Chapter 2

207 29 2
                                    

Amadi

#DTI2

Maaga akong gumising dahil sa kadahilanang nagpapatulong si Papa magsibak ng mga kahoy. 'Yong bruha ko kasing kapatid ay tumutulo pa ang laway sa sarap ng tulog kaya bilang ate ay ako na lang. Nakakahiya naman kasi sa kaniya.

Pagkarating ko sa gilid ng bahay namin ay katatapos ko lang din ipusod ang aking buhok. Nagtaas ng kilay si Papa nang nakita ang suot ko.

"Bakit po?" Nalilito ang mukha ko bago pumwesto para magsimula na rin magsibak ng kahoy.

Mahina siyang natawa. "Wala. Nagulat lang ako kasi naka-sleeveless ka at nafe-flex 'yang muscle mo."

I frowned. "Si Papa talaga. Sexy lang talaga anak mo." Natawa na rin ako at saka hinataw ng palakol ang hugis cylinder na kahoy.

Habang tinutulungan ko si Papa ay bigla siyang nagsimula ng pag-uusapan.

"Wala ka bang nagugustuhan sa school niyo?" Sandali niya akong nilingon bago nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Meron po. Pero puro mga tao. E 'di ba bawal po akong magkagusto sa tao."

"Delikado kasi, anak. Natatakot lang ako para sa 'yo. Hindi ligtas na malaman na isa kang werewolf. Kaya kahit na gusto namin ng mama mo na hayaan lang kayo ni Amanda ay hindi naman 'yon maaring gawin." Sandali siyang tumigil sa ginagawa para mas makapag-explain nang maayos.

"Okay lang naman po. Hindi ko naman po kailangan ng lalaki sa buhay ko. Kaya ko naman mag-isa. Kung may lalaking werewolf na type ko ay bakit naman hindi." Nagkibit-balikat ako.

Sandali akong napatahimik at naligaw sa naalala ko. Bigla ko na naman kasing naisip kung bakit ba bawal malaman ng mga tao na iba ang katauhan namin? Hindi naman imposible na matanggap nila kami dahil hindi naman namin sila sinasaktan.

Pero bakit? Bakit kailangan kong itago kung sino ako? Ang dami laging misteryo sa lahi namin na hindi ko masagot at hindi rin sinasagot nina Papa. Ayaw nila at palagi nilang sinasabi na basta ang mahalaga ay ligtas kami kaya 'yon dapat ang gawin namin, ang sumunod sa mga sinasabi nila.

"May mga kailangan kasi tayong protektahan, Amadi. Hindi natin basta maaring suwayin ang mga dapat nating ginagawa dahil lang may gusto tayong makuha," tunog bumubulong na siya at muling nagpatuloy sa ginagawa.

Suminghap ako. "Okay lang naman po, 'Pa. Naiintindihan ko naman po na kailangan talaga natin i-preserve ang lahi natin. Kaya nakakatakot lang din kung magpapadalos-dalos."

"Huwag kang mag-alala dahil hahanapin kita ng ka-edad mo. Ano bang tipo mo? 'Yung kasing gwapo ng Papa mo?" Nagtaas-baba pa siya ng kilay kaya napangiwi ako.

"Aga mo mag-joke, 'Pa." Umirap ako at napailing.

Humalakhak siya. "Pero anak, gusto ko rin naman magkaroon ka ng boyfriend para naman ma-experience mo rin magkaroon. Hindi lang 'yong puro tayo ganito. Sometimes it's worth the risk anyway." Humupa na ang tawa niya at malambot na napangiti.

Bahagyang nanliit ang mga mata ko. "Bakit po ba hindi ako puwedeng magmahal ng tao? Gusto ko lang pong itanong."

Naisip ko kasi bigla 'yong sinabi ni Tito sa amin ni Amanda kagabi. Paano naman naging kabawasan sa amin kung magmamahal ako ng tao? Kung magiging asawa ko siya ay may lahi pa rin namang werewolf ang anak namin.

"Delikado nga kasi, anak." Umiwas na agad siya ng tingin at mukhang iniiwasan ang tanong ko.

"Bakit po siya naging delikado? Bukod po sa malalaman nilang werewolf tayo?" Diniin ko talaga na masagot 'tong tanong na 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Defying the ImperiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon