingan pasensya na di ko nasabi pangalan ko ako si Ligaya ito naman si Claro at Laurence mga kapatid ko."

" So, ano plano mo dito Milan?"

" Plano ko sya i-recruit, naawa kasi ako. Kaya halika na Ligaya kailangan mo ng ayusan para mamaya salpak agad sa work."

" A-ah sige anong klaseng trabaho ba yan?" Tanong ko.

" Mamaya malalaman mo, oh ito tuwalya, may cr dyan sa kaliwa maligo ka na don para fresh. At wag ka mag-alala si Tina na bahala sa mga kapatid mo."

" S-sige salamat." Sabi ko bago tumalikod papuntang cr.

"Bakit ka nandito? Sa Maynila kita nakilala pero bakit nandito ka? Sino ka ba talaga?

LigayaWhere stories live. Discover now