Chapter 9- He missed me??

22 3 0
                                    

Amethyst' POV

I'm on my way na papuntang school.. Pagdating ko dumiretsyo agad ako papuntang locker. Ilalagay ko muna yung uniform ko sa trabaho ko sa coffe shop ni sir matchong bakla.. Ang ikli pa naman ng uniform nila. Skirt na blue na 2 inches above the knee and white blouse na longsleve. Pagdating ko sa room namin ako pa lang mag-isa. Inagahan ko kasi ngayon para kunti lang ang atensyon na nakukuha ko.

Pagkaupo ko sa upuan ay agad akong umub-ub, gusto ko ng peace of mind at kunti pang tulog. Kulang pa ko sa tulog dahil naalala ko si Felix, yung pinsan ni Mandy na sinayaw ako kagabi..

Flashback

Pagkapasok namin sa loob ay iginiya nya ako sa table nila Mandy.

Pinag usog nya ko ng chair at kahit nagtataka ay umupo na rin ako habang nakataas ang kilay kong nakatingin kay Mandy na may makahulugang ngiti sa kanyang mga labi.

Tinignan ko si Mandy ng anung-nangyayari-sa-pinsan-mo-look at ang gaga ay nagkibit balikat lang.

"Anong gusto mong kainin thyst?" (read as tes)

Napatingin ako kay Felix na may pagtatanung sa mga mata sabay turo ng hintuturo ko sa aking dibdib

"Ako?"

Tanong ko pa sa kanya. Syempre Thyst daw eh.. Di naman ako tinatawag na thyst ng ibang tao.

"ah-huh!, ano? Anong gusto mo? Pasta? Roasted chicken? Macar---"

"Hip hip hip wait lang insan.. Kaya naman na yan ni Ame.. Napaghahalataan ka eh hahaha" pigil pa ni Mandy sa pinsan nya sabay tawa pa ng malakas.

Napatingin naman ako sa kanya..
Napaghahalataan? Ano naman yun diba?

Pagkatapos ng party nagpresenta pa syang ihahatid nya daw ako tututol pa sana ako kaya lang eh naitulak na ako ni Mandy papasok sa kotse ni Felix. Okay lang naman dahil sumakay din naman si Mandy

"Ahm kuya can you please stop the car at the 7/11? May bibilhin lang ako" biglang sabi ni Mandy

"Okay! Sure no probs!"

Nung pagdating namin sa 7/11   at nakababa na si Mandy dumungaw sya sa bintana katapat kay Felix

"Kuya una na kayo.. Ihatid mo muna si Ame sa boarding house nya... Balikan mo na lang ako mamaya.. Magmemeryenda muna ako dito.. Nagutum ako bigla eh" sya sabay kindat pa kay Felix

Now what was that? Tsk

Nagdrive lang sya ulit at itinuro ko naman ang daan pauwi sa boarding house na nirerentahan ko.

Pagkadating namin ay dali-dali syang lumabas sa kotse nya at pinagbuksan nya ako ng door car, inilahad nya ang kamay nya at inabut ko naman ito agad.

Nung nasa harap na ako ng gate ay hinarap ko sya..

"Thanks" simpleng sabi ko sa kanya sabay ngiti..

"It's My Pleasure Thyst" sya sabay abot ng kanang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

Tinignan ko lang sya sa ginagawa nya.

Gentleman yan ang description ko sa kanya...

"Sige una na ko. Bye" ako sabay talikod na sana ako..

"Wait!"

naramdaman ko ang kamay nyang hinawakan ang kanang braso ko at iniharap ako sa kanya.

"Your so Pretty tonight ^_^, I really missed you!"

Sya sabay yakap sa akin..

Anong ginagawa ng lalaking ito? Namiss nya daw ako? Pano? Magkakilala ba kami?

Hinayaan ko lang sya sa pagyakap sakin kahit awkward na yung situation....

Naramdaman kong lumuwag na ang yakap nya kaya ako na ang umalis sa yakap nya.

Hinarap ko sya at tinignan ng may pagtatanung sa mga mata ko.

Nginitian nya lang ako

"Good Night Thyst.. Sweet Dreams ^_^"

Sya sabay takbo papuntang car nya..

Kumaway pa sya sa akin at kumaway naman din ako sa kanya ng may pagtataka parin..

End of Flashback

Ayun nga.. Kaya puyat ako kakaisip sa sinabi nyang Miss nya daw ako.. And Pretty? Tsk bolero talaga lahat ng lalaki tsk tsk...

--------------

A/N:

Salamat ulit sa patuloy na nagbabasa.. Dont forget to Vote, Share and Comment ^_^.. Follow na rin po.. God Bless you all...

- rigid_gurl20

ADAMANT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon