Chapter 1

524 75 31
                                    

Amadi 

#DTI1

Malakas na tumili ang aking kapatid nang biglang lumabas sa pinapanood niya ang crush na crush niyang artista. Nanonood kasi kami ng fantasy movie na may mga vampires, werewolves, warlocks or witches. Hindi ko alam kung bakit ever since nahilig na kami ni Amanda sa mga ganitong genre.

Siguro dahil isa kaming werewolves? Although hindi naman kasi nag-e-exist ang mga vampires or witches. Sinabi nina Papa ay matagal ng werewolves at mga tao lang ang nasa mundo. Hindi rin naman ako nakaka-encounter kaya sa buong buhay ko ay hindi ko naman din sila hinahanap.

"Kung sana may gwapong warlock din, 'no, ate?" na-e-excite na sabi ni Amanda habang tinitigan pa rin ang kaniyang crush.

Napangiwi ako. "Asa ka naman. Wala nga raw gano'n sabi nina Papa. Puro mga werewolves lang. Maraming gwapong tao kaso hindi naman tayo puwede makipag relasyon sa kanila..."

"Ang arte kasi nina Mama! Bakit naman bawal? Sayang 'yong kaklase kong guwapo... mukhang type pa naman niya ako kaso hindi tayo puwede magkagusto sa mga tao..." Ngumuso siya at umirap.

Buong buhay namin ni Amanda ay puno ng pagbabawal. Maraming tagubilin sa amin sina Papa at Mama tungkol sa mga tao. Hindi nila maaring malaman na isa kaming werewolves. Mahigpit na ipinagbabawal na kumalat ang impormasiyon ng lahi namin sa mga tao.

Kailangan kasi naming ingatan ang lahi namin. They entrusted the fate of our population to our parents. Sila na raw ang bahalang magparami.

Ang tanging alam ko lang ay noong unang panahon daw ay naninirahan ang mga werewolves sa isang mundong hindi ko na alam kung nasaan na ngayon.

Basta isang araw napagdesisyunan daw nina Papa na lumisan doon at manatili sa mas payapang mundo. Kaya kami napadpad dito—sa mundo ng mga tao. Hindi ko na rin inaalam ang mga nangyari sa lahi namin, pero may parte sa akin na gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyari noon at bakit kami kumonti?

Hindi naman sinasabi nina Mama, kaya mas pinili ko na lang din na mamuhay nang mas payapa tulad ng sinabi nila. May mga kapamilya pa rin naman kami na payapa na lang ding namumuhay at hindi na kailanman binalikan ang nakaraan.

"Oh my! May bed scene! Ate, bawal ka niyan! Magkakasala ka." May pang-aasar ang kaniyang pagtili.

"Ang kapal mong babae ka. Mas matanda kaya ako sa 'yo!"

She hissed. "At least ako nagka-boyfriend na at nagka-first kiss na. E ikaw? 20 years old ka na wala ka pa ring experience sa love."

"Sa love wala, pero sa suntukan meron. Suntukin ko kaya 'yang mukha mo para tumaob ka riyan ngayon din?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya humalakhak siya.

Paano naman kasi ako makaka-experience ng love sa ibang lalaki kung puro lahat sila tao? May mga werewolves pero kasing edad lang nitong bruha kong kapatid. It's a no for me. I prefer guys my age or somehow older than me!

"Excuse me, may lalaking nanliligaw sa akin!"

"Werewolf ba? Tao, 'di ba? Sino 'yung Levi ba? Gwapo 'yon pero hindi kayo puwede." Humalakhak siya nang malakas na malakas.

Hindi na ako nakasagot dahil hindi nga kami puwede ni Levi. Nakaka-boring tuloy palaging pumasok sa school! Nakakainis. Wala man lang inspirasiyon. Minsan iniisip ko kung bakit ba ako naging wolf? I mean, deserve ko rin naman ma-experience ang love!

Pinatay ko na ang TV para makaganti ako sa bruha kong kapatid.

"Matulog kana ro'n! Hindi kita isasama mamaya sa pag-hunt ko."

Defying the ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon